- 23 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, September 29, 2025
-P902M na 2026 budget ng OVP, pasado na sa committee level ng Senado
-NDRRMC: 27 patay, 33 sugatan sa pananalasa ng Habagat at magkakasunod na bagyo
-Binatilyo, kabilang sa siyam na nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Masbate
-PAGASA: Bagyo, posibleng mamuo at tatawirin ang Luzon sa pagitan ng Oct.3-9
-Rep. Zaldy Co, may hanggang ngayong araw para bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon kaugnay sa flood control projects
-Sen. Ping Lacson: Kabuuang budget insertion ng halos lahat ng senador noong 19th Congress sa 2025
-Babaeng project engineer, patay sa pamamaril
-2 lalaking sakay ng motorsiklo na nagtangkang tumakas sa checkpoint, arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga
-LRMC: Operasyon ng LRT-1, balik-normal na matapos magkaaberya ang isang tren sa Gil Puyat Station
-DOJ: Pag-finger heart ni Sarah Discaya, pagpapakita ng insincerity at complacency
-PBBM: Tuloy ang pagpapatayo sa P300B na flooc control projects na pinondohan ng 2025 Nat'l Budget
-Oil price adjustment, ipatutupad bukas
-Justin ng SB19, sumabak sa acting lessons at training para sa role sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Pamilya at abogado ni FPRRD, inireklamo ang hindi pag-abiso ng ICC sa kanila tungkol sa kondisyon ng dating pangulo
-Malacañang, pumalag sa pahayag ng kampo ni FPRRD sa ICC kaugnay sa hinihiling nitong interim release
-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck ng basura; angkas, sugatan
-Dalawang motorsiklo, nagkabanggaan; 3 sugatan
-DPWH engineer, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa backhoe na parte ng road construction
-Pulis at kanyang kasama, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng mga baril; tumanggi silang magsalita
-Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nagbitiw bilang Special Adviser ng ICI
-Ilang atletang Pinay at tagapagtaguyod ng Women's sports, kinilala sa 2025 Women in Professional Sports Awards
-36, patay sa stampede sa gitna ng isang election campaign; 58, sugatan
-Tubig, bumulwak sa bahagi ng Visayas Ave. sa Brgy. Vasra; nagdulot ng bahagyang pagbaha
-Mga pulis sa eksena ng "Cruz vs. Cruz," hindi nakaligtas sa malakas na sampal ng karakter ni Gladys Reyes
-NCAA Season 101, magsisimula na sa Miyerkules, Oct. 1
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-P902M na 2026 budget ng OVP, pasado na sa committee level ng Senado
-NDRRMC: 27 patay, 33 sugatan sa pananalasa ng Habagat at magkakasunod na bagyo
-Binatilyo, kabilang sa siyam na nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Masbate
-PAGASA: Bagyo, posibleng mamuo at tatawirin ang Luzon sa pagitan ng Oct.3-9
-Rep. Zaldy Co, may hanggang ngayong araw para bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon kaugnay sa flood control projects
-Sen. Ping Lacson: Kabuuang budget insertion ng halos lahat ng senador noong 19th Congress sa 2025
-Babaeng project engineer, patay sa pamamaril
-2 lalaking sakay ng motorsiklo na nagtangkang tumakas sa checkpoint, arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga
-LRMC: Operasyon ng LRT-1, balik-normal na matapos magkaaberya ang isang tren sa Gil Puyat Station
-DOJ: Pag-finger heart ni Sarah Discaya, pagpapakita ng insincerity at complacency
-PBBM: Tuloy ang pagpapatayo sa P300B na flooc control projects na pinondohan ng 2025 Nat'l Budget
-Oil price adjustment, ipatutupad bukas
-Justin ng SB19, sumabak sa acting lessons at training para sa role sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Pamilya at abogado ni FPRRD, inireklamo ang hindi pag-abiso ng ICC sa kanila tungkol sa kondisyon ng dating pangulo
-Malacañang, pumalag sa pahayag ng kampo ni FPRRD sa ICC kaugnay sa hinihiling nitong interim release
-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck ng basura; angkas, sugatan
-Dalawang motorsiklo, nagkabanggaan; 3 sugatan
-DPWH engineer, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa backhoe na parte ng road construction
-Pulis at kanyang kasama, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng mga baril; tumanggi silang magsalita
-Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nagbitiw bilang Special Adviser ng ICI
-Ilang atletang Pinay at tagapagtaguyod ng Women's sports, kinilala sa 2025 Women in Professional Sports Awards
-36, patay sa stampede sa gitna ng isang election campaign; 58, sugatan
-Tubig, bumulwak sa bahagi ng Visayas Ave. sa Brgy. Vasra; nagdulot ng bahagyang pagbaha
-Mga pulis sa eksena ng "Cruz vs. Cruz," hindi nakaligtas sa malakas na sampal ng karakter ni Gladys Reyes
-NCAA Season 101, magsisimula na sa Miyerkules, Oct. 1
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:08.
00:10.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:29Mainit na balita. Pasado na sa Senate Finance Committee ang budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.
00:42Mahigit 902 million pesos ang pondong niyan na ibibigay para pa-aprobahan sa plenario.
00:48Vice President Sara Duterte ang nagpresenta niyan sa komite.
00:52Mas mababa ang aprobadong halaga kumpara sa orihinal na hinihinging mahigit 942 million pesos ng Office of the Vice President.
01:01Ayon sa OVP, pondo para sa mga information and communication technology o ICT equipment ang tinapyas na budget ng Department of Budget and Management sa Ipinasang National Expenditure Program.
01:13Ang iba pang detalye ay ahatid namin maya-maya lang.
01:2227 ang huling bilang na mga nasawi sa pananalasan ng magkakasunod na bagyong mirasol, nando at opong patinahanging habaga.
01:32Ayon sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apat sa mga iyan ang kumpirmadong nasawi.
01:39Mula silang lahat sa Cordillera Administrative Region.
01:42Binaibirikpika naman ang 23 iba pa.
01:4533 ang nai-report ng sugatan at 16 ang nawawala.
01:49Mahigit siyam na rang libong pamilya ang apektado ng mga naturang sama ng panahon.
01:55Aabot na sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
02:07Inilagay sa State of Calamity ang mahigit dalawangpong bayan sa Masbate dahil sa hagupit ng bagyong opong.
02:15Siyam na ang naitalang nasawi roon.
02:17Balitang hatid ni J. Pisoniano.
02:22Mabait, malambing na anak at apo, at isang mabuting kaklase na puno ng pangarap sa buhay.
02:28Ang labing-arim na taong gulang na si Brian Bolaño.
02:31Pero sa kasaksaganang bangyong opong sa Masbate City nitong biyernes,
02:34ang kanyang buhay, maagang natapos.
02:39Pasado alas 4 na madaling araw, habang nasa loob ng kanilang bahay,
02:44nabagsakan ang gumuhong pader ng kapitbahay,
02:47ang mismong silid kung nasaan si Brian.
02:50Kwento ng ama ni Brian na isang bombero mula sa BFP Masbate.
02:53Malakas man ang bagyo, kampante siyang iwan ang anak at lola ni Brian sa bahay
02:58dahil sementado at protektado ang pundasyon nito.
03:01Nag-duty pa raw siya noong madaling araw ng biyernes para tumulong bilang contingency sa mga binagyo.
03:07Natawagan pa raw niya ang lola ni Brian bago mag-alas 5 ng umaga
03:11at sinabing okay naman ang kanilang lagay kahit malakas ang hangin.
03:16Hanggang sa nakatanggap ang ama ni Brian ng tawag,
03:19kailangan niya raw bumalik dahil nabagsakan ng pader ang kanilang bahay.
03:23Inala sa ospital si Brian at sinikap i-revive na mga doktor.
03:27Ako mismo ni-revive ko pa rin yung anak sa sobrang ano ko na hindi ko matanggap.
03:34Sa ang iniisip ko, hindi ko susukuan yung anak ko.
03:39Pero hindi na talaga.
03:42Wala na talaga.
03:45Isa si Brian sa siyam na namatay sa probinsya ng Masbate.
03:49Dahil sa Bagyong Opong, hindi bababa sa sampung katao pa ang vini-verify ng PDRRMC ng Masbate.
03:55Kung may direktang kaugnayan ng pagkamatay sa Bagyong Opong,
03:59problema pa rin sa probinsya hanggang ngayon ang mga nagtumbahang poste ng linya ng kuryente
04:04at mga higanteng punong binali ng malakas na hangin.
04:08Wala pa rin maayos at stable na linya ng komunikasyon ayon kay Masbate Governor Richard Koh.
04:14Nabanggit ng Masbate Electric Cooperative na posibleng abutin ng isang buwan bago tuluyang maayos ang supply ng kuryente sa buong probinsya.
04:22Nangako raw ang Department of Energy na tutulong sa lalong madaling panahon para mas mapabilis ito.
04:28Nagsabi na rin daw ang mga nangungunang telcos na puspusan ang kaninang pagsasayos ang signal.
04:34Isa sa mga pangunahing problema ng mga taga-Masbate ngayon ay pagkain at tubig.
04:40Naiparating na raw ang first batch ng deliveries ng pagkain at tubig
04:44at dadalhin na ang mga susunod na batch sa mahigit 20 bayan ng Masbate na isinailalim na sa state of calamity.
04:52We assure them that we will do our best na matulungan sila.
04:56We will do our best to recover.
04:59We will do our best na makabangon ang Masbate.
05:03Mula rito sa Masbate, JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:10Wala ng bagyo sa bansa ngayong patapos ng Setiembre pero pinaghahanda ng pag-asa ang bansa sa posibleng mamuong bagyo sa pagpasok ng Oktubre.
05:19Base sa datos ng ahensya, posibleng mangyari yan sa pagitan ng Oktubre 3 at Oktubre 9.
05:24Tatawi rin ng potensyal na bagyo ang Northern at Central Luzon.
05:28Kung mangyari, tatawagin itong Bagyong Paulo.
05:30Sa ngayon, wala pang namamata ang bagyo o low-pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
05:38Easterly, isang magdadala ng mainit at malinsangang panahon sa bansa ngayong araw pero may bitbit din itong mahihinang ulan lalo sa silangang bahagi.
05:47Uulanin ng halos buong bansa kasama na po ang Metro Manila sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
05:54Maging alerto sa heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
06:01Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory dito sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at ilang panig ng Quezon, Quezon Province at Batangas.
06:09Tatagal po ang babala hanggang 12.27 ngayong tanghali.
06:13Nitong Sabadol, lumabas ng PAR ang Bagyong Opong.
06:17Nag-landfall na ito bilang typhoon bulaon at hinahagupit ang bansang Vietnam.
06:22Ngayong araw, ang deadline kay ako, Bico Partilist Representative Zaldico para umuwi sa Pilipinas.
06:34Ito'y matapos bawiin ni House Speaker Bojidi ang travel clearance ni Co noong September 18 para harapin ang mga aligasyong kaugnay sa flood control projects.
06:44Kasama si Co sa mga mambabatas na nakatanggap umano ng kickback sa mga proyekto.
06:49Si Co rin ang itinuturong nagsingit sa 13 billion pesos na halaga ng flood control projects sa 2025 budget noong Shai House Appropriations Committee Chairman.
07:01Itinanggin ni Co ang lahat ng aligasyong laban sa kanya.
07:04Sabi noon ang kamera, pumunta sa Amerika si Co para magpagamot.
07:09Naunang sinabi ni Co na intensyon naman niyang bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga issue pero nangangambaraw siya para sa kanyang kaligtasan.
07:18Gusto rin daw sana niyang tapusin ang pagpapagamot.
07:22Tiniyak naman ang House Speaker na bibigyan ng proteksyon si Co at ang kanyang pamilya kapag bumalik sila sa Pilipinas.
07:31Duda ang ilang senador sa mga pahayag ng nagpakilalang dating security aide ni Congressman Zaldico na si Orly Guteza
07:38tungkol sa pag-deliver niya umano ng mali-malitang pera kina Co at dating House Speaker Martin Romualdez.
07:43Sa gitna ng kontrobersya, nadiskubri ni Sen. Ping Lakson ng anyay insertions na isiningit ng halos lahat ng mga senador noong 19th Congress.
07:53Ang halaga ng insertions sa balitang hatid ni Mav Gonzalez.
07:56Nagulat daw si Senate President Pro Tempore Ping Lakson na sa 2025 General Appropriations Act,
08:05mahigit 100 bilyong piso aniya ang insertions o isiningit ng halos lahat ng senador noong 19th Congress.
08:12Individual insertions daw ito na naka-FLR o for later release.
08:16Hindi pa raw siya nakakita ng ganito kalaking halaga.
08:19Noon daw kasi, nasa daang-daang milyong piso lang ang Priority Development Assistance Fund o PDAF
08:24na mas kilala bilang pork barrel bago ito i-deklarang unconstitutional.
08:29Sabi ni Lakson, hindi pa niya nakikita ang buong listahan ng mga kongresistang nagsingit din sa budget
08:34pero mahaba rin aniya ito.
08:37Pwede raw niyang tanungin sa budget deliberation kung bakit ito pinayagan,
08:41kung ilan sa mga insertion ang narelease at paano ito ay pinatupad.
08:44Giip ni Lakson, bagamat hindi naman agad-agad masasabing iligal ang mga budget insertion o amendment,
08:50nako-question ito lalo kung umabot ang individual insertion ng 5 hanggang 10 na bilyong piso.
08:56Nanawagan din ang senador sa mga kapwa mambabatas na iwasan ang paggamit ng tinatawag na leadership funds sa DPWH
09:02na nagbibigay daan para makapagsingit ng proyekto ang mga senador at kongresista kahit sa National Expenditure Program o NEP.
09:10Samantala, may mga senador na nababahala sa affidavit ni Orly Gutesa,
09:15ang dating security aide ni Congressman Zaldico na nag-deliver umano ng mali-maletang pera kinako
09:20at dating House Speaker Martin Romualdez.
09:22Bukod kasi sa hindi pagsipot sa pulong niya sa Justice Secretary,
09:26pinasinungalingan ng dalawang dating kasamahan niya ang kanyang pahayag.
09:29Itinanggi rin ang nakapirmang notaryo na si Atty. Pesci Rose Espera
09:33na siya ang nagnotaryo at tumulong maghanda sa salaysay ni Gutesa.
09:37Sabi ni Laxon, makakatulong ang Manila Regional Trial Court
09:41na lutasin ang misteryo ng kontrobersyal na affidavit ni Gutesa.
09:45Sabi ni Sen. Rodante Marcoleta na nagpakilala kay Gutesa sa Senate Blue Ribbon Committee,
09:50walang epekto sa salaysay ni Gutesa ang anumang problema sa pagnotaryo sa affidavit
09:55dahil binasa niya ito sa pagdinig.
09:57Sumumpa naman daw siya sa Blue Ribbon,
09:59binasa roon ang kanyang salaysay at tinanong pa ng mga senador.
10:02Kaya aniya, kahit walang notaryo, hindi nawala ng saisay ang mga sinabi ni Gutesa.
10:08Pwede naman daw ipanotaryo muli ni Gutesa ang affidavit niya
10:10para mawala ang duda ng mga tao.
10:13Tingin ni Marcoleta, may kredibilidad bilang testigo si Gutesa
10:16dahil tinest niya ito at pinagtatanong sa mga sinabi niya,
10:20partikular sa mga umaneng maleta ng pera.
10:22Taliwas naman ang pananaw ni Sen. Erwin Tulfo na may duda raw kay Gutesa.
10:27Lalo pa raw ng itanggin ang notaryo na pinirmahan niya ang affidavit nito.
10:30Ngayon nga po nawawala na po yung nawawala si Mr. Gutesa.
10:35Hindi na nga makita po, hindi na po matagpuan.
10:39Medyo at this point po medyo nakakapagdudal.
10:42Gusto ko nga may isang hearing pa po para matawag yung tao na yun,
10:46mga course examin po natin, para matanaw lang po natin,
10:50sino ba ang nagturo sa'yo?
10:52Dagdag ni Tulfo, magandang makuha rin ang CCTV footages
10:55mula sa pinagdalhan umanong exclusive subdivision.
10:58Pero ang eleksyon daw rito, dapat suriin muna ang mga testigo
11:02bago paharapin sa pagdinig.
11:05Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:10Nilinaw ni Sen. Tito Soto na bahagi ng regular na proseso ng budget deliberations
11:14ang pag-amienda at paglagay ng insertion sa national budget.
11:18Dagdag ni Soto, unfortunate na nakikitang iligal o hindi dapat gawin
11:22ang pag-amienda sa national budget dahil sa isyo ng flood control projects.
11:26Tiniyak niyang magkakaroon ng pagbabago sa pagsusuri ng Senado
11:29sa 2026 budget para mas maging transparent, accountable at may partisipasyon ang publiko.
11:38Ito ang GMA Regional TV News!
11:42Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:50Matay sa pamamarilang isang babaeng project engineer sa Dingras, Ilocos, Norte.
11:55Chris, ano ang nakikita ng pulisya na motibo sa krimen?
11:58Connie, inaalam ngayon ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagpatay sa biktima.
12:06Ay sa pulisya, isang residente ang nakakita sa sinasakyang utility van ng biktima
12:10na nahulog sa kanal sa barangay San Marcelino.
12:13Nang puntahan ng pulisya doon na nakita ang duguan na katawan ng biktima.
12:18Isinugod pa siya sa ospital pero namatay rin matapos ang ilang oras.
12:22Sabi ng pulisya, walang nakasaksi sa mismong krimen pero may nakapagsabi na nakasalubong daw nila ang mga sospek.
12:30Wala raw alam ang pamilya ng biktima na kaaway nito.
12:35Arestado naman ang dalawang dalaking sakay ng motorsiklo matapos subukang takasan ng isang checkpoint sa Noveleta, Cavite.
12:41Ayon sa pulisya, silita ang motorsiklo dahil walang suot na helmet ang angkas nito.
12:46Imbes na tumigil ay binilisan pa ng rider ang patakbo hanggang nahabol sila ng mga otoridad.
12:52Napagalamang walang lisensya ang rider at walang kaukulang papeles ang motorsiklo.
12:57Nahulihan pa sila ng mahigit sa labing pitong gramo ng mariwana sa compartment ng motorsiklo.
13:03Aminadong dalawa na dadalhin nila sa Kawit, Cavite ang iligal na droga na kinuha nila sa General Trias kung saan sila residente.
13:12I-impound ang dala nilang motorsiklo habang maharap ang dalawa sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
13:22Mayinit na balita, balik normal na ang operasyon sa buong LRT-1 kasunod ng aberya sa isang tren sa Hilpuyat Station kaninang pasado alas 9 ng umaga.
13:33Pansamantalang itinigil ang operasyon ng buong LRT-1 kaya humaba ang pila sa footbridge na nag-uugnay sa LRT-1 EDSA Station at MRT-3.
13:41Naipundin ang mga pasahero sa labas ng Dr. Santos Station sa Paranaque.
13:47Kalaunan, nagbalik operasyon ng LRT-1.
13:50Wala pang paliwanag ang LRMC kung ano ang sanhinang pagpalya ng tren sa Hilpuyat Station.
13:56Yan ang pahayag ng kontratistang si Sarah Diskaya na nag-finger heart gesture pahabang papasok sa Department of Justice nitong Sabado para sa kanilang case build-up.
14:18Para sa DOJ, pagpapakita yan ng insincerity at complacency.
14:24Isasama raw nila ito sa kanilang pagsusuri sa mga taong isinasangkot sa questionableing flood control projects.
14:30Hinimok ng DOJ ang mga iniimbestigahan kaugnay sa kaso na kumilos ng naaayon.
14:35Kabilang si Sarah Diskaya at kanyang asawang si Pasifiko sa protected witnesses ng DOJ.
14:40Hindi pa state witnesses ibig sabihin, pwede pa rin silang masampahan ng kasong kriminal.
14:45Sa kabila ng sunod-sunod na issue sa DPWH, tuloy ang pagtatayo hanggang sa susunod na taon ng mga flood control projects na pinunduhan ngayong 2025.
14:58Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, titiyaking maayos ang proposal at implementasyon ng mga naturang proyekto na may kabuang budget na 300 bilyong piso.
15:08Kabilang saan niya i-safeguard measures, ang pagbalik sa acceptance process sa local government units.
15:15Bago i-turn over ang mga proyekto, kailangang may clearance na tapos na nga ito mula sa barangay level hanggang sa provincial government.
15:23Sabi ng Pangulo, titiyaking hindi na mauulit ang mga umano'y katiwalian sa flood control projects.
15:29Titiyaking po natin na hindi na po mauulit yung ating nakita.
15:37Titiyaking po natin na bawat sentimo na pera ninyo sa amin ang responsibilidad, ang katungkulan na tiyaking na ang bawat sentimo ay mapupunta sa maganda
15:49para pagandahin po ang buhay ng ating mga kababayan.
15:53Mula sa DPWH, iniutos na rin ni Pangulong Marcos kung saan ililipat ang 255.5 billion pesos na pondo dapat para sa 2026 flood control projects.
16:07Iri-reallocate ang 60 billion pesos sa PhilHealth, mahigit 39 billion pesos sa Department of Agriculture,
16:13at 600 million pesos sa Agrarian Reform, halos 36 billion pesos sa ilang ayuda programs ng Department of Social Welfare and Development,
16:24kabilang na ang four-piece.
16:2618 billion pesos para naman sa Department of Labor and Employment.
16:30Makatatanggap din ang budget reallocation, ang Department of Health na mahigit 29 billion pesos.
16:36Ang Department of Education na mahigit 26 billion, CHED na mahigit 9 billion at TESDA na 1 billion pesos.
16:45Isang bilyong piso naman ang ililipat sa Department of Transportation para sa rehabilitasyon ng MRT.
16:53May pondo rin dadalhin sa iba pang mga ahensya at programa.
16:56Bip, bip, bip!
17:26Rollback naman para sa gasolina ng 6 na linggong hike.
17:31Ayon sa DOE, nakapagpataas sa presyo ng geopolitical risk bunso ng banta ng Amerika sa mga bansa sa Europa
17:37na tigilan ang pagbili ng enerhiya mula sa Russia.
17:41Nagpababa naman sa presyo ang muling pag-export ng Iraq ng krudo patungong Turkey.
17:45Esta secto Encantadix at 18, mag-aabisala na sa mundo ng Encantadia si SB19 member Justin.
18:00Mamayang gabi, mapapanood na sa episode ng Encantadia Chronicles Sangres si Justin as Eshnad,
18:07ang gatekeeper ng Devas.
18:09Chika niya sa inyong mani, Dream Come True, ang mapabilang sa series dahil pinangarap niya rin maging actor.
18:16Sumabak siya sa acting lessons at fight training para sa karakter niya.
18:21Bago ang episode tonight, trending ang teaser ni Justin kasama ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante.
18:27I know na excited din po talaga yung 18 kasi it's something different from SB19 from performing.
18:35Pero hindi ko po yun-expect na marami rin yung Encantadix yung parang na-excite sa pagpaso ko po.
18:42The International Criminal Court is now in session.
18:46Rodrigo Roa Lutero.
18:49Iginiit ng International Criminal Court na pinangangalagaan nila ang kalusuga ng lahat ng kanilang detainees,
19:03kabilang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
19:06Ito'y matapos punahin ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte
19:10at abugadong si Nicholas Kaufman, ang ICC,
19:13dahil hindi daw sila naabisuhan agad tungkol sa kondisyon ng dating Pangulo.
19:18Balitang hati, Didano Tinkungko.
19:48Sabi pa ni Kaufman, pagod na anya ang dating Pangulo sa pagkakapit niya
20:02at iniinda mga karamdamang may kinalaman sa kanyang katandaan, bagay na batid anya ng gobyerno.
20:09Panawagan ng bisya sa ICC, itama ang anya ay gross injustice sa ama.
20:13Sa pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News, tumanggi ang tagapagsalita ng ICC
20:17na magkomento sa pribadong sitwasyon ng kanilang detainee bilang paggalang sa right to privacy.
20:23Sumusunod daw sila sa mga patakara ng Rome Statute at International Standards
20:27kaugnay sa consular access ng isang detained person,
20:30na mahigpit daw na isinasagawa alinsunod sa pagpayag o hiling ng detainee.
20:35Tinututukan daw ng ICC ang physical at psychological well-being ng lahat ng detainee.
20:42Sabi ng DFA, professional, non-intrusive at respectful
20:45ang naging pagdalaw sa dating Pangulo ng Career Consular Officials
20:48ng Embahada sa Netherlands at hindi ng sinasabing agents ng pamahalaan.
20:54Nilinaw rin ang ICC-listed counsel, Atty. Gilbert Andres,
20:58na legal at na ayon sa batas at international law
21:01ang pagbisita ng kahit sinong kinatawa ng gobyerno ng Pilipinas kay Duterte
21:05kung pinahintulutan niya ito.
21:07At the end of the day, it's the detainee who will determine that
21:11o hindi po yung pamilya niya, siya po yung subject po ng regulations at procedure po ng ICC.
21:19Sinabi rin ni ICC Assistant to Council at Atty. Cristina Conti,
21:23dapat alam na mga Duterte at kampo nito na hindi nabubuyo ang ICC sa propaganda o public clamor
21:30at ang anumang impormasyon sa kondisyong medikal ni Duterte
21:33idinidiretsyo sa korte.
21:35I'm cautioning them against possible repercussions in the ICC case.
21:40Kung posibleng masilip ito ng ICC,
21:43kilalaning bilang interference in the case.
21:46The ICC frowns upon those kinds of activities.
21:51Kung meron man daw nagnanais na manatiling malusog si Duterte,
21:55ito ay ang mga pamilya na mga biktima ng kanyang war on drugs.
21:58Lagi nilang panalangin ay matuloy ang trial at para matuloy ang trial,
22:03dapat buhay si Duterte.
22:05September 23, unang itinakda ang confirmation hearing ni Duterte
22:09pero ipinagpaliban nito ng ICC dahil sa hiling ng kampo ni Duterte
22:13na indefinite adjournment dahil hindi na raw siya fit na dumalo sa pagdinig.
22:18Dano Tingkongko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:21Pumalagang malakanyang sa pahayag ng kapo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
22:27sa International Criminal Court,
22:28kaugnay sa hinihiling nilang interim release.
22:31Nitong biyernes kasi,
22:32nagsumiti ng dokumento ang Duterte Defense Team sa ICC Pre-Trial Chamber 1
22:36na nagsasabing hindi tinututulan ang gobyerno ng Pilipinas
22:39kung papayagan ang pansamantalang paglaya ng dating Pangulo.
22:43Ginamit ng Defense Team ang komento ni Palace Press Officer Claire Castro
22:46na mukhang nagbunga ang madalas na pagbiyay abroad ni Vice President Sara Duterte.
22:51Sagot yan ang palasyo sa naonang sinabi ng visa
22:54na may bansang handang tumanggap sa kanyang ama
22:56sa kaling payagan ng interim release.
22:58Git ni Castro,
22:59binaluktot ng Duterte Defense Team ang kanyang mga naonang pahayag.
23:04Lilinaw ni Castro na walang kapangyarihan ng gobyerno ng Pilipinas
23:07na magdesisyon ukol sa interim release ng dating Pangulo.
23:11Gayunman, igagalang daw nila anuman na maging pasya ng ICC
23:14bilang bahagi ng legal na proseso.
23:16Huli ka ang magpagsalpok ng motorsiklong yan
23:23sa likurang bahagi ng truck ng basura sa Antipolo Rizal
23:26sa lakas ng impact na tumba ang motorsiklo at mga sakay nito.
23:30Dead on arrival sa ospital ang rider
23:31habang sugata naman ang angkas.
23:34Batay sa embistigasyon ng Antipolo City Public Safety and Security Office,
23:38pumarada saglit ang truck sa kalsada para manglekta ng basura.
23:42Inaresto ang truck driver pero kalauna ay nakalaya
23:44matapos magkaareglo ang pamilya ng mga biktima
23:47at kumpanyang nagmamayari sa truck.
23:50Tumanggi magbigay ng pahayag ang truck driver.
23:52Huli ka ang sa Quezon City ang pagsalpok ng isang motorsiklo sa isa pang motor.
24:00Sa embistigasyon, nabistong nakaw pala ang nakasalpok ng motorsiklo.
24:07Balitang hatid ni James Agustin.
24:08Masda ng isang motorsiklo na biglang nag-counterflow sa bahaging ito ng Republic Avenue
24:15sa barangay Holy Spirit, Quezon City noong biyernes.
24:18Nakasalpukan nito ang isa pang motorsiklo.
24:21Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay.
24:23Ayon sa District Traffic Enforcement Unit ng QCPD,
24:27isinugot sa ospital ang magkaangkas na nabangganan na nag-counterflow ng motorsiklo
24:31matapos sila magtamo ng mga sugat.
24:33Na-discovery ng mga otoridad na ang minamanehong motorsiklo na nakabanggan rider.
24:38Nakaw pala.
24:39Nagkakanda kami ng backtracking follow-up operation kasama yung biktima
24:43nung nalaman namin na mayroong isang motor na involved sa aksidente
24:47na same description nung motor na inahanap namin.
24:50Pagdating namin sa Traffic Sector 5, nakita nang mismo ng biktima yung motor niya
24:56at yung suspect nung nakita niya, personally na-identify niya yung suspect.
25:01Inaresto ang 37 anyo sa lalaking rider na nagtamo ng mga gasgas sa mukha, siko at paa.
25:08Sa indisigasyon ng pulisya, siya umano makikita sa CCTV footage
25:12na naglalakad sa bahaging ito ng barangay Commonwealth madaling araw noong biyernes.
25:16Nilapitan niya ang isang nakaparadang motorsiklo sa labas ng bahay.
25:20Dahan-dahan itong itinulak, tsaka sinakyan papalis sa lugar.
25:23Ilang minuto bago niyan, nakita pa ang sospek na may daladalang mga kalakal.
25:27Kinaumagahan na na-discovery na may-ari na nawawala ang kanyang motorsiklo.
25:32Nang umaga, nung nagising siya, akala niya yung motorsiklo isiniram lang ng pamangkin niya.
25:38Then, nung nakita niya, dumating yung pamangkin niya, wala pala.
25:42Nagbakasakali na siya na mag-review ng CCTV sa kapitbahay nila
25:45at nakumpir mo niya na ninakaw yung motor niya.
25:48Itinanggi ng sospek na ninakaw niya ang motorsiklo.
25:51Isinanlaraw ito sa kanya sa halagang 35,000 pesos.
25:55Hindi ko po alam na nakaw po yun.
25:59Na simplang lang po ako nun.
26:01Paano na po ito sa yung motorsiklo?
26:02Sinanlaraw po sa akin.
26:05Hindi ko nga po kalala eh.
26:08Nagaroon lang rin pala yung may-ari eh.
26:10Sa record ng polisya, dati nang na-reso ang sospek dahil sa kasong malicious mischief.
26:15Ngayon, narap naman siya sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injury
26:19at maglabag sa new anti-carnapping law.
26:23James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:28Ito ang GMA Regional TV News.
26:33May init na balita sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
26:38Patay sa aksidente ang isang DPWH engineer sa Sambuanga City.
26:42Cecil, ano nangyari?
26:44Raffi, sumalpok ang kanyang minamanehong kotse sa isang nakatigil na bako.
26:53Basis sa embestigasyon, mabilis ang takbo ng kotse sa Diversion Road sa Barangay Mercedes.
26:58May sumenyas daw sa driver na bagalan ang pagmaneho dahil sa road construction.
27:04Pero bumangga pa rin ang kotse sa bako.
27:06Naka-impound ngayon sa Kulyanan, Kulistation ang kotse.
27:10Pati ang nabanggang bako.
27:12Walang pahayag ang pamilya ng nasawing driver.
27:16Bistado ang isang pulis at kanyang kasama na iligal umanong nagbebenta ng baril sa La Castillana, Negros Suriental.
27:24Ayon sa pulisya, namonitor nila ang iligal na gawain ng dalawa.
27:28Kaya nagsagawa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group ng Negros Island Region.
27:34Na-recover doon ang isang submachine pistol at isa pang pistol, pati mga bala at gun holster.
27:40Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang arestado.
27:43Dagdag ng pulisya, posibleng masuspinde o masibak sa servisyo ang naarestong pulis.
27:48Nag-resign bilang Special Advisor ng Independent Commission for Infrastructure, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
28:05Kasunod po yan ang pahayag ng Malacanang na ire-review ang kanyang appointment sa komisyon.
28:10Balitang hatid ni Jonathan Andal.
28:12Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure, iba na ang sinabi ng palasyo.
28:33So liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang Special Advisor at hindi po Lead Investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
28:45Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
28:48Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos,
28:51ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment
28:57ay nagpapahina rao sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
29:01Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
29:05Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang serbisyo.
29:09Nag-sorry si Magalong sa mga taga Baguio dahil naging busy raw siya sa ICI.
29:14Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing
29:17nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
29:23Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI Special Advisor habang siya ay mayor.
29:31Sabi ng isang labor group labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
29:37Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
29:43na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila ay nasa termino pa,
29:47maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihingiang trabaho ng kanilang posisyon.
29:53Binanggit din ang palasyok ang puna na posibleng umanong may conflict of interest,
29:57lalot may tennis court at parking area project sa Baguio na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
30:04kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
30:12Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
30:18Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag na walang conflict of interest.
30:22Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
30:26Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
30:31Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
30:35Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong
30:39pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office
30:43na kalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
30:47Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
30:53Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon
30:56at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
31:00Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:03Binigyang parangalang ilang natatangyang atletang Pinay at ilang nagsusulong sa Women's Sports
31:09sa 2025 Women in Professional Sports Awards.
31:12Iinawad ng Games and Amusement Ford ang Trailblazer Award
31:15para sa mga nagpakita ng husay sa sports na dati ay panlalaki lang.
31:20Kabilang sa mga awardi ang Pinay boxers na sina Althea Shein-Pores at Jezebel Pagaduan.
31:26Gayun din si 2023 World Pool Champion Chesca Centeno.
31:30Trailblazer Award rin ang Triathlon Promoter na si Maria Cristina Galura
31:35at Mixed Martial Arts Referee at Judge Giselle Daya.
31:40Ibinigay naman ang Exemplar Award sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang babae na lumahok sa sports.
31:46Sila ay sina Basketball Referee at Technical Supervisor, Faye Veras.
31:50Boxing Manager na si Marivic Matsuara.
31:54Volleyball Player na si Bea De Leon pati ang kanyang team.
31:58Ibinigay naman ang Paragon Award sa International Game Developer na Moonton Games
32:02dahil sa kanilang mga hakbang para mas maging inclusive ang online sports sa kababaihan.
32:08Sa isang video message, binati ni First Lady Liza Araneta Marcos ang lahat ng awardees
32:13at pinuri ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong sa women's sports.
32:17Pansamantala din o pinasalamatan din ang First Lady Anggab para sa pagkilala sa mga atletang Pinay.
32:24Ito na ang mabibilis na balita sa bansa.
32:29Nagdulot ng bahagyang pagbaha ang pagkasira ng tubo ng tubig sa Visayas Avenue sa Quezon City.
32:34Ayon sa mga taga-barangay, bandang alas 11-20 kagabi nang mapansin ang mga residente ang pagtagas ng tubig.
32:41Apektado ang supply ng tubig sa mga barangay ng Vasra, Culyat at New Era.
32:45Nagsagawa na ng pagkukumpo niyang Manila Water sa nasirang tubo.
32:49Apektado rin ang daloy ng trapiko sa lugar.
32:56Nagkasunog sa isang residential building sa Mandaluyong kahapon.
32:59Batay sa investigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.
33:03Mabilis naman itong napula ng mga rumisponding bumbero.
33:06Dalawang alagang pusang natagpuang patay sa gusali.
33:10Ayon sa may-ari, nahirapan siyang makita mga alaga ng patay ng switch sa kanilang lugar.
33:15Inaalam pa ang saninang apoy at halaga ng pinsala.
33:17May pa-sneak-peak ng intense sampala ng GMA Athlon Prime Series na Cruise vs Cruise.
33:29Hindi nakaligtas sa mainit na sampal ni Hazel ang mga pulis na yan sa isang eksena ng serye.
33:44Si Hazel kasi, played by Gladys Reyes, tilang naggalit sa pagpigil sa kanya ng mga otoridad.
33:50Kita naman ang gulat sa mukha ng mga pulis na mukhang hindi in-expect ang lakas ng sampal ni Hazel.
33:57After the scene, nagsori si Gladys sa kanyang pananampal.
34:02Mapapanood ang Cruise vs Cruise Monday to Friday, 3.20pm sa GMA Athlon Prime.
34:08And speaking of intense, dapat ding abangan ang puksaan finale week ng Beauty Empire.
34:15Hello, my dearest husband. Did you miss me?
34:21Alam kong mahirap tanggapin. Napatay na si Velma.
34:24Velma is alive!
34:27Mamili ka siya.
34:28My flop twist!
34:29Muling magkikita ang mag-asawang Eddie at Velma Imperial, played by Sid Lucero and Lupa Gutierrez.
34:36Abangan din ang magiging ending na mga karakter ni na Barbie Cortezza at Kailin Alcantara,
34:42na si Nanorin Alfonso at Shari De Jesus.
34:44Sa gitna ng matitinding eksena, maghahatin ng kilig ang karakter ni pambansang ginood David Licauco na lalabas din this week.
34:549.35pm yan sa GMA Prime pagkatapos ng Sanggang Dikit for Real mula Lunes hanggang Webes.
35:01Ang Beauty Empire ay collaboration project ng GMA, View Philippines at Creation Studios.
35:07Dalawang araw na lang magbubukas na ang bagong season ng NCAA.
35:15Kaya naman patuloy ang pagpapakita ng suporta ng member schools sa kanilang mga atleta.
35:20Ang Sports Bites, hatid ni Martin Javier.
35:22Ilang tulog na lang magsisimula na ang panibagong season ng NCAA.
35:33Kasabay ng paghahanda, dalawa pang member schools ang nagdaos ng pep rally.
35:37Festive ang pep rally ng Kolehiyo de San Juan de Letran.
35:48Big boost daw ang pep rally na ito para sa Knights, na unang sasabak sa basketball tournament.
35:53Sobrang support nila sa amin at iba yung expectation nila sa amin ngayong season.
35:59And dadali namin yun at magiging inspiration namin sa paggamit ng aming pangarap.
36:03We expect them to still continue the Arriba spirit.
36:08Our teams are learning from these experiences, these successes.
36:14Yung 101 belongs to Letran.
36:18Sa gym naman ang University of Perpetual Health System Delta sa Las Piñas.
36:23Dumalo sa pep rally ang teams mula sa iba't-ibang sport.
36:30Excited silang sa lugungin ang season 101.
36:33Nakasabay rin ang pagdiriwang ng anniversary.
36:36There's a saying that everything you touch will turn into gold.
36:42So this year as we celebrate our 50th anniversary, I believe our players are ready to go for the gold.
36:49Confident but not too confident.
36:51Ano lang, nasa level lang kami na game at a time.
36:55Tsaka sobrang ano ako, sobrang excited kasi madaming pumasok.
36:59Ram Juniors.
37:00Martin Javier, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
37:05Puhayan sa barangay sa Litran 4 sa Las Marinas, Cavite.
37:11Dumaan ang isang motorsiklo sa Jose Abad Santos Avenue.
37:14Maya-maya, hinanang siya ng nakaabang na isa pang nakamotorsiklong mula sa kabilang linya.
37:20Bumaba ang angkas ng motor, tsaka sumulpot ang kasabot nilang isa pang lalaking naka-helmet at tinutukan ng baril ang rider.
37:28Sa pilitan nilang pinababa ang rider sa motor, tsaka ito pinaandar at umalis.
37:33Ayon sa pulisya, lumabas ang rider para bumili ng pagkain.
37:37Patuloy ang embisigasyon at pagtugis sa mga suspect.
37:40Pinutugis pa rin ang limang suspect sa pagpatay sa isang empleyado ng Hinoldap na convenience store sa Bacor, Cavite.
37:50Tatlong buwan na ang nakalipas.
37:52Balitang hati ni Marisol Abduraman.
37:56Nasakit po talaga. Hindi po ako nakakano. Lalo na ganyan, may naiwan pa siya.
38:01Tulong po, hostesya, pero...
38:04Lubos ang pagdadalamhati ng inang si Catherine
38:07habang humihingi ng hostesya para sa pagkamatay ng kanyang anak na si Kurt Christian.
38:13Habang naka-duty si Kurt sa isang convenience store June 28 ng madaling araw,
38:17biglang pumasok ang grupo ng mga armadong lalaki.
38:20Bumili pa daw eh, yung isa doon.
38:21Pinaputukan po siya dalawang beses eh, sa tagiliran.
38:25Sa embisigasyon ng Bacor Police, hindi bababa sa lima ang umuninan loob sa nasabing tindahan.
38:29Ayun po yung masakit kasi nagtatrabaho lang siya tapos biglang ganun yung nangyari.
38:34Sila'y bumunot ng mga hindi pa nalalaman na kalibre ng baril
38:38at ang isa po rin nga ay gumamit ng baril niya at pinutok po sa ating biktima.
38:43Sinubukan na nakawan at hold up in po yung nasabing convenience store.
38:48So siguro po sa ating hindi pagbibigay ng pera ng ating store crew
38:55ay binunutan ng baril ng mga nasabing hindi nakikilalang lalaki
38:59at pinaputukan ng isa po sa mga lalaking yun.
39:01Itinakbo sa ospital ang nooy naghihingalong si Kurt
39:05pero namatay din siya kalaunan.
39:07Nakatakas at tinutugis na ang mga suspect.
39:10Isa pa lang sa limang suspect ang nakikilala ng mga otoridad
39:13at lahat sila at large pa rin.
39:16Sinampahan na ng reklamang murder ang tukoy ng suspect.
39:19Binabacktrack din po namin yung background nung na-identify
39:22para malaman po natin sino ba yung mga madalas niyang kasama.
39:25Tututukan po namin mabuti.
39:26Bakonsensya naman kayo kasi hindi nyo lang basta.
39:34Akala nyo siguro hindi namatay yung anak ko.
39:36Namatay po. Namatay yung anak ko.
39:39Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:44Dumoble ang presyo ng ilang gulay sa Marikina Public Market matapos
39:52ang sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo.
39:56Gaya ng carrots na nasa P320 pesos ang kada kilo mula sa P150 pesos.
40:01P500 pesos naman ang kada kilo ng bell pepper.
40:04P200 pesos naman sa kamatis.
40:07Doble rin po ang itinaas ng kalabasa na nasa P100 pesos.
40:11P70 pesos naman ang kada kilo ng sayote.
40:14P120 pesos ang patatas.
40:17P60 pesos ang repolyo.
40:19P190 pesos ang sibuyas.
40:21P120 pesos naman ang kada kilo ng bawang.
40:24Batay naman sa latest prevailing retail price sa Metro Manila
40:28ng Department of Agriculture.
40:29Nasa average na P233 pesos and P57 centavos ang kada kilo ng carrots.
40:35P420 pesos sa bell pepper, P170 pesos sa kamatis, P81 pesos and P43 centavos sa kalabasa, P57 pesos and P50 centavos ang sayote.
40:48P120 pesos naman sa patatas hanggang P100 pesos sa repolyo.
40:53Parehong P156 pesos and P67 centavos naman sa kada kilo ng sibuyas at bawang.
41:05Update tayo sa lagay ng panahon kung saan inuulan ang ilang panig ng bansa.
41:11Kausapin natin si pag-asa weather specialist, Munir Baldomero.
41:14Magandang umag at welcome sa Balitang Hali.
41:16Ayan po, Sir Rafi. Magandang umaga at magandang umaga po sa lahat ng ating taga-subaybay.
41:22Opo, ano pong dahilan na pag-ulan dito po sa Metro Manila?
41:24Ganito rin ba yung sitwasyon sa mga karating probinsya?
41:27So, sa ngayon po is meron po tayong thunderstorm advisory number 21 na kung saan
41:32maaari po makaranas ng heavy to intense na pag-ulan na may kasamang pag-tidlat
41:36at malakas na hangin ang mga probinsya po ng Laguna, Cavite, Pampanga, Bataan, Tarlac, Lambales at Nueva Ecea.
41:42Sa ngayon po, kasalukuyan po yung thunderstorm po natin is nakaka-apekto at magdadala po ng heavy to intense
41:48na pag-ulan na may kasamang pag-idlat at malakas na hangin, particularly dito sa Metro Manila
41:53at dito sa may Malabon, Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Manila City, Makati,
41:58Mandalu yung San Juan, Pasig, Marikina, Pateros at Nabotas.
42:02At kasama rin po dito yung mga probinsya po ng Bulacan, Batangas, Quezon Province at Rizal
42:06at maari rin po siyang maka-apekto sa mga areas po malapit doon sa mga tinatamahan po ngayon ng thunderstorm.
42:14Makikita po sa ating TV screen, napakalakas ng ulan dito po sa Quezon City.
42:18Hanggang anong oras po ito magtatagal?
42:19Base po sa pinakaligus na thunderstorm advisory, hanggang dalawang oras po ang itatagal ng thunderstorm
42:25na kasalukuyan yung nakaka-apekto sa mga ilang areas po sa ating bansa.
42:28Opo, ilang bagyo po po ba yung inaasahan natin dito sa buwan po ng Oktubre?
42:34Sa ngayong buwan ng Oktubre, ang inaasahan po natin is dalawa hanggang apat na bagyo pa po
42:39yung maari pong dumaan within the month of October po.
42:43E anong panahon naman po yung asahan natin para po sa linggong ito?
42:46Asa ngayon po, for the next five days po, generally good weather po yung maasahan po natin.
42:51Maliban na lang po sa mga cases po ng isolated rain showers or thunderstorms,
42:55lalo na po sa bandang hapon at sa bandang gabi.
42:57Again, para po sa mga laging lumalabas, lalo na yung mga nagmomotor po siguro,
43:02kasi kapag ganitong malakas ang ulan na sumisilong sila,
43:05para ano pong babala natin?
43:06Gano'n po kadalas yung mga ganitong biglang buhos ng malakas na ulan?
43:09Yes po. So sa mga ganitong klaseng panahon,
43:13kung saan bigla-bigla lang pong nagkakaroon po ng mga thunderstorms,
43:16parati pong magdala po ng kapote or payong
43:19para iwasan po natin yung mabasa dahil po sa malakas na pagulan.
43:24At kung i-February, tumingin po tayo ng mga updates dito sa mga social media po
43:30ng pag-asa at sa website tungkol dito sa pinaka-latest na thunderstorm advisory
43:34or rainfall advisory na nilalabas po ng ating mga pag-asa regional services division.
43:39At manood din po sa mga newscast tulad ng Balitang Halit.
43:42Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Halit.
43:45Salamat po.
43:45Si pag-asa weather specialist, Munir Baldomero.
43:50Ito ang GMA Regional TV News.
43:56Patay sa pamamaril ang isang babaeng negosyante sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.
44:01Batay sa investigasyon, pinaslang si Shara Ju Ampatuan
44:05habang naglalakad sa kanyang gas station sa barangay Kamasi.
44:09Nilapitan daw siya ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre 45.
44:15Dead on the spot ang biktima na tinamaan ng bala sa ulo, dibdib at likod.
44:20Pinaghahanap pa ang mga sospek at inaalam ang motibo sa krimen.
44:27Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa bahagi ng dike sa Alcala, Pangasinan.
44:33Ay sa nakakita na galakad siya sa dike sa barangay Gwalsik nang marinig ang iyak ng sanggol.
44:39Nakita niya ang dalaking sanggol na nakabalot ng tela.
44:42Nasa pangalaga na ng Rural Health Unit ang sanggol.
44:46Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang nag-iwan sa sanggol.
44:49Panibagong Good Vibes ang hatid ni Shala Dismaya played by Michael V. sa pagdinig sa Bubble Gang.
45:01Nagpakita ang gila si Shala sa kanyang British accent kasama niya ang hubby na si Corny Dismaya played by E.A. Guzman.
45:16Shook naman si na Senador Marco Lecta, Tolku at Espada played by Betong Sumaya, Paolo Contis at Matt Lozano na ito ang accent ni Shala.
45:26Kuela rin na humantong ang eksenang nabubulunan na pala si Shala at inakalang nagiinerte pa sa accent niya.
45:34Pero naging extra sweet din ang episode dahil nag-celebrate ng birthday niya si Shala.
45:39Ano kaya? Ang wish niya.
45:41Ang wish ko po, sana mawala na lahat ng mga korup.
45:53May pahiring-hiring pa? Eh lahat naman pala sila? Iyanghiya naman ako sa kanila, ano?
45:58Mainit na balita ay giniit ni Vice President Sara Duterte na hindi kaya ng International Criminal Court na protektahan ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
46:20Nagsalita na lang ako nung nakita ko yung report sa welfare check kasi para bang hindi kaya ng ICC, hindi para, hindi kaya ng ICC na isecure ang dating Pangulong.
46:40Sinabi yan ng Vice sa press conference ngayong tanghali matapos niyang i-present sa Senate Finance Committee ang 2026 budget ng OVP.
46:49Ayon sa Vice, naniniwala siyang pinapahirapan daw ang kanyang ama na nakadetain kahit wala pang pet siya ng confirmation of charges hearing.
46:57Kaya ang panawagan nila, payaga na ang interim release ng dating Pangulo.
47:02Inulit din ang Vice na naospital umano ang dating Pangulo matapos makitang walang malay sa kanyang detention cell.
47:09Nakarating daw sa kanila ang balitang yun sa pamamagitan ng isang health personnel.
47:14Hindi raw yun sinabi sa kanila ng ICC.
47:17Pero hindi niya makumpirma kung nauna ang insidente o ang welfare check.
47:21Sa press briefing naman na malakan niya ngayong umaga, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
47:27na routine ang pag-check sa mga Pilipino na distressed sa ibang bansa.
47:33Ang ICC naman na una nang tumangging magkomento sa pribadong sitwasyon ng kanilang detainee bilang paggalang sa right to privacy.
47:41Tinututukan daw nila ang physical at psychological well-being ng lahat ng detainee.
47:51Ayan, bida na nga natin ang quirky talent ng isang babae from Palanaque.
47:56May pasample daw siya.
47:57In for a ride ka ba?
47:59Alright! Let's give it up for Yana!
48:05Magandang, magandang, magandang, magandang, magandang, magandang araw po sa inyong lahat.
48:09Coffee or tea?
48:12Coffee po.
48:15Sayang ma, unfortunately. Tea po ito.
48:19Ayun.
48:20Flight announcer, events host o game show master.
48:23Any of the above man, eh yakang yakariyan na yan.
48:26Ang tanong, bakit may talent siyang ganyan?
48:29Ito na nga, na-develop daw yan ni Yana bilang international travel and tourism graduate na sinabayan pa ng experience as freelance host.
48:38Very natural na lang sa kanya ang pag-entertain ng crowd.
48:40Correct!
48:41Benta nga ang sketch sa online pasaheros.
48:44Ang dalawang video, 10.5 million na ang combined views.
48:49Deserve mag-landing sa...
48:52Trending!
48:53Ang mawis sa mga susunod.
48:56Aba, aba, aba.
48:56Order ka na ng coffee tea.
48:58Tea lang.
48:59Maraming nang tatawag sa kanya ulit.
49:01Oo nga.
49:02At ito po ang balitang halibahagi kami ng mas malaking misyon.
49:0687 araw na lang, Pasko na.
49:09Ako po si Connie Sison.
49:10Rafi Tima po.
49:11Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
49:13Para sa mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
49:15Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
49:19Mula sa GMA Integrated News.
Recommended
44:36
|
Up next
51:06
45:55
48:25
46:16
47:16
46:07
46:41
46:43
44:40
46:56
45:15
40:53
13:59
46:46
42:45
20:04
47:11
45:56
50:03
47:38
41:51
49:23
14:21
11:10
Be the first to comment