00:00Sa batala, randam na ang epekto ng Bagyong Verbena sa Surigao del Sur.
00:05Kaya naman ang ating mga otoridad, todo pagbabantay na sa mga delikadong lugar,
00:09kabilag na ang mga posibleng marap sa banda ng storm surge.
00:13Si Angel Luisa Obosa ng Radio Pilipinas, Tandag sa Sentro ng Balita.
00:20Nakaalarto na ang Emergency Operations Center ng Tandag City Surigao del Sur dahil sa Bagyong Verbena.
00:26At dahil nagsimula na ang pagulan dito sa lungsod, puspusan ang monitoring ng Emergency Operations Center
00:32sa mga coastal at low-lying areas na maaaring maapektuhan ng storm surge o daluyong at bigla ang pagbaha.
00:39Pagmamalaki ng LGU Tandag City, handa na ang kanilang mga relief goods na ipapamahagi sa mga residenteng maapektuhan ng bagyo.
00:46Sa katunayan, nakastandby na ito sa City Hall at handa ng dalhin sa mga barangay para agad maipamahagi
00:52sakaling may mga residenteng lumikas papunta sa mga evacuation center.
00:56Bukod sa suspensyon ng pasok at trabaho sa tanggapan ng gobyerno,
00:59mayigpit ding nagbabantay ang Coast Guard Surigao del Sur.
01:03Samantala, pinaalahanan ng LGU ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga opisyal na ulat at abiso
01:09ng mga kinuukulang ahensya ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
01:14Mula rito sa Tandag City para sa Integrated State Media,
01:18Angel Luisa Obosa ng Radio Pilipinas, Radio Publiko.
Comments