00:00Muling tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang supply ng bigas sa bansa,
00:05ito'y sa harap ng pag-irao na ng 60-day import ban sa bigas.
00:10DA nagpaalala naman sa mga mamimili na maging mapanuri sa mga makikitang imported rice sa pamilihan.
00:17Si Bel Custodio sa Sentro ng Balita.
00:22Simula na ngayong araw ang 60-day importation ban sa bigas.
00:26Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. layunin na Executive Order 93 o importation ban
00:33na bigyan ng proteksyon ang mga lokal na magsasaka ngayong panahon ng anihan
00:37upang maibenta nila sa wastong halaga ang palay at hindi malugi mula sa pambabarat ng rice traders.
00:44Ayon sa Department of Agriculture, hindi dapat mangambas sa supply na imported rice
00:48dahil nasa mahigit 500,000 metric tons na pumasok na imported rice sa bansa noong April at May.
00:53Mas mataas ito kaysa sa karaniwang 300,000 metric tons na pumapasok na bigas sa bansa.
00:59Habang 200,000 metric tons naman ang pumasok na bigas sa bansa sa kalagitnaan ng Agosto
01:04at inaasahang na dagdagan pa ang bilang hanggang kahapon.
01:08Sa projection ng DA, aabot sa 11 million metric tons ang maaaning palay ngayong harvest season.
01:14Pagka mata-yielding ang mga bigas sa Pilipinas,
01:17sinusubukan namang tugunan ng DA ang suliranin sa inconsistency sa kalidad ng mga binhi.
01:22Kasi binibili namin bigas maganda na, para kahit yung ulam mo yung biganong masarap, maganda naman yung bigas.
01:28Ang pangalan niya ang bachelor, kaya ko na malambo.
01:32Bakit po? Para na-ibili.
01:33Hindi ako nasasarap na.
01:34Bilang solusyon, naghahanap ng Philippine Rice Research Institute o Phil Rice
01:39na kaparehong variant sa Vietnam Rice upang tumapat sa kalidad ng bigas nito.
01:44Ngayong simula ng 60-day import ban, makikipagtulungan ng DA sa Bureau of Customs
01:49upang tiyaking walang imported rice sa makakapuslit sa bansa.
01:53Tanging ang mga special imported rice lang kasi ang pinahihintulutang makapasok sa bansa
01:57at i-issuehan ng Bureau of Land and Industry ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance o SPSIC.
02:04Kung hindi naman special rice at walang SPSIC, ituturing itong smuggled rice.
02:09Para naman sa presyo na imported rice, mabibili ang premium rice ng 42-52 pesos ang kilo,
02:16ang well-milled ay 40-50 pesos, ang regular milled ay 30-45 pesos.
02:22Sa local commercial rice naman, mabibili ang premium rice ng 42 pesos hanggang 60 pesos,
02:27ang well-milled ay 38-52 pesos, at regular milled ng 30-45 pesos ang kilo.
02:33Payo naman ang DA sa mga mami-mili na maging mapanuri sa presyo na imported rice
02:38dahil na sa 43 pesos lamang ang maximum suggested retail price sa imported premium rice.
02:44Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.