Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi raw kinaya ng drainage system ng Quezon City ang dami ng ulan kahapon.
00:06Ang rainfall sa loob lang ng isang oras katumbas ng ulan sa loob ng halos limang araw.
00:11Kaya nalabog pati mga hindi bahaang lugar gaya sa bahagi ng UP at Ateneo.
00:16Nakatutok live si Nico Wahe.
00:19Nico.
00:20Ivan, nandito o ngayon sa Katipunan Avenue na isa sa mga binahang lugar dahil sa malakas na ulan kahapon.
00:30Nagtanong-tanong tayo dito kanina kung binabaha ba talaga sa lugar neto.
00:35Marami sa kanilang nagtaka dahil hindi naman daw talaga binabaha rito.
00:39Ayon sa QCDRRMO, hindi nga kinaya na kanilang drainage system ang malakas at maraming ulan kahapon kaya bumaha.
00:50Ang mga mataas at bigla ang pagbaha sa 36 na barangay sa Quezon City kahapon,
00:55fenomenal o pambihira ayon sa UP Resilience Institute at UP NOAA Center.
01:00Batay sa datos ng pag-asa Science Garden, umabot sa 141mm ang dami ng ulan kahapon.
01:06Pinakamarami bandang alas 2 hanggang alas 3 ng hapon na nagbagsak ng 96.6mm ng tubig.
01:13Katumbas daw yan ng halos limang araw na pagulan kung pagbabasya ng minimum amount of rain tuwing Agosto
01:18na nasa 568.5mm.
01:22Mas mataas din sa peak hour ng bagyong ondoy noong 2009 na 92mm lang.
01:28Localized thunderstorm lang ang nagpaulan kahapon.
01:30Hindi siya yung katulad ng mga habagat na malaking area yung nasasakop.
01:37Ito ay usually kasi pwede kasi talaga siyang madalas na nangyayari na in a span of 2 to 3 hours
01:43pwede tayong umabot na magkaroon ng mga malalakas na mga pagulan po.
01:47Ayon sa Quezon City Disaster and Risk Reduction Management Office,
01:51hindi kinaya ng drainage system ng lungsod ang dami ng ulan kaya nalabog maging mga hindi binabahang lugar.
01:57Nakita po nalaga natin yung need po talagang paitingin po yung preparedness
02:02at saka yung ating infrastructure improvement para po sa areas na ito.
02:08Ongoing daw ang pagkumpleto nila sa kanilang drainage system na dinesenyo ng UP Resilience Institute.
02:142023 daw nang may turnover sa kanila ito at sinimulang gawin noong 2024.
02:19Sa Tandang Sora, may basketball court na ang nasa ilalim ay isa sa mayigit 160 detention basins
02:25na ginagawa ng LGU na kabilang sa drainage master plan.
02:28Ito yung itsura ng ilalim ng basketball court na tatawaging Tandang Sora Detention Basin
02:36o kasama dun sa nasa 160 plus na detention basin na ginagawa nitong LGU ng Quezon City
02:44na kabilang dun sa kanilang drainage master plan para maiwasan na nga yung mga pagbaha sa Quezon City
02:50kahit saklit lang yung mga pagulan.
02:52Ang tubig na kaya nitong ihold bago pakawalan, katumbas ng 1.2 million liters ng tubig
02:58o kalahating Olympic size swimming pool.
03:00Hindi pa raw maibigay ng Quezon City kung kailan matatapos ang proyekto
03:04dahil may mga hinihintay pang pondo.
03:06Ayon sa UP Resilience Institute, may ilang mga syudad na rin daw na nagpapatulong
03:10sa kanilang gumawa ng drainage master plan.
03:12Pero anila, dapat konektado ang mga drainage system ng mga lungsod.
03:16At bukod sa infrastruktura, dapat isaalang-alang sa flood control
03:20ang pagtatanim ng puno at pagpapalalim ng mga ilog.
03:23Palagay ko, hindi naman natin completely ma-eradicate yung pagbaha na yan.
03:27But we can adapt, we can lessen it, and make it tolerable so that we can live with nature.
03:34Ivan, bandang alas tres ng hapon kanina ay muli na namang bumagsak yung malakas na ulan
03:44dito sa ilang bahagi ng Quezon City, kabilang itong Katipunan Avenue.
03:48Pero wala naman tayong nakitang pagbaha ngayon dito.
03:51Kaya tuloy-tuloy yung daloy ng trafik ko.
03:54Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Ivan.
03:56Maraming salamat, Nico Wahe.
03:57Kaya tuloy-tuloy yung daloy ngayon dito.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended