Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ang pagbibitil sa pwesto ni DPWH Secretary Manuel Bonoan,
00:05nire-assign niyang ila-official ng DPWH na sentro ngayon ng kontrobersya.
00:10Nakatutok si Jonathan Andal.
00:15Matapos mabunyag ang mga palpak na flood control project sa Oriental Mindoro,
00:20isang-isang bakal na inilagay.
00:22Nire-assign si Engineer Gerald Pakanan, ang Regional Director ng DPWH Mimaropa.
00:27Inilipat si Pakanan sa Central Office, ang pumalit sa kanya si Engineer Editha Babaran.
00:33Isa yan sa inanunsyok ni DPWH Secretary Manuel Bonoan sa isang video message.
00:38Pag-re-assign po sa Regional Director ng Region 4B,
00:43pag-re-assign sa Regional Office ng mga Assistant District Engineer
00:48at lahat ng mga section chiefs ng Batangas 1st District Engineering Office
00:53Pagpataw ng preventive suspension sa mga empleyado ng Bulacan 1st District Engineering Office
00:59mula sa District Engineer, Assistant District Engineer at lahat ng section chiefs.
01:06Gusto natin managot ng dapat managot, makulong ang dapat makulong.
01:12Bumuo rin ang DPWH ng Anti-Graft and Corrupt Practices Committee
01:16na layong imbestigahan ng mga posibling katiwalian ng mga kawaninang ahensya.
01:21Pero giit ni DPWH Secretary Manny Bonoan, iilan lang ang skalawag sa DPWH.
01:27Mas marami pa rin ang matitino.
01:29Kasabay nito, ibinunyag na Sen. Panfilo Laxon na dalawang opisyal ng PICAB
01:33o Philippine Contractors Accreditation Board na taga-regulate ng mga kontraktor
01:38ang sila rin palang mga kontratista sa gobyerno.
01:41Tinukoy ni Laxon si na PICAB Board Member Engineer Ernie Bagau
01:45at Engineer Arthur Escalante na may sariling mga construction company.
01:50Aniya, si Bagau na re-appointed board member ng PICAB noong September 2023
01:55para sa tatlong taong termino, ay managing officer ng EGB Construction
02:00na pumipirma pa sa mga kontrata ng kumpanya sa DPWH.
02:04Si Escalante naman, nakapirmang board director sa PICAB 2022 annual report
02:09pero nakapirma rin sa isang kontrata sa DPWH bilang kinatawan
02:13ng A.N. Escalante Construction Incorporated.
02:16Sinubukan namin kunan ang pahayag si Escalante at Bagau
02:20pero wala pa silang tugon sa aming pinadalang mensahe.
02:23Ayon kay Laxon, posibleng conflict of interest ito
02:25na labag sa batas o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
02:30May parusa itong kulong na hanggang limang taon,
02:32multang hanggang limang libong piso
02:34at posibleng humantong sa pagkakadisqualify sa gobyerno.
02:38Nananawagan si Laxon sa DTI at CIAP
02:40o Construction Industry Authority of the Philippines
02:43na investigahan si Escalante at Bagau
02:45at sampahan sila ng kaukulang reklamong kriminal at administratibo.
02:49Dati nang sinabi ni Laxon na may nagsumbong sa kanya
02:52na ibinibenta ng PICAB ang akreditasyon sa mga kontraktor
02:55sa halagang 2 milyong piso.
02:57Itinanggihan ng PICAB sabay-sabing may mga skammer
03:00na nagpapanggap daw na kanilang empleyado.
03:02Para sa GMA Integrated News,
03:04Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended