00:00Isinisisi ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa proyekto ng mga Villar
00:04ang mabilis na pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.
00:07Sabi naman ni dating Senadora Cynthia Villar,
00:10ang paratang na ginawa ang mga proyekto para sa kanilang pansariling interes ay paninira lamang.
00:15May unang balita si Maki Pulido.
00:21Noon pa man, sabi ni Claudia, problema na ang paha dito sa barangay Zapote 2, Las Piñas City.
00:27Umaabot po ito dito, tapos hanggang pumapasok po siya sa loob, hanggang may hagdan, hanggang dito po.
00:36Nitong Hulyo lang dahil sa ulang dala ng habagat, binaha ang maraming lugar sa lungsod.
00:43May pinuponduhan namang flood control para sa Zapote River,
00:47isa sa pinakamalaking daluya ng tubig sa Las Piñas,
00:50ayon kay Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos.
00:53Pero sabi niya, sa halip na magsagawa ng dredging at linisi ng DPWH ang Zapote River para lumalim at dumaloy ang tubig,
01:01nagtayo pa ito ng kalsada sa gilid ng ilog.
01:05Kumipot tuloyan niya ang ilog at mabilis ng umapaw, kaya mabilis bumaha sa syudad.
01:10Malaki po ang inoccupy nito doon sa Zapote River,
01:13na kung saan makikita natin ngayon na talagang medyo nabawasan yung puwang o yung luwang ng river
01:24na nagdudulot ngayon ng problema dito sa Las Piñas.
01:30Kasi nung araw na mas malapad ito, mas maraming tubig ang dumadaloy dito.
01:36May gumuho na rin bahagi ng reprap.
01:38Ang bahaging ito ang kasalukuyang kinukumpuni ng DPWH.
01:42Itong river na ito, hindi dapat tinayo po ito para gawing kalsada.
01:48Ito po ay para linisin lang ang river.
01:51Pero kitang-kita niyo po ang mga nag-initiate ng mga predecessors ko po dito.
01:57Conflict of interest po, very clear dito.
01:59Kasi po lahat po ng kalsadang dinaanan dito papunta po doon sa mga lupa nila ng mga villiar.
02:06Kasi nagpagawa po mga bridge dito, papunta lahat dyan sa mga properties nila.
02:10Ang dulo po nito ay isang malaking mall na pag-aari din ng Pamilya Villiar.
02:14Ayon kay Congressman Santos, noon pang 2012 sinimula ng kalsada na may haba na ngayong hindi bababa sa 10 km.
02:22Habang binabaybay namin ang Las Piñas-Zapote River Road,
02:26may mga poster na nagsasabing proyekto ito ng magkapatid na Sen. Mark at Camille Villiar
02:31at kanilang inang si dating Sen. Cynthia Villiar.
02:34Si Santos ang nakalaban at nakatalo kay Cynthia Villiar sa pagka-Congressman noong nakaraang eleksyon.
02:40Wala naman pong question. Sino naman pong magbe-benefit dito?
02:44E nagre-reklamo po ang mga kababayan ko sa bahanga yun.
02:47Maging mga creek, tinayuan na rin ang kalsada.
02:50Tulad dito sa Talong Creek, Barangay Pulang Dos.
02:53Ang bahaging ito ng creek, nagbuka ng kanal sa Kipot dahil sa itinayong kalsada.
02:57Noong September 2024, ayon sa mga residente, gumuho ang retaining wall dahil sa dami ng tubig
03:04at naipong mga basura sa creek.
03:06Sa unang pagkakataon, binaha ang kanilang subdivision.
03:10Gumiba. Gumiba siya. Nag-bridge yung aming wall.
03:14Pinasok kami ng tubig.
03:16Ang tinakatakot namin, papasok na naman ang tag-ulan.
03:19Wala na tutulog dito.
03:20Sa pahayag ni dating Sen. Cynthia Villiar,
03:22sinabi niya na ang Las Piñas-Zapote River Drive ay isang flood control at traffic decongestion project
03:28upang ma-rehabilitate ang Las Piñas River
03:31at makapagbigay ng pangmatagalang solusyon laban sa pagbaha sa lungsod.
03:35Bukod sa pagkontrol sa baha at rehabilitasyon ng ilog,
03:39kasama rin daw sa layunin ng proyekto ang pagluwag ng trapiko at pagkonekta ng mga komunidad.
03:44Patunay daw ang River Drive na prioridad nila mga proyektong makakatulong sa pagkontrol ng baha,
03:49paglilinis at pagunlad ng kanilang lungsod.
03:52Git ni Villiar, ang paratang na ginawa ito para palabasing pabor lamang sa ilang pribadong ari-arian
03:58ay isang paninilang politikal na wala umanong basihan.
04:02Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:06Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:08Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments