Skip to playerSkip to main content
  • 44 minutes ago
Kapag nagkakasakit, isa sa mga inaasahang makapagpapagaan ng bayarin sa ospital ang benepisyong nakukuha mula sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

May itinakdang sistema ang PhilHealth kung magkano ang ibabawas sa hospital bill ng mga pasyente batay sa sakit o medical procedure.

Paano nga ba kinukuwenta ng PhilHealth ang benepisyong makukuha mo? Alamin sa report ni Katrina Son.
Transcript
00:00Mahal magkasakit sa Pilipinas
00:03Mula sa bayad sa ospital kung makonfine,
00:06bayad sa gamot at mga procedure na kailangan gawin,
00:10pati na sa professional fee o bayad sa doktor tuwing check-up.
00:14Lahat iyan, kailangang hugutin sa bulsa ng mga Pilipino.
00:19Sa isang survey ng OCTAR Research noong first quarter ng 2026,
00:24pagiging healthy at pag-iwas sa sakit ang naitalang top personal concern ng mga Pilipino.
00:29Kaya kapag nagkakasakit, malaking tulong sana ang health insurance benefits na makukuha sa PhilHealth
00:35o ang Philippine Health Insurance Corporation,
00:38ang National Social Health Insurance Agency ng gobyerno.
00:42Mandato ng PhilHealth na siguruhin affordable, acceptable, available at accessible
00:48ang healthcare services para sa lahat ng mga Pilipino.
00:52Isa sa mga function nito ang magtakda at magpatupad ng guidelines
00:56para sa contribution at benefits.
00:58Kasama na ang halagang sasagutin nito sa bawat sakit at medical procedure ng mga miyembro nito.
01:05Paano nga ba kinukwenta ng PhilHealth ang mga beneficiyong makukuha mo?
01:11Simulan natin sa contributions ng mga miyembro nito.
01:15Sa kasalukuyang sistema ng PhilHealth,
01:18alinsunod sa Universal Healthcare Act,
01:20fixed sa 5% ng buwanang sweldo ang kinakaltas bilang contribution sa PhilHealth.
01:27Pinakamababang kaltas ang P500 pesos batay sa income floor na P10,000 pesos na itinakda ng PhilHealth.
01:35Habang pinakamataas na kaltas naman ang P5,000 pesos batay sa income ceiling na P100,000 pesos.
01:43Kung ikaw ay empleyado sa isang kumpanya,
01:46hahatian ka ng iyong employer sa pagbabayad sa PhilHealth.
01:49Pero para sa mga self-employed individuals,
01:52kailangang bayaran ng buo ang contribution batay sa iyong buwanang kita.
01:57Mula 2019 hanggang 2024,
02:00taon-taong tumataas ang contribution rate ng PhilHealth.
02:03Mula sa 2.75% noong 2019 hanggang maging 5% pagdating ng 2024.
02:10Kasi malawak yung gusto natin mangyari,
02:13di ba, sa Universal Healthcare Act.
02:18Gusto natin na maprotect na na ang bawat Pilipino
02:22magkaroon ng kakayahang gumamit ng servisyong medikal
02:26or health services na hindi sila mamumulubi.
02:29So, ibig sabihin, kung may nararamdaman ka, may kailangan kang gamutan,
02:34you are assured that you will be given that care
02:37without fearing that you will become impoverished.
02:41So, bakit natin kailangan itaas ang contribution
02:45para matisigurado na we have enough funds
02:49to make good of that promise.
02:52Pero hindi katulad ng paghuhulog ng savings
02:55ang pagbabayad sa PhilHealth.
02:57Ibig sabihin, hindi na kasalalay sa laki ng contribution mo
03:01ang benepisyong makukuha mo.
03:03Ang pera kasing nakukuha ng PhilHealth mula sa contributions
03:07ay napupunta sa National Health Insurance Fund.
03:10Ito ang ginagamit sa pagbibigay ng benepisyo
03:13sa mga nangangailangang mag-claim nito.
03:15So, dapat tingnan natin ang social insurance
03:19na hindi parang banko na one-to-one ang palitan.
03:26Naka-desensyo ito sa concept ng prepayment.
03:30So, sa panahon na tayo may kakayahang mag-compribution,
03:33tayo ay nag-aambag sa isang malaking pitaka,
03:38isang malaking wallet na lahat tayo ay nagpo-contribute.
03:42Nakabatay sa fixed na case rate
03:44sa mga benepisyong nakukuha mula sa PhilHealth.
03:47Ibig sabihin, sa bawat sakit o medical procedure,
03:51may itinakda na ang PhilHealth na fixed
03:53na halagang sasagutin sa bill ng pasyente.
03:56It's a prospective fixed payment na malalaman mo
04:02bago pa pa man ma-discharge na ito yung babayaran ng PhilHealth
04:07sa iyong kondisyon o sa operasyon na in-undergo mo.
04:12Contrary ito sa dating sistema bago 2011,
04:19na pag na-ospital ka, hindi ka sigurado
04:21kung magano ang babayaran ni PhilHealth sa'yo.
04:24Kasi ang pagtuturing ng benefit mo ay depende sa room mo,
04:29depende sa klase ng doktor na titingin sa'yo.
04:35Halimbawa, kapag ang isang PhilHealth member
04:38ay na-diagnose ng moderate risk community acquired pneumonia,
04:41kahit gaano pakalaki ang bill ng pasyente,
04:45mayigit 29,000 lang ang sasagutin ng PhilHealth
04:48base sa case rate nito.
04:50Mayigit 8,000 ang mapupunta sa doktor,
04:53habang mayigit 20,000 naman ang ibabayad ng PhilHealth sa ospital.
04:57Para naman sa mga pasyente na ospital dahil sa dengue,
05:01automatic na 19,500 pesos dapat ang mababawas sa bill.
05:06Mayigit 5,000 dito ang mapupunta sa doktor
05:09at mayigit 13,000 naman ang covert ng PhilHealth
05:12bilang bayad sa ospital.
05:14At kung na-confine ka naman dahil sa stage 2 hypertension,
05:1817,550 pesos ang nakatakdang beneficyo para sa iyo.
05:23Ayon sa case rates ng PhilHealth,
05:25mayigit 5,000 pesos ang para sa doktor
05:27at mayigit 12,000 naman ang ibabawas sa bayad sa ospital.
05:31May outpatient benefits naman para sa ilang serbisyong
05:35hindi kailangan ng confinement,
05:37tulad ng hemodialysis,
05:39kung saan fixed din ang rate ng PhilHealth.
05:42Halimbawa, kung ang pasyente ay may stage 5 chronic kidney disease
05:46at nangangailangan ng dialysis,
05:496,350 pesos ang ibabawas ng PhilHealth
05:53sa kanyang babayaran sa kada session nito.
05:57156 sessions per year ang covered ng benepisyong ito.
06:02Ayon sa PhilHealth,
06:03sa pamamagitan daw kasi ng pagtatakda ng fixed rates,
06:07nagiging standard at pantay-pantay
06:09ang benepisyong matatanggap ng lahat ng pasyente
06:12na sa public o private hospital man.
06:15Sa pagtatalaga ng case rates,
06:17isinasaalang-alang daw ng PhilHealth
06:19ang mga sumusunod,
06:21average na halaga ng pagpapagamot ng bawat sakit,
06:24mga pagkukuna ng pondo para bayaran ang bawat case,
06:28mga rekomendasyon batay sa datos ng PhilHealth
06:31at iba pang mga batas at polisiya
06:33tungkol sa paggamit ng PhilHealth benefits.
06:36Dahil base ito sa historical cost of treatment,
06:42hindi agad-agad na naa-adjust nito.
06:45Ibig sabihin,
06:47kung hindi ma nag-a-adjust ka agad si PhilHealth,
06:52lumiliit yung benepisyon na nakukuha mo sa PhilHealth.
06:57Sa okays rates kasi,
06:59ilang conditions mo lang ang covered,
07:02at hindi ito nakafactor yung mga complications mo
07:07doon sa total cost of care.
07:08Kaya tumataas ang iyong kailangang bayaran
07:12habang ang iyong kondisyon ay nagiging komplikator.
07:16At sa kabila ng mga limitasyon
07:18ng sistema ng case rates sa PhilHealth,
07:20masasabi nga kaya sa pa ang benepisyong ito?
07:24Tingin po patuloy yung pagde-develop
07:27ng mga benefits ng PhilHealth.
07:29Nakitita naman natin
07:31ang patuloy nitong pagpapasaayos
07:35ng kanyang sistema.
07:36Pero may mga limitasyon.
07:39Ang recommendation at ang sinasabi ng batas
07:42is not to adjust the case rate,
07:44but change the way PhilHealth pays the provider.
07:48Dapat magbabago na yung paraan
07:50ng pagbabayad ni PhilHealth
07:52at babase na siya sa DRG
07:54or diagnosis-related groupings.
08:00Mandato ng PhilHealth na lumipat sa DRG,
08:02Diagnosis-related grouping system,
08:05ayon sa Section 18
08:06ng Universal Health Care Act.
08:08Sa sistema ito,
08:09ikaklasify ang isang pasyente
08:11batay sa kanyang demographic information,
08:14clinical presentations,
08:15o mga diagnosis sa kanya,
08:17at lahat ng procedure
08:18na ginawa sa kanya
08:20habang nasa ospital.
08:21Dito makikita kung gaano
08:23kakomplikado ang sakit ng pasyente
08:25at ito rin ang gagamitin
08:26basehan ng benepisyong
08:27ikokover ng PhilHealth.
08:29Ano yung advantage nito?
08:31Fairer yung costing.
08:33Yung costing methodology
08:34will consider a lot of factors.
08:38But, you know,
08:39this is a very complicated process.
08:42But we just hope that
08:43our PhilHealth will, you know,
08:46really work on it
08:47so that it will become a reality.
08:51Patuloy naman itong pinag-aaralan
08:52ng PhilHealth.
08:53Noong 2024,
08:55pumirma ng isang
08:55Memorandum of Agreement
08:57ang PhilHealth
08:57sa National Health Statistics Office
09:00ng Thailand
09:00para makipagtulungan
09:02sa pag-develop ng DRG
09:04sa Pilipinas.
09:06Ang issue ng contribution
09:07at benefits ng PhilHealth
09:09ay isang bahagi lang
09:11ng mas malawak na usapin
09:12sa healthcare ng bansa.
09:14Nangangailangan pa rin
09:16na pagsuri
09:16sa iba pang aspeto
09:18ng healthcare system
09:19ng bansa
09:20para mas siguro
09:21na mas mura,
09:22mas accessible
09:23at mas makatao
09:25ang mga servisyong
09:26pangkalusugan
09:27para sa mga Pilipino.
09:30Ako si Katrina Zorn
09:31para sa GMA News.
Comments

Recommended