00:00Pinalaga ng Alkalde ng San Mateo San Rizal ang pagtatapo ng basura ng Maynila sa landfill sa kanilang lugar.
00:09Pangamba ng munisipyo, mapuno ang kapasidad ng landfill at tumaas ang banta sa kalusugan ng mga residente.
00:17Ang sagot ng MMDA at ni Manila Mayor Isco Moreno sa pagtutok ni JP Soriano.
00:23Dahil magsasara na ang Navotas Sanitary Landfill, sa new San Mateo Landfill na sa Rizal magtatapo ng basura ang lunsod ng Maynila.
00:34Pero pumalag ang Alkalde ng San Mateo Rizal.
00:37Sinadya namin siya pero tumanggi munang humarap sa GMA Integrated News.
00:41Pero sa naunang pahayag ay sinabi ni Mayor Bartolome Rivera Jr. na nagulat sila sa pahayag ni Manila Mayor Isco na ililipat sa kanilang landfill ang pagkatambak ng basura ng Maynila.
00:53Walaan niya ang konsultasyon o abiso man lang sa munisipyo.
00:57Dagdag niya, ang pagkakaintindi niya ay alternatibo lang itong tambakan sakaling mahinto ang operasyon ng landfill sa Rodriguez Rizal.
01:06At hindi ito nakadesenyo para tumanggap ng basura mula sa mga malalaking syudad.
01:10Pangamba ng munisipyo, kung matuloy ang plano, mapuno ang kapasidad ng landfill, bumigat ang trapiko at tumaas ang banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga taga San Mateo.
01:23Mula po sa munisipyo ng San Mateo Rizal ay aabutin pa ng mahigit 30 minuto ang biyahay papanik dito sa New San Mateo Sanitary Landfill.
01:30At ngayong hapon nga po, ilang truck ng basura mula sa lunsod ng Maynila ang nakita nating papasok na ngayon dito sa Sanitary Landfill ng San Mateo.
01:40Giit ng MMDA, nagkaroon naman ng koordinasyon bago ito ipinatupad.
01:45Dati na anyang nagtatapon ang ibang lunsod sa San Mateo at dagdag lang ito.
01:50Just a matter of siguro communications dahil hindi lang siguro namin na sabi agad kay Mayor Ome na may additional volume na dadalin doon sa San Mateo Landfill.
02:03Pero again, it is within doon sa ECC at doon sa volume na capacity allowed under the law.
02:11Sabi naman ni Moreno, ginawa naman nila ang lahat para makahanap ng bagong pagtatapunan nang malamang isasara ang Navotas Sanitary Landfill.
02:20Due to lack of material time, kasi dadalawang buwan pa lang ako Mayor, so we created in two weeks time our own small transfer station and we required our private partners to buy new hauling.
02:36The word is hauling truck so that those dump truck namin na ginagamit or compactor na ginagamit sa Maynila for daily collection of garbage, hindi na magamit para dalhin sa San Mateo.
02:55Gayunpaman, sabi ng MMDA ay nakatakda na sila makipag-usap kay San Mateo Mayor Rivera.
03:01Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments