00:00Inilansad ng Department of Information and Communications Technology
00:03ang National Amnesty Program para sa mga kolorom na private express
00:07at messengerial delivery services o PEMEDES Companies.
00:12Ito'y alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:16na pabilisin ang formalization at regalasyon ng mga digital at logistics services sa bansa.
00:22Layon ng programa na bigyan ng pagkakataon ang mga hindi-rehistradong delivery service providers
00:27na gawing legal ang kanilang operasyon ng walang pananagutan sa mga dating paglabag o multa.
00:34Ito ay bilang pagtugon din sa tumataas na bilang ng informal na delivery operations sa bansa.
00:40Kaugnay nito, hinihikayt ng DICT ang lahat ng kolorom operators na maghanda at samantalahin ang pagkakataon na ito.