00:00Nalagay sa peligro ang buhay ng isang bodybuilder sa Cebu matapos ang biglaang binge eating pagkatapos ng ilang buwang pagdadayet.
00:09Paano nga ba maiiwasan ang ganitong insidente habang nasa diet phase?
00:14Alamin sa report ni teammate Jamaica Bayaca.
00:16Limang buwan siyang nagtiis sa disiplina, sakripisyo at ehelsisyo.
00:29Ang kapalit, tatlong medalya sa isang prestigyosong bodybuilding competition.
00:35Pero matapos ang tagumpay na uwi sa ospital ang selebrasyon noong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan
00:44ang fitness coach at bodybuilder mula sa Cebu na si Enver Florendo.
00:48Ang dahilan? Sa sobrang kain pagkatapos ng mahabang pagdayet.
00:53Sobrang sakit na feeling yung parang sinasaksak yung dyan mo na continuous feeling.
01:02Sabi nalang yung mata ko sobrang lubog na and then sobrang pale na ng lips ko.
01:07And then that time talaga parang sobrang sakit ng feeling na parang gusto ko nang magletgo kasi
01:16ayaw ko na ma-experience yung ganun na feeling.
01:18Ayon kay Enver, ginawa niyang reward ang pag-bingeating.
01:22Isang bagay na karaniwan-umanong ginagawa ng mga atleta pagkatapos ng kompetisyon.
01:27Pero ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang sakit na akala niya ay ikamamatay na niya.
01:32As bodybuilding athletes, is whatever body fat percentage we have,
01:38nagka-calorie deficit na talaga kami.
01:41And we usually have restrictive meals talaga.
01:47Yung mga usual foods na parang gusto namin kainin,
01:50like comfort foods, sweets, or mga fast foods or whatnot.
01:54Hindi talaga namin kinakain since dahil nag-bench eat ako
01:59and na-expand ng todo yung chan ko.
02:06And nung pina-ultrasound kasi na na ako, may nakitang polyp sa gallbladder ko.
02:13And what happened was nung nag-expand yung chan ko,
02:18possible daw na naggalaw yung polyp sa gallbladder
02:22and it caused a temporary blockage dun,
02:27inducing excruciating pain talaga.
02:29Paliwanag ng nutrition expert na si Dr. Dex Makalintal,
02:33posibleng nangyari kay Enver ang tinatawag na refeeding syndrome.
02:37Ito ang kondisyon kung saan nababalisa ang balanseng kemikal sa katawan
02:41kapag ang taong matagal na nagda-diet ay biglang kumain ng marami.
02:45Maaaring magdasulta ito sa electrolyte imbalance, organ failure
02:49at sa mga malalang kaso, cardiac arrest.
02:53Kapag kasi tayo ay nag-calorie deficit ng sobra-sobra
02:57or yung sabihin na natin na starvation,
03:00usually ang mga common dito, yung mga fad dieters
03:04o yung mga bodybuilders na sobra yung calorie deficit nila
03:08na sobrang bagsak na bagsak yung kinakain nila,
03:11nagkakaroon ng shifts tayo sa ating mga electrolytes.
03:14So kapag kaganoon, siyempre since the body is built for survival,
03:18our body has already adjusted to that caloric density.
03:22Kung bumaba siya ng mga 1,200 or mga 1,100 or less than 1,000,
03:27tapos bigla siyang kakain ng madaming madami,
03:31so kakailanganin din ng katawan natin na madigest ng maayos
03:35ito pong mga pagkain kinakain natin.
03:38And kapag matagal kayang nagda-diet o gutom na gutom yung iyong katawan,
03:41nag-a-adjust na siya sa survival mode.
03:43Tapos kapag bigla ka nag-binge eat,
03:45pwede ito maas yung ilang levels na ating katawan sa ating mga cells,
03:49including your glucose and your electrolytes.
03:51Ang resulta nito, bumabagsak naman yung phosphate,
03:53bumabagsak yung potassium, bumabagsak yung magnesium sa dugo,
03:56at ito ay pupwedeng magdulot ng pakiramdam ng pagkakaroon ng cardiac arrest.
03:59So ang mga nararamdaman nila,
04:00mabilis na simptomas lamang ay mga sobrang panghina,
04:04palpitations,
04:05hirap sa paghinga,
04:06o biglang para silang nalilito-lito.
04:08So sa ospital, makikita sa blood test na usually,
04:11bumabagsak yung mga electrolytes nila.
04:13Paglilino ni Dr. Makalintal na hindi lang ito nangyayari sa mga bodybuilder.
04:17Pwede rin ito sa mga nagka-crush diet
04:19o sa mga taong matagal ang pagpapapayat.
04:22Kaya payo ng eksperto na huwag madaliin ang pagdadayat
04:25at sundin ang tamang proseso nito.
04:27Dahan-dahan po sa pagdadayat.
04:29Wala pong humahabol sa inyo.
04:31Kayo lang po ang dapat pong maging best example sa inyong mga sarili.
04:36So walang humahabol sa inyo.
04:38It is not a race.
04:39It is a marathon.
04:41So finish at your own time.
04:43Pagdating po sa pagdadayat.
04:45Huwag pong magmadali.
04:46Papayat din po kayo.
04:47So trust the process ng pagpapapayat.
04:51At kung nadodo na po kayo sa pagpapapayat na stage na maintaining na lamang,
04:56unti-unti po ang pagdadagdag ng pagkain.
04:59Para nang sa ganoon, hindi po nabibigla ang ating katawan.
05:01Mensahe naman ni Enver sa kapwa niya atleta
05:04na hindi dapat gutom ang magdikta ng desisyon kundi kalusugan.
05:08Be mindful.
05:10Learn from my mistake.
05:12And you have to realize na, yes, it may feel good at first,
05:19but pag nasobrahan ka talaga, you may end up like me or even worse pa.
05:26So instead na pagdaanan mo yung mistake na nadaanan ko,
05:32kumuha ka na lang ng lesson sa naging mistake ko.
05:35And it's also great to have an accountability partner
05:40para matulungan ka post-show at hindi ito mangyari sa'yo.
05:45Muntik na siyang mawala, pero ngayon bit-bit ni Enver ang isang mahalagang paalala.
05:50Maging maingat dahil ang kalusugan, hindi kayang palitan ng medalya.
05:54Jamay kabayaka para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.