00:00One-stop shop ang dala ng Lab for All ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa San Juan City.
00:21Malaking ginhawa ito para sa mga residente ng San Juan, lalo na sa mga katulad na may bahay na si Perla, Danilo at Tatay Joseph.
00:3076-anyos na si Perla Bautista. Nagpunta siya sa Lab for All para makakuha ng libreng bakuna.
00:36Malaki po kasi hindi ka makakagastos pera. Kasi kung ano, kailangan ka pa ng pera para mapa-injection.
00:46Si Danilo Linsangan Jr., 39 years old at isang street dweller na may polyo simula ng tatlong taong gulang pa lamang siya.
00:54Wala siyang pirmihang hanap buhay. Kaya ang tanging sandalan niya sa gamutan ay mga programa ng pamahalaan gaya ng Lab for All.
01:02Super malagang. Unang-una sa lahat, pag wala ko pang bilong gamot, nagaanap ka. Libri check-up, libreng gamot, diba?
01:11Tapos may yung ayuda niya, ganyan. Malaking tulong siya akin ito.
01:16Samantala, ang 72-anyos naman na si Joseph Purisima, mag-isa namang pumunta sa Lab for All.
01:22First time niyang makatanggap ng libreng healthcare mula sa pamahalaan.
01:26Kadalasan kasi sa private hospital siya nadadala tuwing may sakit.
01:29Malaki kasi lahat, libre. Malalaman ko yung ulit yung sakit ko dito sa Lab for All.
01:38Hindi lang libreng servisyo pang medikal ang hatid ng Lab for All, kundi pang edukasyon, negosyo, batas, transportasyon at iba pa.
01:47Kasama na rito ang servisyo ng DTI para sa mga nagnenegosyo at nagnanais mag-umpisa ng maliliit na business.
01:53From the DTI side, ang gusto kasi ng mahal nating unang ginang is not just to give the free medical assistance,
01:59but to give also livelihood at to give negosyo sa ating mga kababayan para at least kompleto yung maibibigay niya sa ating mga kababayan.
02:07Pinigyang diin din ni San Juan Mayor Francis Zamora ang whole-of-government approach na mas nagpapatibay sa programang ito.
02:14Yes, yung maganda yung whole-of-government approach kasi nagtutulungan talaga lahat ng department.
02:18Pag ito pagsamasamahin, talaga napakaraming nakikinabang.
02:22Kaysa pumunta po sila sa iba't ibang departamento, one-stop shop na itong Lab for All natin.
02:27Sa ngayon, nasa 3,312 pre-medical mission services at 77 dental services ang naipagkaloob ng Lab for All.
02:36Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.