00:00Daan-daang residente sa New Lucena sa Iloilo
00:02ang pumunta sa Love for All program ng pamahalaan
00:06na pinangunahan ni First Lady Lisa Araneta Marcos
00:10si Nina Oliverio ng PTV Cebu
00:12sa Balitang Pambansa Live!
00:15Nina!
00:18Yes, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga residente dito sa New Lucena
00:22para sa Love for All program
00:24na pinangunahan ni First Lady Luis Araneta Marcos.
00:30Tanghali pa lang ay halos puno na ang auditorium dito sa New Lucena
00:33sa pagdagsa ng mga nais magpakonsulta at maka-avail ng services
00:38sa libreng medical mission ng pamahalaan.
00:41Ang iba sa kanila ay pumila ng alasingko ng madaling araw.
00:44Hindi naman naitago ng ilang residente ang saya
00:47dahil hindi na nila kailangang bumastos pa ng malaki
00:50para makakuha ng gamot, makapabunot ng ipin at makapag-lab desks.
00:55Isa na rito si Ginang Melinda.
00:57Ayon sa kanya, wala silang sapat na pambayad sa kailangang test ng kanyang anak
01:02kaya naman napagaan ng Love for All program ang kanilang problema.
01:05Ang masabi ko dito sa medical mission ng Love for All
01:11ang malaking tulong sa amin kasi yung anak ko
01:15bali may request siyang SCG at saka X-ray
01:18hindi namin na-comply kasi wala kaming pambayad, wala kaming pera
01:23kaya ngayon sa medical mission ang dito na tupad namin ang request
01:30na salamat sa Love for All ni First Lady.
01:35Ang ilan sa kanila ay nakapag-X-ray na, dental check-up,
01:40nakapag-konsulta na sa mata at ang ilan naman ay nakapagpagupit ng buhok
01:44sa libring haircut na ibinahagi ng Philippine Army.
01:47Maliban sa mga nurse at doktor,
01:49nagtipon-tipon din dito ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno
01:52kabilang na ang Department of Health na pinaunahan ni Health Secretary Chudoro Herbosa
01:57pati na rin ang DSWD, DTI, PCSO, PhilHealth, FDA at TESDA
02:04upang makapagbigay ng libreng serbisyo para sa ating mga kababayan dito.
02:09Bandang alas 10 ng umaga dumating si First Lady
02:12na mainit namang tinanggap ng mga kababayan natin.
02:15Samantala, mahigpit naman ang siguridad na ipinatupad ng mga otoridad dito
02:21upang masiguro ang kaligtasan ng mga dumagsa at maayos na daloy ng programa.
02:28Yan muna ang latest dito sa New Lucena. Balik sa inyo.
02:33Maraming salamat, Nina Oliverio ng PTV Cebu.
02:36Maraming salamat, Nina Oliverio ng PTV Cebu.