00:00Inireklamo ng San Mateo LGU, ang pagtatambak ng basura sa San Mateo Sanitary Landfill
00:06mula ng permanenteng isaraang na bota sa Sanitary Landfill itong August 26.
00:11Ayon po sa LGU, bukod sa hindi ito kinututa sa kanila,
00:15hindi rin nakadesenyo ang kanilang landfill para tanggapin ang malaking volume ng basura
00:19mula sa malalaking syudad sa Metro Manila.
00:22Si Denise Osorio sa report.
00:23Ito ang mga eksena pagpasok sa New San Mateo Sanitary Landfill.
00:32Mayay-mayay ang dating ng mga truck na may kargang basura.
00:36Ayon sa isang bantay ng private property,
00:39pahirapan ang pagpasok sa landfill dahil matarik, maputik at masikip ang daan.
00:44May stop and go scheme para makatawid ang malalaking truck ng paisa-isa.
00:50Habang papasok ang truck na may kargang basura,
00:52nangangamba naman ang mga residente sa kanilang kalusugan.
00:56Dumami na raw ang langaw sa kanila tuwing umuulan.
01:00Number one issue dyan yung mga langaw,
01:02nagkocost din ng lahat ng klase ng sakit.
01:06Hindi talaga maiwasan kahit anong gawing mong pest control
01:11kasi parang umaano na siya sa hangin, kasama na siya sa hangin.
01:14Sa everyday living namin, kasama na siya sa hangin.
01:17Problema rin ang mga katas ng basura na tumutulo mula sa mga truck.
01:21Kasi pagdaan pa lang ng truck, may kasama na po yung mga tulo-tulo nila sa truck.
01:26So nagkocost siya ng mga langaw.
01:30So sa langaw, syempre, apektado yung everyday living namin.
01:34Dumada po siya sa pagkain which nagkakost din ng mga sakit.
01:38Nalungkot din ang tricycle driver na si Yulo sa pagbabago sa kanilang lugar.
01:43Malinis pa raw kasi ang kanilang lugar noong 1975.
01:47Sana itigil na raw ang pagtatapo ng basura para maibalik ang dati nilang kapaligiran.
01:53Yung mga truck, pag dumadaan, talagang mabahod din sa lugar namin.
01:57Kasi di tiro na sa taas eh.
01:58Naano namin, naamoy.
02:00Kaya kung pinakamaganda dyan, eh, tigil na lang yan.
02:04Ilayo-layo ng konti.
02:05Para maayos.
02:07Respeto na lang sa mga tao kasi may mga bata.
02:09Umi-init ang issue matapos ang permanenteng pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill nitong August 26.
02:17Ipinag-utos ng MMDA na dalhin ang basura mula sa lungsod ng Maynila sa New San Mateo Sanitary Landfill.
02:25Bagay na hindi ikinetuwa ni San Mateo Mayor Omi Rivera.
02:30Ayon kay Rivera, wala silang nakuhang konsultasyon o abiso mula sa MMDA.
02:36Hindi rin kayang ma-accommodate ng pasilidad ang sobrang dami ng basura ng Metro Manila.
02:42Hanggang 2,000 metric tons per day lang ang kaya ng landfill.
02:47Hindi lang daw trapiko ang pinangangambahan niya, kundi ang panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
02:55Nagpahayag ang MMDA na nakausap na nila ang local officials ng San Mateo.
03:00Makikipag-coordinate daw sila kay Rizal Governor Rebecca Inares
03:04para sa Waste Management sa Regyon.
03:07Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.