Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Olympic Decathlon Champion Markus Rooth, out sa World Championships dahil sa injury

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene sa report ni teammate Kate Ostria.
00:09Sa Decathlon, hindi makakalaro sa darating na World Athletics Championships si Olympic Decathlon champion Marcus Ruth
00:16na magtamo ng injury sa tuhod at siko matapos lumanding sa labas ng pole vault mat habang nagsasanay noong nakaraang linggo.
00:24Kinumpirma ng 23-year-old Norwegian athlete nitong lunes na kailangan niyang magpahinga ng hindi bababa sa apat na buwan at sumailalim sa operasyon.
00:33Dahil dito, tiyak na hindi makakasali si Ruth sa World Championships na gaganapin sa Tokyo mula September 13 hanggang 21.
00:41Nagwagi ng gintong medalya sa Paris Olympics noong nakaraang taong si Ruth nang magtala ng 8,796 points at hirangin bilang youngest Olympic Decathlon champion mula 1980.
00:54Sa balitang tennis, nagpatuloy ang magandang takbo ng karera ni Joao Fonseca matapos makakuha ang kanyang unang panalo sa main draw ng US Open nitong lunes.
01:04Tinalo ng 19-year-old Brazilian ang Serban player na Simio Mirquez Manovec sa unang round 7-6, 7-6, 6-3 sa Grandstand Court ng Flushing Meadows.
01:14Si Fonseca ay nagwagi na sa kanyang unang laban sa lahat ng Grand Slam debut niya ngayong taon.
01:20Noong nakaraang taon, hindi siya pinalad na makapasok sa main draw ng US Open matapos magtapos sa third round ng qualifying.
01:28Mula noon, mabilis ang kanyang pag-angat sa torneo.
01:31Umakyat siya sa top 50 rankings at nasungkit ang kanyang unang ATP title sa Buenos Aires ngayong taon.
01:37Sa susunod na round ngayong Merkules, haharapin niya ang check player na si Tomash Mahatch, dala ang kumpiyansa at momentum mula sa kanyang sunod-sunod na matagumpay na kampanya.
01:49Sa football naman, balik sa ensayo nitong lunes si Los Angeles Rams left tackle Alaric Jackson matapos makarecover ng magtamo ng blood clots.
01:58Ayon kay head coach Sean McVay, sisimulan ng makibahagi ni Jackson sa team drill sa practice facility ng Rams, habang may mahigit isang linggo na lang bago magsimula ang bagong NFL season.
02:10Dalawang beses nang nakaranas ng blood clots si Jackson mula pa noong 2022.
02:14Unang nakapasok sa Rams si Jackson noong 2021 bilang ang drafted free agent mula sa Iowa.
02:20Sa loob ng kanyang apat na season sa NFL, nakapaglaro na siya sa 41 laro, kabilang na ang lahat ng 29 games na nilahukan niya sa nakalipas na dalawang season.
02:31Inaasahang makakalaro siya sa week 1 season opener sa September 7 contra Houston Texans sa kanilang home field.
02:38Keith Austria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended