00:00Nagamiso ang Philippine Space Agency of Filsa na may mga rocket debris na posibleng mahulog sa dagat na sakop ng Pilipinas, particular sa Palawan at Basilan.
00:12Galing po yan sa Long March 8A rocket ng China na nag-launch na kaninang madaling araw. Nakatutok si Maris Umali.
00:21Ito ang pag-blast off kaninang alas 3 ng madaling araw ng Long March 8A rocket mula kain ng China.
00:32Ang rocket, magdadala ng mga satellite ng China sa kalawakan.
00:35Tulad ng mga nakaraang rocket launch ng China, inaasahan ng may mga mahuhulog na debris mula sa rocket launch sa dagat sa bahagi ng Pilipinas.
00:43Ang Filsa o Philippine Space Agency, tinukoy ang drop zone o posibleng pagbagsaka ng debris, umigit kumulang 130 nautical miles mula El Nido, Palawan, 55 nautical miles mula Tubataha Reef Natural Park, at 27 nautical miles mula Haji Motama at Basilan.
01:01By design ay pinabagsak yung mga debris sa bodies of water, so dun pa lamang po napakalit na nung posibilidad na may bagsakang populated areas.
01:11Dati nang nagsabi si Pangulong Marcos na sana raw ay mas maagang magbigay ng abiso ang China sa ginagawa nitong mga rocket launch upang mapaghandaan ito ng Pilipinas.
01:20We just wish that perhaps they could warn us a little earlier so that we know that the path of the rocket, where the path is, and kung magbibitaw sila ng stages, kung saan babagsak.
01:35Sabi ng Filsa, August 14 pa lang daw ay nag-abiso na ang China.
01:39I-pinabot daw ng Filsa ang pre-launch advisory sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para maiwasang may madisgrasya mula sa rocket debris.
01:47Kapag sinunod po yung mga notices na yun, napakalit po ng chance na may mapinsala na mawabagsakan po ng debris.
01:54Sa ngayon ay wala pa naman daw na iuulat na nakitang mga debris mula sa inulunsad na rocket.
01:59Pero kung sakaling may makakita rito, abiso ng Filsa sa ating mga kababayan.
02:02Huwag niyo na po itong tangkahing kunin or hawakan. Baka meron pa siyang remnants na rocket fuel.
02:10Depende sa uri ng rocket fuel, may mga uri ng rocket fuel na highly toxic. Wala naman pong resale value yung debris na yun.
02:18Ayon sa Filsa, kasalukuyan pang niraratipika ng Pilipinas ang Liability Convention na magbibigay ng malinaw na mekanismo sa kompensasyon kung sakali mang may pinsalang idulot ang debris.
02:30Pero may United Nations treaties na rin naman daw na nagtatakda ng pananagutan ng isang bansa sakaling may pinsalang idulot ang kanilang space objects.
02:38Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Horas.
02:48Mariz Umali Nakatutok
Comments