00:00Sinibak sa pwesto ang hepe ng Airport Police Department habang sinuspindi ng 70 araw ang limang miembro nito dahil sa umano'y pangingikil.
00:10Bahagi ito ng mas pinahigting na kampanya kontra-iligal na mga aktividad sa loob ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
00:18Kabilang na ang tinatawag na 60-40 scheme kung saan 40% ng kita ng mga taxi driver ay napupunta umano sa ilang tiwaling airport police personnel.
00:28Dahil dito, napipilitan umano ang mga taxi driver na maningil ng sobra sa mga pasahero upang mabawi ang kanilang kita.
00:37Ayan kay Manila International Airport Authority, General Manager Eric Ines, nagpapatupad sila ng balasahan sa hanay ng airport police upang masawata ang katiwalian.
00:48Pansamantalang itinalaga si Luis Cometa bilang officer in charge ng Airport Police Department habang nagpapatuloy ang investigasyon.