00:00Hindi pa rin humuhu pa ang baha sa ilang lugar sa Maynila.
00:04Dahil dyan, pahirapan ang pagdaan ng mga sasakyan.
00:07Ang update sa sitwasyon sa Maynila, alamin natin kay Noel Talacay ng PTV Live.
00:14Angelique, nandito ako ngayon sa kahabaan ng Spania Boulevard dito sa Maynila.
00:19At dahil patuloy nga ang pagbuhos ng ulan, may mga ilangilan pa rin sa bahagi ng Spania Boulevard na binabaha.
00:25Tulad na lang, Angelique, dito sa bahagi ito, ito ay ang pa-northbound papunta ng Quezon City.
00:32At may mga humu pa na nabaha pero may ilan pa rin sa area na ito na pinabaha ang taas ng baha dito.
00:39Ay nasa bukong-bukong ng tao hanggang sa Gutter Deep.
00:43At yung ibang mga sasakyan nga, yung pag napapadaan sila sa baha, ay medyo bumabagal ang kanilang pagtakbo.
00:49Ganon din yung bahagi sa mga pa-southbound area ng Spania Boulevard na ang taas naman ng baha doon ay nasa Gutter Deep ang taas ng baha doon, Angelique.
01:02At samantala, Angelique, kanina pinuntahan, dinaanan namin yung Mandaluyong City, may bahagi pa rin doon na binabaha tulad na lang sa may P-Cross ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.
01:13At ang taas ng baha doon ay mula bukong-bukong ng tao hanggang Gutter Deep.
01:19May mga nahihirapan pang dumaan ng mga sasakyan, kapansin-pansin din sa lugar na may ginagawa na kalsada.
01:27Yung ibang sasakyan tulad ng taksi ay hindi na tumutuloy sa pagtawid sa baha.
01:31Ayon naman sa mga residente doon, halos taon-taon binabaha ang lugar at taon-taon din may ginagawang kalsada.
01:38Opo, matagal na yung problema dito, baha. Mula dito nung ginawa iyan, hanggang ngayon, hindi pa rin siya na ayos.
01:49Pero pag umuulan na malakas, ganito bumabaha talaga, sir.
01:52Angelique, sa pag-ikot ko dito sa may Espanya-Manila at sa may Mandaluyong,
01:57isa lang ang napansin ko, may mga batang naglalaro sa tubig, naliligo sa tubig ulan,
02:02at mayroon pa rin lumulusong sa baha na hindi nakabota.
02:06Paalala natin na pwede silang makakuha ng sakit dito tulad ng lactospirosis.
02:11Angelique?
02:12Yes, Noel. Doon sa mga napuntahan mo sa Mandaluyong, umabot ba sa loob ng bahay ang baha?
02:19Yes, Noel. Ulitin ko lamang ha, sa pagpunta mo sa Mandaluyong, yung bang baha ay umabot din sa loob ng bahay?
02:39Okay, mukhang hirap po ang communication ni Noel Talakay. Maraming salamat.