00:00Sa kaugnay na balita, mas konti ang mga Pilipinong naghahanap ng dagdag na trabaho,
00:05batay sa datos noong February 2025 kung saan bumaba ang underemployment rate sa 10.1%.
00:12Mas marami na rin ang may full-time at maayos na trabaho.
00:16Bahagyang tumaas ang unemployment rate sa 3.8% dahil mas maraming bago sa workforce,
00:22tulad ng mga fresh graduate, pero nananatili ito sa loob ng target ng gobyerno.
00:26Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy ang pagpapalakas ng mga hakbang ng pamahalaan
00:33para makuha ang tamang strategy sa pamumuhunan na lilikha ng dekalidad na trabaho.
00:40Pinalalakas din ang gobyerno ang mga training program at ilulunsad ang trabaho para sa Bayan Plan
00:45na magbibigay gabay sa job creation hanggang 2034.
Comments