- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Isang Chinong dinampot sa Naiya ang may modus na ayon mismo sa Bureau of Immigration?
00:05Malaalis guo na may kirao siya ng mga dokumento para palabasing Pilipino siya.
00:10Nakakuha siya ng Pinoy passport, nakapag-negosyo at isa rin umanong honorary consul.
00:16Nakatotok si Rafi Tima.
00:21Hindi na nakapalagpa ang negosyanteng Chinese na ito matapos arrestuhin ang pinagsalib na puwersa
00:26ng intelligence service ng AFP at ng Bureau of Immigration sa Naiya Terminal 3
00:30matapos lumapag mula hong kong kahapon.
00:32He was using a Philippine passport at yun po ang ginagamit niyang identity for the past few years.
00:39Nakita po ng ating mga immigration officers na subject siya ng isang mission order
00:43at ng isang investigation po for allegedly using falsified documents
00:50para makuha po itong kanyang Philippine documents or Philippine identity.
00:55Dati na rin sinampahan ng kaparehong kaso ang Chinese National ilang taon na ang nakakaraan
01:00pero nadisimis ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
01:03Ang difference po doon sa kaso niya ngayon is that may nakita na po na Chinese name niya
01:08at Chinese identity niya at yun po ang nagmatch doon sa records natin.
01:13Nagmatch ang fingerprints na inaresto sa fingerprints na isang Chinese citizen
01:17na dating na may long-term visa at alien certificate registration identity card.
01:21Ipinakita ng isang source sa GMI Integrated News ang Philippine passport na ginagamit ng negosyating Chinese.
01:26Nakalagay dito ang ginagamit niyang pangalan sa Pilipinas.
01:30Dahil sa pagpapakilalang Pilipino, nakapagtayo siya ng mahigit 30 kumpanya sa bansa na may kinalaman sa pagmimina.
01:36Naging miembro rin siya ng iba't ibang business at economic organizations.
01:40Ayon pa sa source, pinangalanan siyang Honorary Consul ng Lao People's Democratic Republic sa Davao City.
01:46Ito rin ang nakalagay sa website ng Honorary Consul ng Lao.
01:49Hanggang September 2024, may aktibidad pa siya bilang Honorary Consul.
01:54Tinawagan namin ang numero ng Lao Embassy sa Pilipinas at ang Honorary Consul ng Lao pero walang sumasagot sa aming tawag.
01:59Ito po parang very similar doon sa case ni former Bamban Mayor Alice Guho.
02:05Ito ay nakikita namin as a major national security issue kasi nagagamit po yung mga Philippine documents and Philippine identities para makagawa po ng iba't ibang krimen dito po sa Pilipinas.
02:18Na-inquest ng Chinese national sa kasong paglabag sa immigration laws ng bansa at nakadetain sa BI detention facility sa Bikutan.
02:25Ina-expect po natin na may mga kakaharapin pa siyang local cases here in the Philippines.
02:31Sa amin po umaanda ang kanyang deportation case.
02:34Ngunit hindi po natin mai-implement yan hanggat hindi pa po natatapos ang mga local cases niya po dito sa Pilipinas.
02:40Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
02:46In-reklamo sa Napolcom ang dating hepe ng Special Operations Division ng PNP Highway Patrol Group.
02:52Mismong mga kabaro niya ang nag-akusa sa kanyang nakialam-umanok sa investigasyon sa isang umanong kaibigan at nagpasuhol din umanok.
03:01Nakatutok si Emil Sumangir.
03:06Dahil sa umanoy pakikialam sa isang kaso, inereklamo sa National Police Commission o Napolcom ng limanyang tauhan si Pulis Colonel Romel Casanova Estolano.
03:17Ang operasyong ito ng Highway Patrol Group Special Operations Division o HPG SOD sa Paranaque noong June 13 ang pinakialaman umanone Estolano na dati nilang hepe.
03:31Sinita ang SUV dahil sa mga nakakabit na mga pinagbabawal na siren at blinker ng silipin.
03:38Nakitaan din ito ng mga baril, bala at pampasabog sa loob.
03:41Pero gusto umanone ni Estolano na arbo rin ang kaso.
03:45Ibig sabihin, palampasin na ito.
03:47Nung malaman niya, kaibigan ko to, sabi niya, kaibigan ko to, lagi itong nagbibigay sa akin doon pag nag-i-sponsor, sabi niya, doon sa 4A.
03:55Pinagalitan niya pa nga ako eh.
03:56I-pinakita rin ang mga polis ang ilan sa mga iahain nilang ebidensya, gaya ng mga videong ito kung saan makikita ang umanoy pakikialam ni Estolano sa investigasyon, pati ang video ng suspect na hindi nakakulong.
04:10At ang video ng pakikipag-inuman umanone ng suspect sa opisina ng HPG, kasama ang ilang mga polis sa pangunguna ni Estolano.
04:19Pinapakakuntak niya sa akin, maraming tumatawin. Ito si General ganito, kausapin mo. Ito si G. Mason po, ganito, kausapin mo.
04:25Sir, pasensya na po, hindi ko po kausapin niyan. Doon na lang po sa opisina.
04:29Tumanggap din umanaw si Estolano ng Sukol mula sa hinuling motorista na umanoy nagkakahalaga ng 7 million pesos.
04:37Nung gabi po, nagkabigaya na ng pera.
04:39Nagpadala pa siya nung gabi ng hot bips ng mga babae.
04:43Ngayon lang po kami nagkalakas ng loob para po sa aming provision po ang sinasampan namin dito dahil para mabawasan ang korup sa PNP na tulad ni K. Estolano.
04:56Grave misconduct, dishonesty and conduct unbecoming of a police officer ang inihain nilang reklamo laban kay Estolano.
05:04Yung pong kanilang complaint ay evaluate po ng ating inspection, monitoring and investigation service o EMIS.
05:10After which, kung meron pong kailangan pong magpukres, papasugutin po yung si K. Estolano, i-evaluate huli ng EMIS.
05:20Kung feeling po nila dapat po talagang tumuli pa yung kaso, sila po maaaring mag-file ng formal charge sa ating legal affairs service.
05:27Nakipagugnayan sa GMA Integrated News si K. Estolano.
05:31Ayon sa kanya, sa Napolcom na niya sasagutin ang reklamong inihain laban sa kanya.
05:36Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
05:42Wala na sa Philippine area of responsibility ang bagyong isang, pero perwisyong iniwan nito sa ilang lugar sa norte.
05:49Nahatak pa nitong habagat na siya nagpaulan sa iba pang lugar sa bansa.
05:53May epekto na rin ang isang low pressure area sa silangan na bansa.
05:57Nakatutok si Bernadette Reyes.
05:58Pinamamadali na ang mga residenteng iyan na tumawid sa ilog sa Cagayan de Oro City, sa gitna'y na mabilis na pagtasang tubig sa Bigaan River.
06:13Matapos ang ilang sandali inabutan ng tubig ang pansamantalang tulay na ginawa roon dahil sa itinatayong flood control project.
06:21Ang lalaking ito humabol pa sa pagtawid.
06:24Pinasok na rin ang tubig ang mga bahay sa tabing ilog.
06:26Ayon sa LGU, may naanod na bahay, taksi at motorsiklo sa mga pagbaha.
06:32Wala namang naiulat na nasa wii o nasaktan.
06:36Wala rin residenteng inilikas dahil bumaba rin ang level ng tubig sa ilog.
06:41Sa makilala kota bato, hirap makatsyempo ng tawid ang mga motoristang iyan sa kalsadang nalubog dahil sa umapaw na tubig sa spillway.
06:49Maliitan nila ang culverts sa daan kaya mabilis umapaw ang tubig tuwing umuulan.
06:54Umapaw na rin ang tubig sa spillway sa isang barangay sa bahay ng Lebak, Sultan Kudarat.
07:00Pinangangambahan ng mga residente ang pagbaha kung magtutuloy ang pagtaas ng tubig.
07:04Ang mga paghulan sa malaking bahagi ng Mindanao ay dala ng habagat ayon sa pag-asa.
07:08Pero ang nagpaulan sa Davo Oriental ay trough o buntot ng isang binabantayang low-pressure area sa silangan ng bansa ayon din sa pag-asa.
07:18Sa bayan ng Gov. Generosso, mabilis na tumaas ang baha.
07:22Nagkumahog ang mga residente na lumikas.
07:25Sa ilang lugar, aabot sa hanggang baywang ang baha.
07:29Nagsagawa na ang MDRMO ng Rescue Operations sa mga apektadong residente.
07:33Nag-iwan naman ng ilang pinsala sa norte ang bagyong isang.
07:38Sa Echage, Isabela, hinahana pa ang isang babaeng hinihinalang nalunod sa ilog.
07:43Nahulog kasi roon ang sinasakyan nitong tricycle kahapon sa kasagsagan ng masamang panahon.
07:49Ligtas naman ang dalawang kasama niya na mangyari ang aksidente.
07:53Sa Santiago City, Isabela hanggang gutter ang baha sa isang palengke.
07:58Bukod sa pagulan, nakadagdag pa sa pagbaha ang mga baradong kanal.
08:02Sa Lubwagan, Kalinga, ganyang kalaking tipak ng bato ang humambalang sa kalsada.
08:08Patuloy ang clearing operation.
08:10Sa Ariyato, Nueva Vizcaya, isang lane lang ng Benguet-Nueva Vizcaya Road
08:15ang nadaraanan ng mga motorista dahil sa landslide.
08:18Sinimulan na ng mga otoridad ang clearing operations doon.
08:22Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
08:27Pusible sa susunod na linggo ang dagdag presyo sa petrolyo.
08:33Sa tansya ng kumpanyang Unioil, asahan ang taas presyon 20-40 centimo sa kada litro ng diesel
08:39at 40-60 centimo sa kada litro ng gasolina.
08:44Ayon sa Oil Industry Management Bureau, nakikita ang dahilan ng muling taas presyo
08:48ang pagbaba ng oil stock sa Amerika dahil sa pagbuti ng refinery demand
08:53pati ang patuloy na hidwaan ng Israel at Iran.
09:00Arestado ang isang rider sa Quezon City matapos niyang habulin ng patalim ang kapwa niya rider.
09:06Ayon sa mga polis, nakainom ang suspect na inakalang binubuntutan daw siya.
09:11Nakatutok si Bea Penlac.
09:12Sa kuhang ito ng CCTV, kitang magkasunod sa kalsada ang dalawang motorsiklong ito
09:23mula po ak malinis papuntang po aklibis sa barangay UP Campus, Quezon City nitong gabi ng Martes.
09:29Maya-maya, ang rider na naka-green t-shirt tumigil sa gita ng kalsada at bumaba ng motorsiklo.
09:36Hinarangan niya ang isa pang rider na naka-black t-shirt hanggang ang dalawa nagtalo at nagkapisikalan.
09:44Hindi na gaano na hagip sa CCTV ang away ng dalawa hanggang sa nakita ng tumatakbo ang rider na naka-black.
09:51Hinabol siya ng naka-green na rider na may hawak na palang patalim.
09:55Pati ang ilang nakasalubong nilang residente, nagtakbuhan.
10:00Nakahingi ng tulong ang biktima sa barangay.
10:02Agad rumispondi ang mga otoridad at kalaunay nahuli ang 50-anyos na suspect na napag-alamang nakainom pala.
10:10Ayon sa pulisya, inakala umano ng suspect na binubuntutan siya ng biktima.
10:15According kay suspect, sinusundan daw siya.
10:23According sa victim, kinat siya nitong suspect at sinita na bakit na sinusundan.
10:31Nung nagkaroon sila ng palitan ng salitaan, siguro napikon siya.
10:38Inunahan niya, sinuntok niya si victim.
10:41At hindi pa siya nakontento, binunutan pa niya ng kutsilyo.
10:45Hindi na-recover sa suspect ang patalim, pero aminado siyang bit-bit ito habang hinahabol ang biktima.
10:51Yung sinasabing niyang patalim, ano yun, yung maliit na ano, maliit lang na ano yun, pang ano sa mangga.
11:00Ay, naano yun sa ano, sa spark plug nga pag naglilinis ako.
11:04Nakalagay lang sa susiyan yun.
11:06Wala naman po akong intention sa kanya nun.
11:09Kasi ang akala ko po, kinokrosunada po ako.
11:11Naginit ang ulo ko doon.
11:12Reklamong attempted homicide ang isinampalaban sa suspect na nakapiit sa Anonas Police Station.
11:19Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak nakatutok 24 oras.
11:24Arestado sa Pampanga ang isang driver na suspect sa pagnanakaw ng minamaneho niyang truck.
11:31Nakatutok si John Consulta, exclusive.
11:33Nang mapasok ng mga tauan ng Highway Patrol Group ang staff house na ito sa Bacolor Pampanga nitong lunes,
11:43agad nilang tinungo ang kiniruroonan ng kanilang pakain na target.
11:45Ayon sa HPG, naglabas ng warat ang korte laban sa suspect nang ireklamo siya.
12:15Nang dati nitong pinagkatrabawuhan.
12:18The subject of this operation ay isa pong nagnakaw po ng truck na kanila pong pinagmamaneho.
12:25Siya nga po ay naharap po sa kaso po ng RA-10883 or yung tinatawag po nating new anti-carna pillo.
12:33Taong 2022 pa rao naganap ang krimen pero nagpalipat-lipat daw ang suspect para makaiwas sa huli.
12:39Una, ibigay po yung hostisya po sa ating mga kababayan na pinagagawan nito po mga suspect po
12:45o ito po mga wanted person na mga hinahagila po ng PNP-HPG.
12:51Sinisika pa namin makuha ang panig ng suspect na nakakulong na sa retention facility ng HPG.
12:56Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, nakatutok 24 aras.
13:04Patuloy na bumababa mga kaso ng leptospirosis sa bansa ayon sa huling tala ng Health Department.
13:10Bumaba na sa labing walo ang tinamaan ng leptospirosis nitong August 17 to 21
13:15kumpara sa lagpas 1,000 kaso noong August 3 to 9, isang linggo matapos ang hagupit ng mga bagyo at habagat.
13:23Gayunman, di pa rin inaalis ang posibilidad na magbago ang bilang dahil patuloy pa ang pagkalap ng datos
13:29at naka-alerto pa rin ang mga DOH hospital lalo't tag-ulan pa rin.
13:33Sa kabuuan, mahigit 4,000 kaso na ng leptospirosis ang naitala mula June 8 hanggang August 21.
13:41Samantala, bukas ngayon ang mga health centers sa lungsod ng Maynila para sa libreng doxycycline contra leptospirosis.
13:49Pero mga kapuso, paalala mo rin ang DOH, kinakailangan ng reseta ng doktor bago uminom nito.
13:55Kaya magpakonsulta muna kung lumusong sa baha, may sugat man o wala.
14:02Mga kapuso, laung weekend tayo dahil holiday sa lunes, magiging maulan pa rin kaya?
14:06Alamin natin ang latest sa panahon mula kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
14:12Amor.
14:14Salamat Ivan mga kapuso, nakalabas na nga sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong isang
14:19pero pumasok naman ang panibagong low pressure area na ngayon tumaas na rin ang chance ang maging bagyo ayon po sa pag-asa.
14:28Huling namataan ang pag-asa ang low pressure area sa layong 930 kilometers silangan po yan ng southern Mindanao.
14:34Nasa high o mataasa po yung posibilidad nito na maging bagyo sa susunod na 24 oras at kung matuloy ay papangalanan po na bagyong hasinto.
14:43Ayon po sa pag-asa, posibleng kumilos po ito papalapit dito po yan sa may northeastern Mindanao sa mga susunod na oras o bukas
14:50saka po lalapit yan dito sa may eastern Visayas o kaya naman po dito sa bahagi po ng Bicol Region sa mga susunod na araw.
14:58Pwede pang magbago ang galaw nito kaya patuloy po kayong tumutok sa updates.
15:01Sa ngayon, naramdam na rin po yung epekto ng trough o yung extension o bahagi po ng mga kaulapan nitong nasabing LPA
15:08dito yan sa ilang bahagi ng Visayas at ng Mindanao kasabay rin po ng patuloy na pag-iral ng southwest monsoon
15:14o yung hanging habagat at makaka-apekto po yan sa ilang bahagi pa rin ng Pilipinas.
15:19May natitira rin pong epekto yung trough o extension naman ito pong dating bagyong isang
15:23kahit po nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility
15:27pero dito na lang po yan sa ilang bahagi ng northern Luzon.
15:30Base po sa datos ng Metro Weather umaga po bukas, wala pa naman gaano mga pag-ulan sa halos buong bansa
15:37maliban po dito sa western sections po ng Luzon, gano'n din dito sa may eastern Visayas
15:42pati na rin po sa northern Mindanao, Caraga at Davao Region.
15:46Pagsapit po ng hapon, mas marami nang uulanin kasama po dyan ng halos buong Luzon
15:50mula po yan northern, central and southern Luzon
15:53at mayroon pong posibleng mga malalakas sa pag-ulan.
15:55Dito po yan sa may central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region,
16:00gano'n din dito sa malaking bahagi po ng Visayas at ng Mindanao.
16:03Kaya doble ingat pa rin sa posibilidad po ng mga pagbaha o pagguho ng lupa.
16:07May chance pa rin po ng ulan sa ilang lungso dito po yan sa Metro Manila,
16:11lalo na po yan bandantanghali at gano'n din sa hapon.
16:14Sa atin namang extended outlook, posibleng pa rin po makaranas sa mga pag-ulan,
16:18lalong-lalo na dito po yan sa may southern Luzon,
16:21pati na rin po dito sa may Visayas at Mindanao
16:24dahil nga po sa inaasahan natin na paglapit ng bagong sama ng panahon.
16:29May chance rin po ng mga kalat-kalat na ulan sa iba pang bahagi ng ating bansa.
16:34Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
16:35Ako po si Amor La Rosa.
16:37Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
16:44Ako po si Amor La Rosa.
Recommended
11:28
|
Up next
12:06
7:28
8:47
9:32
7:54
13:58
4:23
9:42
10:23
10:15
14:20
Be the first to comment