24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:18Hati ang katawan ng datna ng motoridad ng isang babae sa Binian Laguna matapos magulungan ng dump truck umaga kahapon.
00:33Guys, may nasagasaan dito. Kabay raw. Turug-turug.
00:37Batay sa embestigasyon ng Binian City Police, nakaangkas ang motrosiklo ang biktima habang nasa National Highway sa Barangay Canlalay.
00:45Pero nang biglang huminto ang sinusundang jeep sa unahan na wala ng kontrol ang motrosiklo.
00:52Sumemplang ito at humandusay ang mga sakay nito.
00:55Ligtas ang rider pero ang angkas niya pumailalim sa isang parating na dump truck.
01:00Rumesponde ang rescue team at maotoridad sa insidente at binila sa punrarya ang labi ng biktima.
01:07Tumakas ang nakasagasang driver at iniwan ang kanyang truck.
01:11Hinahanap na siya ng pulisya. Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
01:18Nabulabog ng sunog ang mahimbing sanang gabi ng ilang residente sa Malate, Maynila.
01:24Umabot sa isang daang pamilyang nawala ng tirahan sa sunog na iniimbisigahan kung sinadya.
01:30Nangatutok si Jomera Presto.
01:33Patulog na sana ang karamihan sa mga residente nang sumiklabang sunog sa bahagi ng Leverisa sa barangay 705, Malate, Maynila, pasado alas 9.30 kagabi.
01:48Ang 50 years old na si Mase, nasa taas na ng kanilang bahay nang biglang sumigaw ang kanyang pamangkin.
01:54Nasunugan din ang mga residente na yan na galing sa kasal ng kanilang kamag-anak.
02:05Para maiwasan ang nakawan sa gitna ng sunog, 60 tauhan ang Manila Police District ang nagbigay siguridad sa lugar.
02:11Ayon sa Bureau of Fire Protection, dahil dikit-dikit at gawa sa light materials sa mga bahay,
02:16mabilis na kumalat ang apoy kaya agad itinaas ay kalawang alarma ang sunog.
02:20Tumagal na mahigit dalawang oras ang sunog bago na apula, dakong alas 12-3 ng hating gabi.
02:25Umabot sa halos 40 truck ng bumbero ang rumesponde.
02:29Meron po tayong dalawang fire hydrant so hindi tayo nahirapan sa water supply natin.
02:34More than 15, 15 to 20, tinatayang 20 houses ang napektuhan.
02:40Nakalabas naman lahat ng residente, lalo at dead-end ang dulo ng iskinitang nasunog.
02:45Tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.
02:50Dito sa covered court na ito sa barangay 720, pansamantalang manunuluyan ng mga residenteng nasunugan sa barangay 705.
02:57Sabi ng MDSW na sa 50 modular tents ang inilatag nila dito.
03:01Ang problema dahil masyadong maraming residente ang mga nasunugan, dalawang pamilya ang maghahati sa isang tent.
03:07Base sa kanilang datos, aabot sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan.
03:12Pero ang apoy, posibleng nagsimula raw sa dalawang residente.
03:16Hindi namin nakita, hindi namin nahagilap kung nasaan sila pumunta eh.
03:19Parang sumibat.
03:20Natatakot siguro sa mga nadamay ng sunog.
03:23Inimbestigahan pa ng BFP at Manila Police District kung talaga bang sinadyang sunugin ang nasabing lugar.
03:32Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
03:38Kumpiskado sa magkahihwalay na operasyon sa Pangasinan ang nasa 7 bilyong pisong halaga ng umanoy shabu.
03:45Nakalagay sa mga pakete ng chaama kontrabando na posibleng raw isupply sa Metro Manila.
03:50Nakatutok si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
03:54Kuebes ng masamsam sa Baybas sa barangay Pulong Bugalyon, Pangasinan.
04:02Ang 125 kilos ng umanoy shabu na nakabalot sa mga plastic tea bag.
04:07850 million pesos ang halaga ng mga iyan.
04:11Nadiskubre ito sa sasakyan ng inaresto nilang Chinese National at kasabuat na Pinoy.
04:17Ayon sa otoridad, inamin ng Chino na nagmula ang mga droga sa binili nitong warehouse sa barangay Lawis sa bayan ng Labrador
04:25at i-deliver sana papuntang Metro Manila.
04:28Ang naturang bodega ang nilusob kagabi ng mga otoridad sa visa ng search warrant.
04:33Kung meron pong tao, pwede pong pakibuksan itong gate nyo rito sa harap.
04:37Walang nadat ng tao roon pero tumambad ang mas marami pang pakete ng umanoy shabu.
04:43Sako-sako at halos isang tonelada ang bigat.
04:46Ang halaga, hindi bababa sa 6 na bilyong piso.
04:50Nabigla po tayo na ganito po yung ano.
04:53Actually, mas pinaigting po natin yung anti-drugs natin.
05:00Ang hinala ng PIDEA, posibleng kinukulang na raw ang supply ng droga sa Metro Manila.
05:05Kaya talamak na namang muli ang distribution nito mula sa iba't ibang probinsya.
05:10At isa ang panggasinan sa mga itinuturing umanong best route sa pagbabiyahe ng droga.
05:17Ito kasing panggasinan is adjacent talaga dun sa usual na delivery route ng pinaghinalaan natin na big international syndicate yung trial.
05:30Kailangan magiging two steps ahead kami lagi.
05:33Sa kabuan, nasa 1,020 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng halos 7 bilyong piso ang nasamsam ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon.
05:44Ang PIDEA at PNP, kapwa nag-iimbestiga na at tinutuntuan ang mga nasa likod ng mga kontrabando.
05:50Kung this illegal drug, this illegal substance will again plug the community, ano na ang mangyayari sa mga kababayan natin?
06:01Including those that were earlier cis when palutang-lutang dito from the western border of the Philippines, particularly Ilocos Norte, going to Zambales.
06:17Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvasio, nakatuto, 24 oras.
06:25Pinagpapaliwanag ng Comelec si Sen. Chis Escudero kagdain sa pagtanggap niya ng 30 million pesos na campaign donation noong eleksyon 2022 mula sa isang government contractor.
06:37Sa panayan ng Super Radio DZWB, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inisyohan na ng show cost order sa Escudero kahapon.
06:45Itinakda ang hearing sa October 30.
06:48Sabi ni Escudero sa isang pahayag, bukas siya sa pagkakataong patunayan na walang nalabag na batas sa pagtanggap niya ng campaign donation.
06:56Sa ilalim ng omnibus election code, hindi pwedeng magbigay ng kontribusyon para sa partisan political activity ang mga may kontrata sa gobyerno.
07:04Dawo na lang sinabi ni Lawrence Lubiano, ang presidente ng Centerways Construction and Development Incorporated, na galing sa sarili niyang pera at hindi galing sa kumpanya, ang donation.
07:15Hindi mapatahan ang 6 na taong gulang na si Ezia sa Cebu.
07:27Namatayan kasi siya ng alaga kasunod ng lindol noong Martes.
07:31Natagpuan niyang wala ng buhay ang alagang hamster na si Jelly Bean, nang balikan ang kanilang bahay kinaumagahan.
07:37Nitong Mayo lang daw binili ng kanyang mga magulang si Jelly Bean.
07:40Sila mag-anak naman ay nasa mabuting kalagayan.
07:44Pero natutulong pa rin sila sa labas dahil hindi pa rin daw ligtas na manatili sa loob ng kanilang bahay.
07:53Bistado na sa iligalo ba nung pagbibenta ng armas at bala na hulihan pa na mahigit 400,000 pisong halaga
08:00nang hinihinalang siya buh ang suspect na target ng CIDG sa Pampanga.
08:06Nakatotok si John Consulta, Exclusive.
08:11Bit-bit ang search warrant.
08:13Pinasok ng mga tauan ng CIDG ang bahay na ito sa Angiles, Pampanga.
08:20Ang target, sangkot sa umano'y pagbibenta ng mga baril sa mga personalidad na sangkot kumano sa mga krimine.
08:26Sa tambak na gamit na ito ng suspect, nakita ang iba't ibang armas at mga bala na ibinibenta niya umano sa kanyang mga kliyente.
08:33Sa operasyon na ito, nakakumbis ka ang ating mga operatiba ng dalawang caliber 45 na baril, isang caliber 9mm, isang granada, isang long rifle na airsoft,
08:48mga magasin at bala para sa caliber 45, caliber 38, caliber 40, 9mm at N16.
08:57Ikinagulot pa ng mga polis nang madiskubli sa gamit ng mga suspect ang mga sasya ng hinihinalang shabu na nakakaalaga ng 408,000 pesos.
09:06Napag-alaman natin na noong 2010 ay na-aresto na rin siya sa kasong karnaping.
09:15At saka noong 2020, siya rin ay nangisubject ng search warrant sa parehas na kaso.
09:22Ito yung RA-10591 o yung Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
09:30At noong March 2023, siya muli ay na-aresto sa kasong karnaping.
09:36Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng suspect na nakakulong ngayon sa CIDG Region 3.
09:43Isasalang sa balis examination ang mga nakumpis kang baril para matukoy kung nagamit ito sa mga shooting incident.
09:49Para sa GMA Itingred News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
09:56Takas pa rin sa ilang lugar sa norte ang idinulot na pinsala ng Bagyong Paolo na nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility.
10:03Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
10:06Unti-unting tinangay ng rumaragas ang tubig sa ilog ang bahay na ito sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
10:22Dinig ang pagtangis ng mga residenteng nakalikas na bago pa umapaw ang ilog.
10:33Binaha naman ang tulay na yan sa bayan ng Bayong Bo nang umapaw ang Cagayan River dahil sa lakas ng ulan.
10:40Sa kasiguran aurora, lubog pa rin sa baha ang halos dalawampung bahay matapos manalasa ang Bagyong Paolo, abot-tuhod ang tubig sa ilang bahay.
10:51Hindi naman maaninag ang kalsada na tila binura ng tubig baha.
10:55Naglistulang waterfalls naman ang bahasa pangunahing kalsada sa La Trinidad Benguet.
11:04Sa Isabela, umapaw ang pinakanawan river dahil sa pagpapakawala ng tubig ng magatdam.
11:10Itinambak naman sa kalsada ang sako-sakong basang palay na mga magsasaka sa Cagayan.
11:17Halos padapain naman ng lakas ng hangin ang mga puno sa Lawag City, Ilocos Dorte.
11:22Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
11:29May bagong bagyo, mga kapuso.
11:32Ito po yung naunang binantayang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
11:36Huling namataan ang pag-asa ang bagyo, 2,275 kilometers east-northeast ng Extreme Northern Luzon.
11:44Sabi ng pag-asa, posibili itong pumasok ng PAR sa mga susunod na araw.
11:49Samantala, wala lang direct ng epekto sa bansa ang Bagyong Paolo na ngayon nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
11:56Sa ngayon, Southwest Monsoon o Habagat ang nagpapaulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
12:02Localized thunderstorm naman ang nakaapekto sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
12:09Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibili ang light to heavy rains bukas sa ilang bahagi ng Benguet, Zambales, Oriental Mindoro at Batangas.
12:18May chance na namang makaranas ng light to intense rains ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
12:24Posibili rin ulanin bukas ang Metro Manila.
12:26Tuloy ang pakikibaka para sa hustisya ng mga naulila ng mga biktima ng extrajudicial killings.
12:35Ngayong araw, inilaga ka mga abo ng walong biktima sa dambana ng paghilog.
12:39Nakatutok si Bernadette Reyes.
12:41Ilang taon nang lumipas pero masakit pa rin daw kay Nanay Normita Romero ang pagkamatay na anak na si Adrian.
13:01Inilagak sa dambana ng paghilom sa Laloma Cemetery sa Kaloocan, ang abo ni Adrian at ng pitong iba pang biktima umano ng extrajudicial killings.
13:13Natutuwa po ako dahil kahit pa paano po naanuhanap po ng sarili niya pong libingan ng anak po. Hindi na po ako nangangamban.
13:21Mahigitsanda ang mga labi ng mga AJK victims ang narito ngayon sa dambana ng paghilom.
13:27Ayon sa mga pamilyang naulila, nakatutulong daw ito para sa kanilang payapang kalooban at patuloy na pahigipaglaban sa justisya.
13:36Ibinalik natin sa urn at ngayon ay nilagay na sa mas permanenteng himlayan.
13:44Hindi na babagabag sa mga Nanay kung saan at hanggang kailan ang pagkahimlay nila.
13:53Ngayon na nakaranas tayo ng hilom sa ating mga puso, baka namang pwedeng umabante tayo, umangat tayo at makiisa sa panghilom naman ng bansang sugatan.
14:06Para naman sa buhay ang People Power Campaign Network, malayo pa ang inaasam na justisya para sa mga pamilya.
14:13Patuloy raw ang kanilang pagbabantay sa tatlong counts ng murder na inihain ang prosekusyon sa International Criminal Court laban kay dating Pangulong Duterte.
14:23Sa ICC po siguro medyo nakababahala na natuloy po yung pag-delay sa confirmation of charges hearings kay President Duterte.
14:30At least lumalapit pa rin tayo kahit paano dun sa husisya. Pero sana matuloy na po yung pagdinig sa ICC.
14:39Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment