Skip to playerSkip to main content
Noong 2023 pa dapat nakumpleto pero ngayong taon lang umano natapos ang bahagi ng isang dike sa Busuanga River sa Occidental Mindoro. Bagong gawa kung tutuusin pero sira na agad at hindi pa ‘yan ang buong dike dahil pinaghatian pa ang proyekto ng apat na kumpanya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Noong 2023 pagdapat na kumpleto, pero ngayong taon lang umano,
00:06natapos ang bahagi ng isang dike sa Buswaga River sa Occidental Mindoro.
00:11Bagong gawa akong tutuusin, pero sirana agad.
00:16At hindi pa yan ang buong dike, dahil pinaghati ang paang proyekto ng apat na kumpanya.
00:23Nakatutok si Maki Pulido.
00:25Tulad sa Oriental Mindoro, binaharin na mga flood control project ang Occidental Mindoro.
00:34105 flood control projects ang nakalista sa sumbong sa pangulo.ph website na may kabuang halaga na mahigit 8.6 billion pesos.
00:44Ang dike project para sa Buswaga River, hinati sa anim na package na pinaghatian ng apat na construction company.
00:52Kagagawa lang ng porsyon na ito, gumuhuna.
00:55Sa sumbong sa pangulo website, noong 2023 pa dapat natapos ang mga proyektong ito.
01:01Pero sa pagkakaalam ng Kapitan ng Barangay, nitong taon lamang natapos ang proyektong ito.
01:06At pagkatapos lang ng ilang buwan, ay gumuho ang porsyon na ito ng dike dahil sa pagragasan ng tubig sa ilog.
01:14Nagsimula ang proyektong ito, 2023 hanggang sa kasalukuyan na gumagawa ang proyektong ito.
01:23May gumuho na nga, hindi pa magkakadikit ang mga dike project kaya aapaw din ang tubig, sabi ni Kapitan.
01:30Nang minsan daw niyang tanungin kung bakit putol ang dike, sabi raw sa kanya, kinapos ang pondo.
01:36Tanung ko minsan yung isang engineer ng DPWH, hindi nadugtong ang dalawang proyekt na ito magkasunod dahil sa kumapos ang pondo, dahil doon sa kanilang design.
01:46Ang alam ko diyan ay a Sunwest Construction.
01:50Tulad sa Oriental Mindoro, Sunwest Construction Inc. din ang nakacorner ng pinakamalaking pondo sa Occidental Mindoro.
01:59Mahigit 2 billion pesos sa Oriental, mahigit 1 billion naman sa Occidental.
02:04Dahil walang koordinasyon sa LGU at walang mga karatula na may detalya ng proyekto, limitado ang alam ng LGU.
02:11Iba-iba yung design, may manipis, mababa, tapos sunod mahaba, tapos may putol, iba-iba yung lapad, yung buhangin, yung taas.
02:22Sa mga gumagawa ng flood control project, sana raw isipin silang mga binabaha, dahil tuwing nasasalanta ang kanilang mga pananim, hindi sila nakakakain.
02:32Ang pakiusap po lang po, sana sa mga may project po dito, sana ayusin ng maayos para maiwasan na po yung naranasan namin yung bahay.
02:45Hinihinga namin ng pahayag ang Sunwest Construction at ang lokal na tanggapan ng DPWH.
02:51Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
02:55Pinabulaanan ng Sunwest Incorporated na nagkolapsang mga dike projects nito.
03:01Sa isang pahaya, sabi ng Sunwest, liban daw sa maliit na crack sa barangay Aguas Dike,
03:08wala ang manong pinsala sa dalawa pang flood control projects nila sa bayan ng Rizal at San Jose sa Occidental Mindoro.
03:16Samantala, tinatayang 3-4 metro lamang daw ang crack sa flood control project nila sa barangay Aguas sa bayan pa rin ng Rizal.
03:26Wala pa rin itong isang porsyento ng kabuoang haba ng proyekto na nasa 567 meters.
03:33Sisimulan daw bukas ang pagkukumpuni rito batay sa warranty commitments ng kumpanya.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended