- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Arrestado ang isang Chinese na nagbebenta o manoon ng mga peking pera sa Pilipinas
00:04na kadalas ay iniaalok niya sa mga kapwa dayuhan.
00:08Ang Banko Sentral ng Pilipinas may paalala sa publiko.
00:12Nakatutok si John. Konsulta.
00:18Pagkatanggap ng pera ng kanilang target,
00:20pinalibutan ng NBI Cybercrime Division at Banko Sentral ng Pilipinas ang dayuwang ito.
00:25Law Director of Incident.
00:27Hinuli ang dayuhan sa itrapid operasyon dahil sa pag-ibenta o manoon online ng mga pinaking Philippine currency.
00:34Dumalabas sa ating investigasyon na itong ating subject ay isang Chinese national.
00:41Overstaying na siya dito sa Pilipinas.
00:44Isa sa mga ibinibenta niya dito ay yung ating bagong series ng pera, yung polymer banknotes natin.
00:51Yung 100 pieces na 1,000 peso bill, binibenta niya ng 33,000.
01:00Kaliwaan yun. Kaliwaan, cash basis.
01:05Ayon sa NBI, kadalasang binibenta ng suspect ang kanyang mga kapwa dayuhan.
01:10Kadalasan, mabilisan at kaliwaan ang mga transaksyon.
01:14Pinailan natin siya ng violation ng Article 168 ng Revised Penal Code.
01:18Ito yung illegal possession and use of counterfeit banknotes in relation to RA-10175,
01:29yung Cybercrime Prevention Act dahil ginagawa niya itong transaksyon niya online.
01:35Paalala ng mga otoridad sa ating mga kababayan?
01:37Maging listo at mapanuri, lalo na ngayon nga, malapit ng panahon ng Kapaskuhan,
01:44suriin po natin yung mga pera na tinatanggap natin.
01:49Paalala ni BSP, magking mapagmatsag tayo sa mga fake money,
01:55especially nowadays na halos lahat ng bagay ay ibinibenta na online.
02:02So doon pa lang eh, pera ibinibenta online para kumita ng pera.
02:07Diba? Kaduda-duda ngayon.
02:09Para sa GMA Interviewed News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
02:16May kumikita umano kaya may mga kasong iniimbestigahan sa Ombudsman
02:20na may inordinate delays o labis ng naantala,
02:24ayon po yan kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
02:27Isa yan sa mga tinitrace na umano ng kanyang opisina.
02:31At nakatutok si Salima Refran.
02:32Nagulat mismo si Ombudsman Jesus Crispin Remulia sa halaga
02:39na hindi umano na-recover ng gobyerno sa mga sangkot sa katewalean,
02:44pero na-dismiss ang kaso dahil sa labis na pagkaantala.
02:48I got word that the government lost close to 600 billion pesos in cases
02:56because of inordinate delay.
02:58Hindi ko alam kung akaryo.
03:00Nanglaki yung mata ko, ano sinabi yan?
03:01Pero dapat tingnan natin eh.
03:05Para kay Remulia, may magagawa pa para pabilisin ang mga kaso.
03:09Walang matutulog dapat. Everything has to move.
03:11Yung mga losses ng government due to non-feesance.
03:17Kasi hindi natin ginagawa yung duty natin, we don't go all out.
03:20Dapat tumigil na yan.
03:22May kumikita rin umano para di umusad ang ilang kaso na tinitrace na nila.
03:27Mayroon pang sinasabing parking fee sa mga kasong pinafile, pinaparada lang, nawawala, natutulog ng ilang taon, tapos wala nangyayari.
03:37We have to stop this habit.
03:39Inordinate delay is an unreasonable, unjustifiable, and excessive lapse of time in the conduct of preliminary investigation or trial that violates the constitutional right to speedy disposition of cases.
03:53Justice delayed is justice denied, ika nga.
03:55Pero minsan, naaabuso rin ang pagmamadali sa paglilitis ayon sa isang eksperto.
04:02Minsan, nagiging excuse ito upang i-dismiss ang mga kaso laban sa mga makapangyarihan kapag yung gobyerno ay hindi ganun kaporsigido sa pagpoprosecute sa kanila.
04:14Kaya balak ni Rimulya na sinsinin na ang pangangalap ng ebidensya at case building sa pagoproseso pa lang ng reklamo bago pa ang mismong paglilitis.
04:23Plano niya rin paikliin ang evaluation ng mga reklamo sa tatlong araw na lang at ang preliminary investigation sa 60 days o dalawang buwan na lang.
04:33At kung ngayon, probable course o sapat na dahilan para kasuhan ng isang tao lang ang dapat maabot ng ebidensya,
04:40sa mga susunod, bago isang pangkaso, dapat sapat na ang ebidensya para makakuha ng tiyak na panalo sa paglilitis o conviction.
04:48Kaugnay ng flood control hearing sa Sandigan Bayan, may napagkasundoan na.
04:54Continuous trial ang aming hihingihan sa lahat ng kaso.
04:57Basta't nakompleto namin ang ebidensya na i-file namin doon, ready to litigate po kami at ready po kami ipresentan ang ebidensya.
05:07Para sa GMA Integrated News, Salima Refra, nakatutok 24 oras.
05:14Nakipagkasundo ang DPWH sa ilang grupo para mapadali ang pagsusumbong kaugnay ng katiwalian.
05:20Nakatutok si Mariz Umali.
05:22Sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects,
05:28pumirma ng kasunduan ang Department of Public Works and Highways o DPWH,
05:33Caritas Philippines ng CBCP, Mayors for Good Governance,
05:37at Taong Bayan's Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance o Tapat.
05:42Layo ng kasunduan na palakasin ang citizen-led oversight system,
05:46kung saan ang mga mamamayan, lokal na pamahalaan at simbahan ay magiging katuwang ng DPWH
05:52sa pagbabantay at pag-uulat ng mga irregularidad sa mga proyekto na infrastruktura sa buong bansa.
05:58Matagal nang nangyayari sa DPWH at iba pang ahensya sa gobyerno
06:02is because these things are done in secret.
06:06Kaya po nakapagnakaw ng bilyong-bilyon yung mga luko-luko dun sa 1st District ng Burakan,
06:12kasi siga-siga lang po yun eh.
06:13Kaya sa mga susunod na linggo ay ilulunsad ng DPWH ang isang online portal
06:18kung saan nakalista lahat ng kanilang proyekto, pati halaga ng mga ito, status at mga kontratista.
06:25Handa naman ang mga alkalde na magsagawa ng sariling investigasyon at verifikasyon sa mga proyekto
06:30sa kanika nilang nasasakupan.
06:31We have the mandate to make sure that any anomaly that comes to our attention,
06:36we can actually initiate investigation.
06:39And from there we can have the case folders prepared
06:42and after that we can turn it over to the ICI for them to review it and improve it further.
06:48On the side of, we will also furnish the DPWH.
06:51Sa pamamagitan nitong Social Action Ministry natin sa lahat ng dioceses all over the Philippines,
06:58ay tutulog kami sa proyektong ito na i-monitor, monitor yung mga project na ginagawa
07:08at maaring ghost project o maaring substandard project.
07:14This is a venue and an opportunity for people to channel their anger
07:21into a productive, sustainable audit and demand for accountability for our country.
07:29Para sa GMA Integrated News, Maris Umali, Nagtutok, 24 Horas.
07:32Mariing kinon din na ni Bulacan 6 District Representative Salvador Plato
07:38ang pagtukoy sa kanya ng ombudsman bilang sangkot sa umunoy anomalya sa mga flood control project.
07:44Ayon kay Plato, handa siyang makipagtulungan sa Anti-Money Laundering Council o AMLAC
07:50o sino mang otoridad para lumabas ang katotohanan.
07:53Hiling niya sa publiko, iwasang bumuo ng konklusyon o magpakalat na hindi verifikadong impormasyon
08:01na makasisira sa kanyang reputasyon.
08:04Kahapon, tinukoy ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia si Plato,
08:08pati ang magkapatid na sina Benguet Representative Eric Yap
08:12at ACT-CIS Partylist Representative Edvik Yap
08:15na nakatanggap umano ng pera mula sa mag-asawang kontratista na sina Curly at Sara Diskaya.
08:21Batay umano yan sa pagsusuri ng AMLAC sa daloy ng pera sa mga account.
08:27Wala pang pahayag ang magkapatid na Yap kaugnay nito
08:30pero dati nang itinanggi ni Eric Yap ang pagkakasangkot sa isyo ng flood control.
08:39Mga kapuso, nawala na ang low-pressure area na dating bagyong sa lume
08:43pero magiging maulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa sa weekend
08:47dahil sa iba't ibang weather systems.
08:50Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ
08:54ang umiiral sa Palawan, Visayas at Mendenau.
08:57Easterlies naman sa silangang bahagi ng Luzon
08:59at localized thunderstorms sa ibang bahagi ng Luzon.
09:03Umiiral din sa extreme northern Luzon
09:05ang shearline o yung pagsasalubong ng mainit na easterlies at malamig na north easterly winds.
09:11Bukas, umaga pa lamang, may ula na sa Luzon,
09:14particular sa silangang bahagi.
09:16Pagdating sa hapon, halos buong Luzon na ang ulanin.
09:19Sa Visayas, mula tanghali hanggang gabi, may posibilidad ng pagulan.
09:23Ganon din ang inaasakan sa Mendenau kung saan posible ang minsanang malalakas na ulan.
09:28Sa linggo, malaking bahagi rin ng Pilipinas ang ulanin lalo na pagdating ng hapon.
09:32Pusible ang may hina hanggang malalakas na pagulan sa ibang lugar lalo na sa Mendenau.
09:37Kaya maging alerto sa posibilidad ng pagbaka at paghuhon ng lupa.
09:41Sa Metro Manila, sa bandang hapon at gabi, posible ang pagulan ngayong weekend.
09:46Ayon sa pag-asa, posible sa susunod na linggo ay magsimula ng Umiiralang Amihan o North East Monsoon.
09:54Natuntun sa Quezon City ang isang construction worker na nahaharap sa kasong panggagahasa sa biliran.
10:01Nakatutok si James Agustin.
10:02Matapos ang halos 6 na taong pagdatago, naareso na ng pulisyang 42 anyo sa lalaking construction worker
10:11na wanted sa kasong rape sa Naval Biliran.
10:14Natuntun siya sa kanyang pinagtatrabahuhan sa barangay Bagbag no Valiches, Quezon City.
10:18Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na sa Metro Manila nagtatago ang akusado.
10:23Tinapo natin ang ating tracker team at nung tignan na manalaman na kasalukuyang,
10:31sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa isang construction site.
10:35So nung sinek natin sa construction site, na-confirm natin na siya nga yung may warrant o pares.
10:43Sa imbisigasyon 2019, nang kinasuhan ng akusado, nang nooy 19 anyo sa babaeng biktima,
10:48July 2020, nang inilabas ng korte ang arrest warrant laban sa kanya.
10:52Nung kinasuhan daw siya, umalis na siya sa bilirans.
10:58At pumunta na siya dito, nakipagtrabaho sa mga construction companies.
11:06Ang mga construction, ano kasi, walang inihinging police clearance.
11:12Una sa most wanted persons list ng Eastwood Police Station ang akusado.
11:16Ayon sa kanya, may relasyon umano sila ng biktima at nagkaanak pangaraw sila.
11:20Nag-uusap naman po kami ng babae, na parte sa ano namin.
11:28Pero kung parang ano lang yan po, kasi parang sinakyan lang po ng politika yan eh.
11:35Ano yung iba sa mga yan?
11:37Yung parang pinilit lang po ang babae na kasuhan po po ako.
11:42Kasi?
11:44Ganun na, mag-joa naman kami.
11:46Nakapag-return of warrant na ang polisya,
11:48at hinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
11:51Para sa GEMI Integrated News, James Agustin, Nakatuto, 24 Horas.
12:03Nakahanda na ang draft ng Napolcom Resolution para imbestigahan ang mga polis
12:08na idinawit sa kaso ng mga nawawalang sabogero.
12:11Ayon kay Napolcom Vice Chairman and Executive Officer Rafael Kalinisan,
12:17itinitiyempo lamang ng komisyon ang paglalabas ng desisyon sa resolusyon ng Justice Department.
12:22Hindi muna ilalabas ng Napolcom ang resolusyon nila para madaling mahabol ang mga sangkot
12:27sakaling ipaaresto sila ng korte.
12:30Kumpiyasa naman ng Napolcom na matatapos nila ang pagdedesisyon sa loob ng 60 araw.
12:36Hindi lang swimming ang ine-enjoy ng ilang bumibisita sa Taloc Falls sa Lasam, Cagayan.
12:46Agaw pansin kasi ang bahagi ng falls na tila hugis mukha ng tao.
12:51Ang malaking rock formation na yan, kahawig ng mga muay statue na matatagpuan sa Eastern Island sa Chile.
12:58Labing dalawang metro ang taas ng falls na may malinaw at malamig na tubig,
13:04kaya perfect para sa mga gustong mag-unwind.
13:07Sabi ng mga bumisita,
13:08mga ilan-ilan pa lang ang nakakapunta sa lugar dahil sa layo nito mula sa bayan,
13:13pero worth it naman dahil sa ganda ng tanawin.
13:17Ilang pang mambabatas ang naglabas ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth,
13:23kabilang sila Senador Sherwin Gatchalian at Kiko Pangiliran.
13:27Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
13:28Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-IN,
13:36lumalabas na nasa mahigit 89.5 million pesos ang halaga ng yaman ni Senador Wynn Gatchalian o Net Worth.
13:44Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang liabilities.
13:48Nasa mahigit 38,000 pesos ang idineklara niyang cash sa banko.
13:53Konting movement lang naman yung aking assets because nung naging public servant ako,
13:59hindi ako masyadong, wala naman masyadong personal activity.
14:04So nagbenta lang ako ng shares, I think mga 6 years ago, 7 years ago.
14:10And then after that, wala naman masyadong movement.
14:13Sabay naman naglabas ng SAL-IN si na Liberal Party Chairperson Sen. Kiko Pangilinan
14:18at mamamayang Liberal Partyist Representative Laila Delima.
14:23Mahigit 26.7 million pesos ang halaga ng mga yaman ni Pangilinan.
14:27Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang utang.
14:32Hindi natin maaaring hilingin ang transparency kung hindi natin ito isa sa buhay.
14:39Hindi natin maaaring kondinahin ang katiwalian habang kinukonsinti natin ito sa sariling bakuran.
14:4910.7 million pesos naman ang halaga ng mga yaman ni Delima.
14:53Ito rin ang kanyang net worth dahil wala rin siyang idineklarang liabilities.
14:57With the example already shown by the speaker, umaasa kami na mas marami pa ang susunod na i-disclose na huwag nang maghintay ng either batas
15:09o maghintay ng requests from anyone, from any citizen or from media.
15:16Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Oras.
15:22Break muna sa bakbakan at aksyon si Sangre Dea, Angel Guardian, dahil in her singer era muna siya para sa musical film na The Heart of Music.
15:35At makakasama rin niya rito si Gladys Reyes at ilan pang kapuso.
15:40May chika si Aubrey Carampel.
15:41Kasunod ng sakripisyo ni Perena, mabigat ang pinagdadaanan ng mga Sangre, lalo na si Flamara na naghihinagbis at nais ipagiganti ang kanyang ina.
15:59May guilt feeling din si Tera na siyang iniligtas ng kanyang Ashti.
16:03Pati na si Dea, dahil ang kanyang inang si Olgana ang pumaslang kay Perena.
16:08Siyempre kailangan talaga magsama-sama yung mga Sangre para mabuo o maprotektahan ang Encantadia.
16:16Ano nga ba ang isang brilyante kung wala ang tatlo, diba?
16:19So maraming mangyayari but it's part of the story.
16:23So sana sabay-sabay pa rin at tuloy-tuloy pa rin kumapit ang mga tao.
16:27Dahil kahit na may mabibigat at malulungkot na pangyayari, meron at meron pa rin pong matutunguan yun.
16:34Bukod sa Encantadia Chronicles Sangre, mapapanood din si Angel sa musical film na The Heart of Music.
16:41Dumalo siya sa red carpet premiere ng pelikula kagabi.
16:45Dito raw, napasabak naman siya sa kantahan.
16:48Excited ako actually na mapanood kasi dahil nga first time kong gumawa ng ganito.
16:53Alam ko na naririg yung music.
16:56Parang may mga sinashowcase sila ng mga song na kinakanta natin ng bata pa tayo
17:01para ma-share yun sa mga generation ng katlo.
17:04Kasama ni Angel at Bida sa pelikula, si Cruise vs Cruise star Gladys Reyes
17:09na masaya raw na maipakita ang ibang side ng pagiging artista.
17:14Grateful din siya sa support ng kanyang Cruise vs Cruise family na present sa premiere.
17:19My first musical, light drama and ibang-ibang ako yun talaga.
17:25Ibang-ibang Gladys na sanay silang nakikipagbugbogan ako sa Cruise vs Cruise, di ba?
17:30At maraming salamat po pala sa napakagandang pagtanggap niyo po sa amin sa Cruise vs Cruise.
17:35Kaya nga na overwhelming din kasi yung support sa akin ng aking Cruise vs Cruise family there here.
17:40Nandito si Manuel. Sabi ko na nga pa, Manuel, mahal mo talaga ako.
17:44Kasama rin sa cast ang kanyang Cruise vs Cruise co-stars na sina Jenny Gabriel at Elijah Alejo na may duet with Gladys.
17:52Kasi nagte-theater ako. Tapos to do it sa big screen na makikita ng lahat, it's so fulfilling.
18:00First musical din ito ng Sparkle Stars na sina John Lucas at Sean Lucas.
18:05Dumalo rin sa premiere ng iba pang Kapuso Stars.
18:08Pero dahil sobrang nagandahan po ako sa storya, tinanggap ako ng producer, ng director na bilang cast po dito,
18:16kaya di ako sobrang singer. So 100% binigay ko po yung best ko dito sa movie po na ito.
18:21Nakakatouch naman na they took time out of the days just to see this movie.
18:25Aubrey Carampel, updated sa showbiz sa Appenance.
18:30Tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na pabibilisin nila ang pagsisiyasat sa anomalya sa mga flood control project.
18:38Sa pagdinig ng kumite sa Senado sa mahigit 6 na bilyong pisong panukalang budget ng Ombudsman,
18:44sinabi ni Remulia na posibleng abutin lang ng 60 araw ang preliminary investigation.
18:51Kumpara yan sa karaniwang 6 na buwan hanggang isang taon.
18:54Ayon pa kay Remulia, isa rin ang paggamit ng artificial intelligence sa tinibitid na nila para mapabilis ang proseso ng investigasyon
19:04dahil sa malalaking bulto ng mga dokumento.
19:07Anya, magandang oportunidad din na magamit ang teknolohiya sa pagsawatan ng korupsyon.
19:14Kinumpirma ng Foreign Affairs Department na dadalo si Pangulong Bongbong Marcos sa 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
19:21Ayon sa tagapagsalita ng DFA, makikibahagi ang Pangulo sa pagpupulong ng mga leader
19:26at sasaksi ang pirmahan ng ilang kasunduan tulad ng pagdeklara sa Timor Leste bilang ikalabing isang miyambro ng ASEAN.
19:34Tungkol naman sa tumitindintensyon sa West Philippine Sea, sabi ng DFA, hindi nila pwedeng pangunakan ang magiging pakayag ng Pangulo.
19:41Pero tiniyak nilang tatalakay ng usapin sa Kapayapaan, Seguridad at Kooperasyong Pandagap.
19:47Sa pagtatapos ng summit sa October 28 ay ipapasa na rin ng Malaysia ang ASEAN chairship sa Pilipinas.
19:57Wala pong sinisino ang stress sa buhay at hindi po kahinaan.
20:01Ang makaramdam ng ganyan, mga kapuso ha?
20:04May iba-ibang paraan ang mga Pilipino para labanan ng stress batay sa survey ng social weather stations.
20:11Alamin po sa pagtutok ni Mark Salazar.
20:16Kapuso, paano ka nagtatanggal ng stress?
20:19Yesterday po nagpipray po ako.
20:20Rosary, very effective.
20:24Kaya walang stress na stress na diba?
20:27Tulog lang.
20:28Tulog lang.
20:29Tulog pa yun nga.
20:30Sumasyat lang, konti.
20:32Tapos, kumakanta, medyo okay.
20:34Kain, stress eating kasi masarap kumain.
20:38Di yan na lalayo sa resulta ng survey ng social weather stations nitong September.
20:43Dasal ang pangunahing stress reliever na isinagot ng 16% ng adult Filipinos.
20:5014% ang nagsabing ipinapahinga o itinutulog nila ang stress.
20:5411% ang lumalabas.
20:56Pero meron din panlaban ng positive thinking, pagfofocus sa trabaho at paglalaan ng oras sa pamilya.
21:04Kumakatawan si Janet sa Pilipinong dumaraan sa mabigat na stress at sumasandig sa dasal.
21:10Yung mga problema ko sa family ko at saka yung nagkaroon ako ng hindi magandang ano sa province namin.
21:17Malay, nalulun ako sa bisyo.
21:20May time na talaga na kaya mo nang bumitaw pero kailangan ka lang ibigay lahat sa Panginoon ng puso mo.
21:30Si Mang Renato naman inuunahan na raw ng dasal bago pa dumating ang stress sa kanya.
21:36Iyon naman talaga ang kultura ng isang Pilipino na magdalangin talaga sa araw-araw kung kailangan araw-araw.
21:45May stress o wala?
21:47May stress o wala.
21:49Sabi rin ng survey, mas maraming babae kaysa sa lalaki ang nananalangin bilang stress reliever.
21:55Sabi ng survey na ito sa mga babae, panalangin ang una and pangalawa sa kanila ay pinapahinga at ang iba naman ay positive thinking lang.
22:06Pero sa mga lalaki, una dyan pinapahinga talaga ang stress, itinutulog ang stress.
22:12Susunod sa kanila, gumigimik para makalimot ng stress.
22:16Panghuli pa yung panalangin.
22:18Mabigat na isyo ngayon ng mental health, lalo't 34% na ngayon ng adult Filipinos
22:24ang dumaranas ng madalas na stress.
22:27Mas marami kumpara sa 27% bago ang pandemia.
22:32Pera ang pinakanakakastress.
22:34Batay rin sa isang survey ng SWS na nauna nating naiulat.
22:38Money.
22:41Eh kung wala pang sweldo.
22:45Siyempre ang mamahal ngayon ng mga bilihin.
22:49Ganun din, walang pera, walang trabaho.
22:52Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
23:00Pakinggan naman natin ang boses ng mga kapuso online kung paano sila magdistress.
23:06Gaya po ng top answer sa survey ng SWS,
23:09ang pagdarasal din ang nangungunang coping mechanism ng mga netizen para labanan ng stress.
23:15Prayer paired with music, K-drama o di kaya ang simpleng pag-inhale at exhale at pag-iisip sa kanilang mahal sa buhay ang sagot ng ibang commenter.
23:26Meron din mga nagsabi na ang pagkain, ang kanilang stress reliever.
23:31Kape is life naman ang ilang netizen kapag nasa stress.
23:34Para naman sa isang fur parent, nakakawala ro'n ng stress ang pag-aalaga ng kanyang pet cat.
23:42At ang iba naman ay naglilibang sa iba't ibang aktibidad gaya ng running at panunood ng mga pelikula.
23:49Pero ano't anuman, tandaan hindi kailangan mag-isa kayong lumaban kung sobra na po ang epekto ng stress.
23:55Maaring humingi ng tulong sa mga kakilala o mga eksperto.
24:00Mga kapuso, pwede mo rin iparinig ang boses mo sa mga social media account ng 24 Horas.
24:07Ipinagluluksa po ngayon ang pagpanaw ng social media personality at artist by status by sparkle na si Emmanuel Atienza,
24:15anak ng ating kasama rito sa 24 Horas na si Kuya Kim.
24:19Mensahe ng pamilya ni Eman,
24:20Laway isa-buhay ng bawat isa ang mga katangian ng compassion, courage, and a little kindness sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
24:30At kasabay ng aming taus-pusong pakikiramay,
24:33atin pong balikan ang masasayang alaala na iniwan ni Eman Atienza.
24:43Adventurous.
24:46Full of life.
24:48Artistic.
24:49At expressive.
24:52Ganyan na kilala ng marami ang social media personality at status by sparkle artist na si Eman Atienza.
24:59So excited for this opportunity.
25:02Anak si Eman ng mga kilalang personalidad na sina kapuso host and news personality Kuya Kim Atienza.
25:08At Philippine Eagle Foundation President Felicia Aung Atienza.
25:13Apo siya ni dating Manila City Mayor Lito Atienza.
25:16Maha.
25:17Hi guys, I just moved to LA and I wanted to...
25:21Pero bumuo ng sariling pangalan si Eman bilang isang content creator.
25:26Tila full of sunshine si Eman para sa kanyang libu-libong followers sa social media.
25:31Magandang gabi ulit mga kapabayan.
25:33Magandang gabi ulit mga kapabayan.
25:34Na binansagan ng netizens bilang conyo final boss dahil sa kanyang kwelang accent pag nagsasanita ng Filipino.
25:42Marunong naman ako mag-Tagalog na yun.
25:45Hindi, hindi kaya.
25:47Kaya naman ako mag-Tagalog.
25:49Hindi, marunong.
25:51Marami sa content ni Eman ay tungkol sa kanyang active lifestyle.
25:56Kabilang sa mga hilig niya ang calisthenics at rock at wall climbing.
26:01Talented din sa visual arts si Eman na nagtapos ng intensive design course sa New York.
26:08Kita rin ang kanyang artistic side sa kanyang everyday OOTB na bahagi rin ng kanyang pagiging expressive.
26:15Vocal si Eman sa iba't ibang issue o kaya nagbibigay siya ng hot takes.
26:20Ang isa sa mga paksang pinaka-open siya ang tungkol sa kanyang mental health.
26:34Nitong nakaraang buwan, nag-post siya sa kanyang IG broadcast channel na nag-social media break siya
26:41dahil nakakaramdam daw siya minsan ng anxiety kapag nagpo-post siya sa social media.
26:48Na ginagawa lang naman daw niya for fun at para i-express ang kanyang sarili.
26:54Bumalit din siya sa social media at ibinahagi ang kanyang buhay ngayon sa Amerika.
27:02Pero kanina, malungkot na ibinalita ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Eman sa edad na 19.
27:09Ayon sa kanyang pamilya, lubos na kasiyahan at pagmamahal ang dinala ni Eman sa kanyang buhay at sa lahat ng mga nakakakilala sa kanya.
27:21Lagi raw niyang ipinararamdam sa kahit na sino na may nakikinig sa kanila at hindi siya natakot na ibahagi ang kanyang mental health journey.
27:31Nakatulong daw ang kanyang pagiging totoo para maramdaman ng iba na hindi sila nag-iisa.
27:37Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati mula sa kanyang Sparkle GMA Artist Center family,
27:44kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
27:48Inalala nila ang kabutihan at ang masasayang alaala na naiwan sa kanila ni Eman.
27:55At mahal kita ang mga kababayan.
27:58Hiling ng pamilya Atienza, alalahanin si Eman sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kanyang mga katangian tulad ng kanyang malasakit,
28:11katapangan at paggawa ng kabutihan sa araw-araw.
28:22Sanghalan po ng GMA Integrated News, lubos po kaming nakikiramay sa pamilya ni Eman.
28:28At sama-sama po natin ipagdasal ang pamilya Atienza.
28:35At yan po ang mga balita ngayong Bernes.
28:37Ako po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
28:39Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
28:41Ako po si Emil Subangila.
28:43Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino, nakatuto kami 24 oras.
28:49Mula po sa GMA Integrated News.
Comments