Skip to playerSkip to main content
Sa pagpupugay sa araw ng kabayanihan ni dating Senador Ninoy Aquino, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na handa ang republika para sa isang lideratong nagsisikap para sa reconciliation.Pero para sa apo ni Ninoy, walang reconciliation kung walang hustisya at pagkilala sa kalupitang nagawa noon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pagpupugay sa araw ng kabayaniha ni dating Sen. Ninoy Aquino,
00:05sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na handa ang Republika para sa isang lideratong nagsisikap para sa reconciliation.
00:14Pero para sa apo ni Ninoy, walang reconciliation kung walang hostisya at pagkilala sa kalupitang nagawa noon.
00:23Nakatutok si Darlene Kai.
00:25Sa mismong paliparan kung saan binaril at pinatay si Sen. Ninoy Aquino sa araw na ito noong 1983,
00:38nag-alay ng bulaklak ang mga taga-suporta sa kanyang marker ngayong ika-apatnaputdalawang anibersaryo ng kanyang kabayanihan.
00:45Doon, inalala ng pamangkin niyang si Sen. Bam Aquino kung paanong pumalag si Ninoy sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Barco Sr.
00:52at kung paanong ang pagkamatay niya ang naging mitya ng mga protesta na nauwi sa 1986 People Power Revolution
01:00na tumapo sa 20 taong pamumuno ng nakatatandang Marcos.
01:04Yung ibang mga pinagalaban niya, gaya ng good governance, mas patas na lipunan, alam ho natin hindi pa natin nakakamit.
01:11Kailangan sama-sama tayo dito.
01:13Ang pagpupugay kay Aquino isinasagawa ngayong nakaupo sa Malacanang ang anak ng dating Pangulo.
01:19Malaman ang mensahe ni Pangulong Bobo Marcos sa pakikisa sa paggunita sa araw na ito.
01:25Sabi niya, sa paglipas ng panahon, nagkakaroon daw ng mas malinaw at mas malalim na perspective ang bansa.
01:31At mula sa pagdinilay, lumalabas ang mas malinaw na pagunawa sa civic duty.
01:37Sumailalim din daw ang Pilipinas sa isang transformation kung saan mayroong mas malawak na pagtalakay sa kapangyarihan,
01:42alaala at citizenship.
01:45Nangyayari raw ito kapag pinipiling harapin ang kasaysayan ng buo ang loob.
01:49Sa mga ito, mas naintindihan daw ng Pangulo kung paano maglingkod, makinig at pasanin ang kanyang tungkulin ng mas may malaking layunin.
01:58Kaya ang araw na ito daw ay isang imbitasyon na mamuno ng mahinahon, may konsensya at pagtingin sa inaharap.
02:05Nagkakaroon daw ng kahulugan ng mga leksyon ng nakaraan kung sasalaminin ito ng ating mga aksyon.
02:11Sa pagpupugay anya sa Ninoy Aquino Day, inihuudyat ng Republika ang kahandaang isulong ang liderato patungo sa reconciliation o pagkakasundo.
02:21Samisa para kay Ninoy sa kanyang puntod sa Paranaque, nagbigay ng tugon para sa pamilya ang kanyang apo na si Kiko Aquino D.
02:28I think we've been consistent that there's no reconciliation without justice. So for as long as there's no recognition of the atrocities that were committed under the Marcos dictatorship,
02:39I have a hard time. Siguro ano, parang hope springs eternal po pero for as long as there's no such recognition, I don't think there's much to say between our two families.
02:49Hinihinga namin ang reaksyon ng palasyo kaugnay nito.
02:52Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay Nakatutok, 24 Oras.
02:58Hinihinga namin ang reaksyon ng palasyo kaugnay nito.
Comments

Recommended