Skip to playerSkip to main content
Pagpalakas sa kooperasyon tulad sa national defense ang ilan sa mga kasunduang nilagdaan sa state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa India.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagpalakas sa kooperasyon tulad ng National Defense,
00:05ang ilan sa mga kasunduan nilagdaan sa state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa India.
00:11Mula pa rin sa New Delhi nakatutok live, si Salima Lafray.
00:16Salima?
00:20Mel, namaskar dyan sa inyo sa Pilipinas.
00:23Alas 4.30 na nga ng hapon dito sa New Delhi,
00:25kung saan labing tatlong mga kasunduan ang pinirmahan ng Pilipinas at India
00:30ngayong ikalawang araw ng state visit ng Pangulong Bongbong Marcos.
00:38Puno ng kultura ang ceremonial honors para kay Pangulong Bongbong Marcos
00:42nang bumisita siya sa Rastrapati Bhavan, ang presidential residence ng India.
00:48Formal siyang tinanggap ni ng Indian President Drupadi Murmu at Prime Minister Narendra Modi
00:53at iba bang matataas opisyal ng India.
00:56Kasama rin ang Pangulo si First Lady Lisa Araneta Marcos
00:59at ilang niyembro ng gabinete.
01:01I think it is a reaffirmation of the alliance and the partnership that we are strengthening.
01:09Sa Hyderabad naman ay nagpulong sila ni Prime Minister Modi.
01:12Hinarap din sa kanila mga kasunduan,
01:14kabilang ang deklarasyon ng strategic partnership ng dalawang bansa
01:18at plan of action sa implementasyon nito.
01:21Apat sa mga kasunduan ay tungkol sa pagpapalakas ng national defense.
01:26May tatlong terms of reference para sa pag-uusap ng mga sandatahang lakas
01:30ng Pilipinas at India
01:31at mas pinagting na maritime cooperation sa mga Coast Guard ng dalawang bansa.
01:35May mga kasunduan rin sa digital technology, science and technology,
01:40legal assistance, at transfer ng sentence persons, tourism, culture, at space research.
01:46We express satisfaction over the rapid pace of the Philippines' ongoing defense modernization
01:52and expanding capabilities and footprint of India's indigenous defense industry
01:58as a partner in this undertaking, exemplified by our BrahMos project.
02:04India and the Philippines are friends by choice and partners by destiny.
02:13From the Indian Ocean to the Pacific, we are united by shared values.
02:22Nagpasalamat rin ang Pangulo sa tulong at support ang binibigay ng India sa Pilipinas
02:26tulad ng declaration of support nito sa Orbital Award ng Pilipinas sa South China Sea
02:31at pagligtas sa mga tripulanting Pinoy na binihag ng huti.
02:35Dumaan din ang Pangulo at ang kanyang delegasyon sa Rajgat o Mahatma Gandhi Memorial.
02:42Suot ang tradisyonal na telang tsinela sa mga Indian at alinsunod sa tradisyon
02:47nag-alay ng bulakangulo at unang ginang sa tinaguriang ama ng Indian independence.
02:52Alam mo, Mel, hindi pa tapos ang araw ng Pangulong Bongbong Marcos.
03:01Yan ay dahil makikipagpulong siya ngayong gabi sa Barta Janta Party.
03:05Ito yung pinakamalaking political party dito sa India.
03:09Yan ay bago siya makipagpulong kay President Mormu ng India.
03:13At yan muna ang latest, mula nga dito sa New Delhi.
03:15Mel.
03:16Maraming salamat sa iyo sa Lima Refran.
03:18Maraming salamat sa iyo sa hindi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended