Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Nagsimula nang ilikas ang ilang residente sa Cagayan dahil sa hagupit ng Bagyong Crising bago pa ito mag-landfall.
May mga binahang kalsada at may inanod pang sasakyan dahil sa umapaw na ilog.
May live report si James Agustin.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsimula ng ilikas ang ilang residente sa Cagayan dahil sa hagupit ng bagyong krisin,
00:05bago pa ito mag-landfall.
00:07May mga binahang kalsada at may inanod pang sasakyan dahil sa umapaw na ilog.
00:12May live report si James Agustin.
00:15James!
00:18At ang maghapong naging masungit ang panahon sa buong lalawigan nitong Cagayan.
00:26Tumagilid bago tuluyang inanod ng bahaang jeep na iyan,
00:29sa Peña Blanca sa Cagayan.
00:31Ayon sa Cagayan Provincial Information Office,
00:34sinubukan tumawid ng jeep sa ilog pero nabalahaw.
00:36Mabuti't wala itong sakay.
00:39Isang ipo-ipo naman ang nabuo sa Apari Cagayan.
00:42Walang sugatan o nasirang bahay sa ipo-ipong tumagal ng ilang minuto.
00:46Sa Santa Teresita, halos zero visibility sa ilang kalsada.
00:51Malakas din ang ulan sa bayan ng Gataran at Kalayan.
00:54Sa igig hanggang gator ang baha sa ilang kalsada.
00:57Malakas na hampas ng alon ang naranasan sa bahay ng Gonzaga.
01:01Kaya ang ilang nakatira sa tabing dagat sa Barangay Bawa, pinalikas na.
01:05Pinaalala namin yung bahay namin, sir.
01:08Pero linikas po kayo.
01:09Oo.
01:10Ang nanay niyang senior citizen na una ng lumikas.
01:13Dahil sa pangambang, abuti ng malakas na alon.
01:15Malakas sa alon sa dagat, sir.
01:20Lumalaki na ngayon.
01:22Kaya pimunta kami dito.
01:24Ang ilan hindi pa rin lumikas.
01:26Pero handa naman daw sila anumang oras.
01:28Pag magiging worse na siguro,
01:31o kaya makita namin na hindi na maganda yung panahon,
01:33that's the time na dilikas na kami, sir.
01:35Si Honrado nang mumroblema sa pagkain dahil dalawang araw nang di makapangisda.
01:40Mahirap.
01:41Dito kami nakastalalay sa pagkain namin.
01:44Sa bayan ng Santa Ana,
01:45nagsimula ng umapaw ang tubig sa ilang bahagi ng paaralang ito.
01:49Walong flood-prone barangay sa Santa Ana ang binabantayan.
01:51Kaya inihanda ng ilang rescue equipment.
01:58Samantala, pabugso-bugso yung pagulan
02:01at malakas yung hangin na naranasan dito sa bayan ng Santa Ana, Kagayan.
02:05Ngayong gabi, umabot na po sa labing tatlong pamilya
02:08yung kailangang ilikas.
02:10Yan mo na ilitas mula dito sa lalawigan ng Kagayan.
02:12Balik sa'yo, Atom.
02:14Maraming salamat at ingat, James Agustin.
02:18Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:21Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
02:24Outro

Recommended