00:00In-inspeksyon ng mga opisyal ng Department of Transportation at Department of Budget and Management
00:04ang ilang transport facilities sa Quezon City.
00:08Kasama na dito ang mga proyekto sa elliptical road hanggang Commonwealth Avenue.
00:14Si Bernard Ferrer sa detalye.
00:18Mas ligtas at mas maayos sa bike lane.
00:22Ito kaagad ang napansin ang magkaibigang siklista na si Lance at Aldridge
00:25ng unang besa lang madaanan ang elliptical road sa Quezon City.
00:29Bilang siklista po, nagiging safe po para sa amin yung daan po at iwas po sa desigrasya.
00:36Mas nafe-feel namin na mas secure kami at ligtas sa road
00:40kasi di na namin kailangan makipagsabahan sa mga sasakyan ng malalaki at dinaktao.
00:46Ang bike lane ay bahagi ng active transport facilities na in-inspeksyon
00:50ni na Department of Transportation Secretary Vince Dizon
00:53at Department of Budget and Management Secretary Amena Pangandaman.
00:57Kabilang sa mga pasilidad ang mga bagong public utility vehicle o POV stops,
01:03directional island,
01:04at mga pinalawak at pinagandang sidewalk.
01:07Binibigyan po natin lahat ng mga local government units,
01:10especially yung mga highly urbanized ng pondo
01:13para magkaroon ng kanilang mga pocket parks
01:15and at the same time, bike lanes and walkable areas.
01:19Ang buong proyekto ay mula Elliptical Road hanggang Commonwealth Avenue
01:23na kabuang halaga na P171 million pesos.
01:27Sisimulan na rin ngayong taon ang Phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project
01:31na sasaklaw sa mga stasyon ng North Avenue,
01:34Guadalupe, Bagong Baryo at Monumento.
01:38Nagkakahalaga ito ng P212 million pesos.
01:41Kasunod ito ang Phase 2 para sa tatlong stasyon,
01:44kabilang ang pagtatayo ng mga bagong stasyon sa Cubaw
01:47at sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
01:51Kaya nga pinigin natin yun as two new stations
01:53kasi nga madaming sumasakay doon.
01:55So, and ngayon, as of today,
01:58wala ka pang stasyon doon sa dalawang areas na yun.
02:00Layunin ang proyekto na mas mapabuti ang accessibility
02:03para sa mga senior citizen at persons with disabilities o PWDs
02:08kabilang ang pagkakaroon ng elevator.
02:10Ilan sa mga gagawin sa Elsa Busway
02:12ang pagpapalawak at pagpapaganda ng station platforms,
02:17pagpapalit ng mga lumang waiting shed at railings,
02:20relocation at restoration ng mga equipment tulad ng mga orasan.
02:24Gayun din ang pagtatayo ng guard janitor at traffic officer station post,
02:28paglalagay ng vertical louvers,
02:31tuck tiles at floor tiles,
02:33at pagkakaroon ng station name at wayfinder signages
02:36kabilang ang transit map at fair matrix standee.
02:39Planong tapusin ang rehabilitasyon ng lahat ng stasyon
02:42ng Elsa Busway sa susunod na taon.
02:45Bukod dito, nakatakda nang simulan ang rehabilitasyon
02:48ng kontrobersyal na kamuling footbridge
02:49para gawing ligtas at madaling madaanan.
02:52Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.