00:00At ito naman good news para sa mga sumasakay po ng motorcycle taxis dahil
00:04pinag-aaralan na po ng Department of Transportation o DOTR
00:08ang posibilidad na gawing permanenteng transport options sa bansa
00:13ang mga motorcycle taxi.
00:15May report si Bernard Ferrer.
00:20Madalas sumakay ng motorcycle taxi si Zinch
00:23tuwing may lakad o papasok sa eskwelahan mula Commonwealth Avenue sa Quezon City
00:28patungo ang Espanya-Manila.
00:30Ayon sa kanya, mahalaga ang bawat minuto kaya't mas pinipili niya
00:34ang motorcycle taxi para sa mas mabilis at komportabling biyahe
00:38lalo na't hindi maiwasan ang trapiko sa Metro Manila.
00:42Kaya naman welcome development para kay Zinch
00:43akbang ng Department of Transportation o DOTR
00:46na pag-aralan ang posibilidad na gawing permanenteng transport option
00:50ang mga motorcycle taxi.
00:52Ngayon pa man, may mungkahi siya sa ahensya.
00:55Kailangan po siguro natin lagyan ng mga safety measures,
00:59talagang pandiinan po ng mga training para sa ating mga motorcycle drivers,
01:05yun po, tsaka may mga seminars po dapat.
01:08Malaking bagay rin para sa mga rider tulad ni Kim
01:11kung tuluyang gagawing legal ang mga motorcycle taxi.
01:14Anya, lalo ito makatutulong sa kanyang kabuhayan.
01:17Extra income lang po ito. Malaking tulong din po sa...
01:20Maganda bakita.
01:21Maganda naman po.
01:22Naniniwala rin ang grupo ng mga motorcycle taxi
01:25na panahon na para sa formal na regulasyon sa kanilang sektor.
01:28Isa ito sa mahakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter
01:32at maitaas ang ang tasang serbisyo sa publiko.
01:34Hanggang ngayon, 99.997% pa rin yung aming safety record.
01:39In-audit yan kada taon ng third party.
01:43Insurance has improved as well in terms of the coordination.
01:46Meron tayong emergency response team.
01:48Pati yung overall training at ongoing training ng mga bikers.
01:51Aabot na sa 30,000 ang mga rider ng angkas
01:54sa kasalukuyang nakatatanggap na mga binipisyo
01:56tulad ng PhilHealth, SSS at Pag-ibig Fund.
01:59Inaasahan ang desisyon ng DOTR ay magdudulot ng positibong epekto
02:03hindi lamang sa mga commuter,
02:05kundi maging sa mga Pilipinong gumagamit ng motosiklo
02:08bilang pangunayang hanap buhay.
02:10Matatandang taong 2019 nang sinimulan ang pilot study
02:13para sa mga motorcycle taxi
02:14na in-extend ang kongreso upang higit na papag-aralan operasyon at epekto nito.
02:19Ayon kay DOTR Secretary Vince Disson,
02:22patuloy ang kanilang konsultasyon sa mga motorcycle taxi operators
02:25at stakeholders upang mabuo ang mas maayos
02:28at komprehensibong regulatory structure.
02:30Inaasang maglalabas ng Department Order ang ahensya
02:33sa lalong madaling panahon.
02:35Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.