00:00Sa ating balita, nadagdagan pa ang mga komunidad na masisilwihan ang bagong patient transport vehicle sa PTV ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
00:11Kanina, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng 124 unit na muling ihahatid sa mga lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas.
00:22Ayon sa Pangulo, ito'y bahagi pa rin ng pagsisikap ng pamahalaan na maihatid ang maayos na servisyong medikal sa lahat ng mga Pilipino, lalo na sa malalayong lugar.
00:33Sa paghahatid ng mga PTV, aabot na sa 1,297 units ang naipamahagi sa buong bansa, katumbas ng 75% ng lahat ng lalawigan.
00:46Bago ito, noong Agosto 1, 2025, naipamigay ng PCSO ang 106 unit sa Zamboanga Peninsula, Isabela City at Lano del Sur.
00:59Ang bawat sasakyan ay may kompletong kagamitan, kabilang ang stretcher, oxygen tank, wheelchair, first aid kit, blood pressure monitor at medicine cabinet.
01:10Layunin ito na makapagbigay ng agarang lunas at ligtas na transportasyon para sa mga pasyente, lalo na sa mga liblib na komunidad.