Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isinasapinal na ng Senado ang random drug testing policy nito matapos mapaulat na may isang empleyado ang gumamit umano ng marihuana.
00:08Itinanggi ni Nadia Montenegro na siya ang tinutukoy na empleyado.
00:11Nagbiti na rin siya bilang tauhan ni Sen. Robin Padilla.
00:15Balita hatid ni Mav Gonzalez.
00:20Nag-resign na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen. Robin Padilla
00:25isang araw bago ang deadline para magpaliwanag siya sa investigasyon ng Office of the Senate, Sergeant at Arms o OSAA
00:31sa kung gumamit ba siya ng marihuana sa Senado.
00:34Pero pumalag siya sa anya'y malisyosong pagkalat online ng incident report ng OSAA
00:39kaya anya siya hinatulan ng publiko kahit walang due process.
00:43Pinangalanan kasi siya sa OSAA incident report.
00:46Bago nito, kumalat muna sa isang online article
00:49ang paggamit umano ng isang Senate staff ng marihuana sa banyo ng Senado
00:53pero walang pinangalanan.
00:55Naghain ang paliwanag si Montenegro
00:57at itinangging siya ang pinatutungkolan sa article.
01:01Wala anyang insidente na may tauhan ng OSAA na pumunta sa opisina nila
01:05na nagtanong sa kanya ukol sa amoy ng marihuana galing sa banyo.
01:09Wala rin anyang incident report ukol dito na isinumite ang OSAA personnel.
01:13Napakasakit anya na dinungisan at sinira ang kanyang reputasyon
01:17ng isang istoryang ayon sa kanya ay hindi naman totoo.
01:20Baga man nag-resign, hindi anya ito pag-amin ng kasalanan.
01:24Pagpapakita lang anya ito ng respeto sa Senado at sa opisina ni Senador Padilla
01:29para hindi na lumaki pa ang issue at makapagfokus ang Senado sa mahalagang trabaho nito.
01:34Tinanggap na ni Padilla ang kanyang pagbibitiyo.
01:37Hiniling na ni Senate Minority Leader Tito Soto
01:40kay Senate President Cheese Escudero
01:41ang random drug testing sa mga opisyal at empleyado ng Senado.
01:45Sabi ni Escudero, may ganitong intensyon na at may kasunduan sa East Avenue Medical Center kukul dito.
01:52Dagdag niya, ginawa na rin ito noong 2018 hanggang 2020
01:56pero may naghain ng administrative at iba pang kaso
01:59dahil panghihibasok o mano sa karapatan ng ilang empleyado.
02:03Ngayon, isinasapinal na ang bagong polisiya sa mandatory random drug testing.
02:07May mga voluntaryo na rin nagpa-drug test o magpapa-drug test.
02:10Pag wala naman kayong tinatago, bakit matatakot?
02:14I-encourage ko po ang lahat ng mga senador at kanila mga opisina na magpa-drug test na.
02:19Para sa ganun ay talagang mawawala ng duda na mag-nagdudurog dito sa ating Senado.
02:28No ifs, no buts. Kahit na sino pa yung pag nag-positive, tanggal.
02:32Panukala naman ni Senador Padilla, obligahin lahat ng inihalal at inapoint sa gobyerno na magpa-drug test.
02:38Sa ilalim ng panukala, sasa ilalim sa hair follicle at urine drug testing lahat ng opisyal ng gobyerno,
02:45mapalukal o nasyonal, kabilang ang mga GOCC.
02:48Kung magpositibo sila, pwede silang matanggal sa pwesto o di kaya naman ay masuspinde alinsunod sa umiiral na batas.
02:55Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended