00:00Nasaan na nga ba si Sen. Bato de la Rosa?
00:03Absent po siya sa sesyo ng Senado kahapon kasunod ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia
00:09na may unofficial copy siya ng ICC arrest warrant laban sa Senador.
00:15Ang liderato ng Senado kumukonsulta na raw sa mga eksperto sa batas.
00:19Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
00:24Nitong weekend, umugong ang usapang may warrant of arrest na.
00:27Ang International Criminal Court o ICC laban kay Sen. Bato de la Rosa.
00:32Si Ombudsman Jesus Crispin Remulia ang nagsabi niyan sa isang panayam.
00:36Kung natalangin niyo ako kung may warrant mayroon nasa telephone ako.
00:41I have a copy. Pero hindi pa yan, hindi siya official copy.
00:46Sa sesyon ng Senado, absent si de la Rosa.
00:49Ayon sa kanyang staff, walang pasabi ang Senador kung bakit hindi pumasok.
00:53Hindi pa rin daw siya nakakausap ni Sen. President Tito Soto na kumonsulta na sa mga legal expert ng Senado.
01:00Hindi ko pa natatanggap kung ano yung mga opinion nila.
01:02Ang mga nabanggit ko lang was yung opinion ko last time.
01:06During the time, Sen. De Lima, Sen. Trillanes.
01:11Yun lang yung mga nabanggit ko na mga positioning namin.
01:14Pero iginiit ni Soto na hindi pwedeng arestuhin sa loob ng Senate Building ang sino mang Senador.
01:20Lalo na pag nagsesesyon, yun ang pinakabawal sa lahat, di ba?
01:24Abang nagsesesyon, may darating arestuhin yung Senador.
01:27Hindi ko yung babae.
01:28Pero siya yun, ano, hindi...
01:30Kung pipiliin daw ni de la Rosa magpakanlong sa Senado,
01:34ayon kay Sen. President Pro Tempore Ping Lacson,
01:37alinsunod sa konstitusyon, ay limitado lang ito.
01:40Limited kasi yung konstitusyon is very clear on the matter.
01:44May immunity from arrest when Congress is in session.
01:48Tinawagan daw ni Lacson si de la Rosa na kapwa niya naging PNP chief.
01:52He was not picking up.
01:54And the following morning, I noticed na meron siyang miss-call sa akin.
01:57So I hope we can talk just to give him some advice.
02:01Hindi para magtago, kundi para how to go about facing criminal charges.
02:07Sabi naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
02:10sana hindi na umabot pa sa pagtatago.
02:12Let him file what he has to file, the bail, kung habeas corpus, kung ano man.
02:17Then let him have his day in court.
02:19Kasi pag dito magkakatensyon pa tayo eh.
02:22Diba, yung hindi lang natin pinag-uusapan dito yung institusyon ng Senate.
02:27Mas importante pa sa Senate is our democracy.
02:29Dagdag di Cayetano, dapat korte ang magdesisyon
02:32kung pwede bang ipaaresto sa visa ng ICC warrant si de la Rosa.
02:36Hindi naman pwede-pwede kung sinong admin siya na lang.
02:39Kasi hindi na tayo rule of law nun.
02:42There has to be a final arbiter.
02:44And if you look at the Philippine Constitution,
02:46iisa lang yan, yung korte.
02:47Paglilinaw ng Department of Justice,
02:50wala pa silang natatanggap na kopya ng sinasabing arrest warrant.
02:53We have not seen nor received any copy of this ICC warrant of arrest.
03:00Sakaling meron na warrant, ay susunodan nila ang Justice Department.
03:04We will have to comply.
03:05One of the possible situations would be just determining the length of time
03:09when it would actually be implemented.
03:11Ayon sa DOJ, sa ilalim ng batas, dalawa ang opsyon nila para ipatupad ito.
03:16Ang surrender o pagsuko sa individual na inisuhan ang warrant ng ICC
03:20at ang ekstradisyon.
03:22Ang ekstradisyon, hindi raw agad-agad maipatutupad at dumadaan sa korte.
03:27Kabilang sa mga argumento kontra rito,
03:29ay hindi naman bansa ang ICC para humiling ng ekstradisyon.
03:33Ayon sa DOJ, mas madali at mas maigsira kung surrender ang gagawin.
03:38Pero ang hakbang na ito, kino-question sa Supreme Court.
03:41Kasunod yan ang pag-escort ng mga tauhan ng gobyerno
03:43at pagsakay sa eroplano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa The Hague.
03:49Isa si De La Rosa sa mga humiling sa Korte Suprema
03:51na ideklarang unconstitutional ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC,
03:56lalo't hindi na aniya miyembro ng ICC ang Pilipinas.
04:00Hihintayin daw ng DOJ ang desisyon ng korte.
04:02We want to be more circumspect in any action that we will be taking.
04:06Even if we may not be part of the ICC anymore,
04:10there is still that principle of reciprocity
04:13that governs between relations among nations
04:16and in fact, reciprocity and committee.
04:19Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments