Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isang necrological service ang isinasagawa sa Senado para sa namayapang si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
00:06At may ulat on the spot si Mav Gonzalez.
00:09Mav!
00:13Rafi, pagkatapos ng necrological service ay nagkakaroon ngayon ng viewing para sa mga empleyado at ilang pang kaibigan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile dito sa halls ng Senado.
00:23Alas 9 ng umaga dinala ang mga labi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Senado.
00:32Sinalubong ito ng mga Senador sa pangungunan ni na Senate President Tito Soto at Senate President Pro Tempore Ping Lakson.
00:39Naka-half-mast ang Senado at nakasuot ng itim na armband ang mga Senador at mga empleyado.
00:45Bukod sa pamilya ni Enrile, dumalo si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mga dati at kasalukuyang Senador at iba pang kaibigan ni Enrile.
00:52Sa necrological service, nagbigay ng eulogies ang ilang nakasama ni Enrile.
00:57Una na si dating Senador Dick Gordon na matagal ng kaibigan ng pamilya Enrile.
01:02Si dating Pangulong Arroyo inalala naman ang itinulong ni Enrile sa pamilya niya noong panahon ng martial law.
01:10Sa political career ni Arroyo, marami raw din itinulong si Enrile, lalo na noong naging pangulo siya.
01:15Nagpasalamat din si na Senador Jingoy Estrada at JV Ejercito sa anilay loyalty ni Enrile sa pamilya nila, lalo na sa ama nila na si dating Pangulong Joseph Estrada.
01:26Ibinigay rin ng Senado sa pamilya Enrile ang Senate Resolution No. 30 na nagpapaabot ng pakikiramay.
01:32Nagpasalamat naman ang pamilya Enrile sa pagkilala ng Senado sa kanya.
01:35Raffi, isa ngayon ay nasa isang pribadong lunch yung pamilya Enrile, pati na rin yung mga Senador at ilang pang kaibigan na umaten sa Necrological Service.
01:54Nagpapatuloy naman yung viewing, nakabukas pa rin yung session hall ng Senado at pagkatapos nito ay aalisin na rin ngayong araw.
02:01Itong mga labi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile. Raffi?
02:05Maraming salamat, Mav Gonzalez.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended