00:00Inireklamo na sa Napolcom ang tatlong pulis kalookan dahil sa umunoy gawagawang kaso laban sa isang lalaki.
00:08Apat na araw umano siyang itinago sa presinto at hindi na alaman ng pamilya.
00:14At dahil umano sa kakahanap ng kanyang anak kahit baha, namatay ang huli dahil sa leptospirosis.
00:21Nakatutok si Rafi Tima.
00:22Linggo ng gabi July 27, pumanaw ang 20-anyos na estudyanteng si Jello dahil sa leptospirosis.
00:32Dahil lumusong sa abot-bewang na baha noong kasagsagan ng habagat para hanapin ang amang si Jason na bigla na lang daw nawala noon.
00:39Inaresto pala ang kanyang ama ng Kaloocan pulis dahil umano sa pagkakaray-cruz.
00:43Kumalat ang kwento ng pamilya ni Jello nang ibahagi ito ni Kaloocan Bishop at CBCP President Cardinal Virgilio David sa kanyang Facebook page.
00:52Matapos ang dalawang linggo, personal ang sinamahan ni Cardinal David si Jason sa National Police Commission
00:57para ireklamo ang tatlong pulis Kaloocan na humuli at nagtago raw sa kanyang sa presinto ng apat na araw bago siya kasuhan ng illegal gambling.
01:05Meron kaming reklamo ng arbitrary detention sa mga pulis per jury dahil nagsinungaling sila doon sa apidibit nila sa korte at incriminating innocent persons among others po.
01:19Nauna nang nag-imbestiga ang napokom sa kaso matapos makita ang viral post ni Cardinal David sa mga CCTV video na kanilang iprinisinta,
01:27lumalabas na inaresto si Jason noong July 22 dahil umano sa shoplifting.
01:31Pero hindi kinasuhan ng convenience store si Jason matapos siyang ibalik ang kinuhang bote ng pabango.
01:36Gayunman, ikinulong pa rin siya ng mga pulis.
01:39July 25, kinasuhan siya ng kasong illegal gambling dahil sa paglalaro umano ng karay-cruz.
01:44Parang hindi naman yata tama na sa isang maliit na boteng pabango, eh kakasuhan mo ng illegal gambling yung tao at hindi mo kaaminin na inaresto mo at denetain mo.
01:59May part po talaga, naging kasalanan ko po yung time na yun.
02:02Pero po yun nga po, yung ginawa nila, yung nangyari na po na kinargahan po nila ako ng kaso, yun po medyo unfair po sa akin.
02:09Dati nang sinabi ng Kalaukan Police na hindi sila nang aaresto ng kung sino-sino para lang sa accomplishment.
02:14Puna ni Cardinal David, lumang kwento na ang pagkakarga ng kaso ng mga pulis para panindiganan niya ang pag-aresto sa mga inusenteng tao.
02:22Naging kalakaran. So naging kultura siya. Nakakaawa ang mabubuting pulis dahil helpless sila sa ginagawa ng ilang mga kasamahan nila na nang-aabuso.
02:37Hindi pa man tapos ang investigasyon, malinaw na rao para sa Napolcom ang kaso.
02:42This is total injustice. So we really have to put a stop to it. No stone unturned. We will put an end to this culture of impunity. Tapos na. Pagod na pagod na ako sa mga gantong storya.
02:55Damay sa investigasyon ang station commander ng police substation na may hawak sa kaso.
02:59Mas madami pa pong involved dito kasi kasali na po yung mga investigator on case, yung mga nag-referred itong kaso na alaman nila na gawa-gawa lang yung kaso.
03:08Sa ngayon, naka-duty pa ang mga pulis na sangkot sa kaso ni Jason. Pero ayon sa Napolcom, asahan na rao ang paglabas nila ng preventive suspension order oras na makompleto ang kanilang pag-iimbestiga.
03:19Pero hindi rao sila titigil sa kaso ni Jason. Kaya apelan nila sa mga biktima ng pang-aabuso ng mga pulis, lumantad at magsumbong na sa Napolcom.
03:28Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments