Skip to playerSkip to main content
Paalala, ‘wag basta basta maniwala sa mga natatanggap na tawag para iwas-scam. Ganyan ang nangyari sa isang nalimasan ng life savings matapos daw siyang utusang mag-update ng app sa cellphone ng nagpakilalang taga-Social Security System (SSS).


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Remember, let's go back to the people who are called to avoid scams.
00:06This is what happened to a loss of life savings,
00:11after it was to update the app on the phone
00:15of the known social security system, or SSS.
00:19It's like Ian Cruz.
00:21KUMAKALAT ngayon online kung paano ang life savings ng isang senior citizen sa apat na bangko
00:31naglahong parang bula dahil sa scammer.
00:34Kwento ng anak ng biktima sa kanyang social media post alas 11 ng umaga nitong Webes
00:39nang makatanggap ng tawag ang kanyang ama mula sa isang babaeng nagpakilalang empleyado raw ng SSS.
00:45Sinabi raw ng babae na may update ang SSS app at hindi na kailangan pumunta sa branch
00:51para makakuha ng payment reference number o PRN na nagkataong kailangan noon ang kanyang ama.
00:58May ipinadala raw na link sa email ng ama para ma-download ng app na kailangan daw i-install.
01:04Padang tanghali, hindi raw niya matawagan ng ama kaya pinuntahan niya ito.
01:08Pasado alauna ng hapon, hindi pa rin tapos ang pag-install ng app.
01:13Doon na raw siya nagduda na baka raw scam ito.
01:16Hindi raw niya ma-off, reset o kaya ay makapag-screenshot sa phone ng ama.
01:20Tumigil ang app installation nang tinanggal niya ang SIM.
01:24Agad nilang tsinik ang kanyang bank accounts.
01:27Nalimas na pala ang pera sa mga banko ng ama.
01:30Kahit daw wala siyang binibigay na personal na detalye o one-time password o OTP.
01:36Inalis nila sa phone ang app installer.
01:38Nireport sa mga banko ang mga transaksyon, pinablock ang mga card.
01:43At nagpalit ng passwords at PIN.
01:46Ang social security system nagpaalala na hindi tumatawag o nagpapadala ng mensahe ang SSS
01:53para mag-alok ng espesyal na pribilehyo.
01:56Kapalit ng pag-update ng MySSS o SSS mobile app.
02:01Sa tingin ng isang cyber security professional, posibleng remote access ro dyan ang malware o malicious software na ipinadownload ng tumawag.
02:12Kaya parang naka-takeover sa cellphone ng biktima ang scammer.
02:17When installed in your phone or in your laptop, the threat actor will have full access to your device
02:27and will can even prevent the owner, the owner mismo, to operate the device.
02:40Nakikita niya lahat.
02:43Nananavigate niya.
02:44Yung kung saan siya pupunta.
02:46Pag may pumasok na OTP, pupunta siya dun sa message, makikita niya.
02:50So kung nag-transact siya...
02:53Ang dapat daw tandaan para hindi mabiktima ng mga scammer.
02:57Huwag kakagat mula sa mga texts o tawag lalo ng mga taong hindi kilala.
03:02Huwag tayo makipag-transaction dahil hindi tayo nakakasiguro na maganda ang kahinat na nito.
03:09Ang PNP Anti-Cyber Crime Group umaasang lalapit sa kanilang tanggapan ng biktima para matulungan nila ito.
03:15Sana matingnan namin, makausap yung biktima para malaman talaga natin kung ano yun.
03:23Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended