Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Dyahe para sa marami ang amoy-kulob na damit dahil 'di napatuyo nang maayos bunsod ng pag-ulan! Pero worry no more dahil may isang app na kayang mag-suggest kung kelan ang best na oras ng paglalaba sa inyong lugar. Easy to use din kahit nga mga 'di techy. Tara, let's change the game!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Let's change the game!
00:30Ang ganda ba ng haring araw kaya nagmamadali kang maglaba?
00:37Pero nang magsampay na, biglang umulan?
00:42It's a prank!
00:44Yung lola ko kasi is lagi siyang naglalaba, tapos kapag uulan na, ako yung uutusan niya na magsilong ng mga sinampay.
00:51Sobrang hassle din po kasi na magpasok at maglabas ng sinampay.
00:55Dahil sa experience na yan, ginamit ni JD ang pagiging computer science student at software developer.
01:03Bumuus siya ng app na viral recently, ang Maglalaba Ba App.
01:08Sasabihin niya sa iyo kung magandang maglaba ngayong araw.
01:11The app was released last July when marami na pong nangyaring mga bagyo, so timely siya.
01:17Simple lang ang basihan ng app. Kung maglalaba ba? Magiging mainit ba o maulan?
01:23For the app, yung data niya is galing sa isang open source na service which is yung open meteo.
01:29And then yung sources niya came from multiple sources.
01:32Meron ding locally, may globally din.
01:34And then kinukunclude, yung kinukuha na po na service, sila na po yung napoprovide ng data.
01:39Particular niyang sinasagot kung anong oras dapat magpatuyo para hindi mag-amoy kulob ang labada mo.
01:46Meron din po siyang meter for humidity and then temperature.
01:51Kung gaano kainit, gaano kalamig, nakaka-apekto yun sa oras ng pagpapatuyo.
01:55At dahil inspired by his Lola, user-friendly ang app kahit sa mga hindi techie.
02:00Ginagawa po siya through dialogues. So instead na i-show natin ilang Celsius ngayon or ilan yung humidity which is naka-number.
02:08Ang ginagawa po dito sa app, parang siyang comics, parang bubble po siya.
02:12So doon nagpa-pop up yung mga conversation, sabi nung mga interpretation niya.
02:17Wala pang two months, pero may 60,000 users na ang app.
02:22At dadagdag na ako to test this para malaman kung ako'y maglalaba ba?
02:27Hmm.
02:28Nandito na po agad yung interface niya.
02:31So hindi mo po kailangan mag-register or mag-login para ma-access yung app.
02:35For the parts ng app, so makikita po natin sa pinakataas, nandun po yung location natin.
02:41So kailangan pong i-allow yung permission ng location.
02:44So ayan, currently nandito po tayo sa Kawit Cavite.
02:48Yung muka ng maglalaba ba app, si Ate Love po.
02:52Ah, kiling Ate Lavada.
02:55Lavada.
02:56Minsan may hugot siya.
02:59So para makarelate din tayo.
03:00So nandito din po yung percentage ng rain.
03:03Ito yung mga oras ng araw na kung saan makikita mo yung kung saan mataas yung ulan, kung saan mababak.
03:11Nag-sasuggest din siya yung oras ng pagsasambay.
03:14Si Ate Love, meron na agad siyang prediction.
03:17Dito sa Kawit Cavite, ang advice niya, maganda daw ang panahon para maglaba.
03:22Aabuti ng tatlo hanggang apat na oras bago magpatuyo.
03:26Pero may hugot pa siya.
03:28Grabe ang lamig.
03:30Parang siya lang.
03:31Ang bigat naman nun, Ate Love kahit medyo maaraw ngayon.
03:34There you have it mga kapuso.
03:35Another game-changing app that can update you the perfect timing para maglaba.
03:39Very user-friendly pa.
03:42Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avier.
03:45Changing the game!

Recommended