Skip to playerSkip to main content
Ingat sa mga nag-aalok ng trabaho sa mga messaging app na nangangako ring kayang patubuin pa ang pera ng biktima sa mga umano'y investment. Modus 'yan sa mga tinatawag na "task scam".


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ingat po sa mga nag-a-alok ng trabaho sa mga messaging app
00:04na nangangako rin na kaya nilang patubuin pa ang pera ng biktima sa mga umanoy investment.
00:11Modus yan sa mga tinatawag na task scam.
00:16Nakatutok si Darlene Kai.
00:21Work from anywhere ang alok ng nagpakilalang staff ng isang digital marketing agency
00:26na minsan nag-message kay Bea.
00:27Ang kikitain sa simpleng pag-like lang ng mga produkto sa shopping apps
00:32abot hanggang halos siyam na libong piso kada araw.
00:36May pinagawa siya sa isang shop na e-heart po.
00:40E-heart po yung parang product.
00:43Kada po may pinapagawa silang ganun na e-heart,
00:46nagbibigay naman po sila ng 160 hanggang tatlong beses po.
00:50Pero kasunod nito, inalok siyang patubuin ang kanyang pera sa isaan niyang investment.
00:55Yung 1 to ko naging 1,560.
01:00Tapos nakalagay naman po doon yung sumod is 3,5 na po.
01:03May binigay po na link na sa parang bitcoin, ganun.
01:08Doon po yung parang mag-i-invest, lalaki daw po yung pera doon.
01:11Dahil malaking tumubo, nangutang na siya para makapaglaan ng mas malaking pera.
01:16Pero di na ito ibinalik at blinak na siya ng kausap.
01:19Natulala po ako nun eh. Natulala po ako kasi yung 6K doon sa 9-8, inutang ko lang din po yun.
01:27Kala ko kikita ako mas nalugi pa pala.
01:30Mahigit 38,000 pesos naman ang naska mula kay Pearl sa pareho ring modus.
01:36Mas professional sila ma'am Darlene eh. Ang galing nila magsalita.
01:40Kumbaga, madadala ka talaga.
01:43Usap ko ma'am Darlene kasi that time talaga mag-anap din ako niyang side hustle.
01:47Nag-makaawa pa siyang maibalik ang 38,000 pesos pero hindi na siya pinansin at blinak.
01:53Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, task scam ang modus.
01:59Pasasakayin ka eh. Kunyari mga gagawin mo para kumita ka, diba?
02:04Tapos ang mabigat kasi dito, grupo-grupo din yan.
02:08Posibleng nakukuha ang cellphone number ng mga biktima sa pamamagitan ng MC catchers
02:12o mga device sa may kakayahang humigop ng numero, mensahe at iba't-ibang data sa mga smartphone sa paligid.
02:18Kukunin nila yung mga cellphone numbers tapos ite-text blast nila ngayon.
02:23Pag nahagip yung phone mo nung mga ads nila na yon at ikaw ay naingganyo,
02:28doon mapapasakay ka na at sigurado madadali ka nila kung tutuloy-tuloy mo yung task scam na ibibigay sa'yo.
02:35Maaari ring nakuha ang mga number mula sa mga dating na-click na phishing websites
02:40ayon sa CICC o Cybercrime Investigation Coordinating Center.
02:44Magbibigay ka ng number mo, pangalan mo, tsaka yung email address mo,
02:48akala mo kumukuha ka lang ng promo or ng discount.
02:50Yung pala, kinuha na nila yung details mo para ibenta sa iba.
02:54Patuloy ang investigasyon ng PAOC sa mga scam na posibleng mga Pilipino ang operator.
02:59Para daw sa mga nagahanap o maghahanap ng trabaho,
03:02wala daw sino mang lehitimong employer ang manghihihingi ng pera mula sa inyo kapalit ng trabaho.
03:08Hindi daw nila kayo basta-basta ikokontak sa messaging apps kung hindi ka naman nag-apply.
03:12Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
03:42KAMPARO
03:43KAMPARO
03:44Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
03:45KAMPARO
03:46KAMPARO
03:47KAMPARO
03:48KAMPARO
03:49KAMPARO
03:50KAMPARO
03:51KAMPARO
03:52KAMPARO
03:53KAMPARO
Be the first to comment
Add your comment

Recommended