00:00.
00:02Sa hosting ng Siargao ng World Surf League Qualifying Series 6000,
00:07isa si top Pinoy surfer Rogelio Esquivel Jr. sa nagbigay ng suporta sa prestigyosong event.
00:14Ang detalye alamin sa ulan ni teammate JB Buño.
00:21Matapos masungkit ang bronze medal nitong Mayo sa ISA Longboard Championship sa El Salvador,
00:27tutok naman ngayon si World Ranked No. 3 Longboarder na si Rogelio Esquivel Jr.
00:32para suportahan ang World Surf League Qualifying Series 6000
00:36na gaganapin sa October 23 to 31 sa Cloud 9 Siargao Island, Surigao del Norte.
00:41Ayon kay Esquivel, ang pambihirang pagkakataon na magbigyan ng hosting rights ang Pilipinas.
00:47Sa isa sa top surfing events sa buong mundo ay malaking bagay para sa mga Filipino surfers.
00:52Nakaka-excite kasi yun nga, magkakaroon ulit ng chance yung mga Pilipino.
00:57Hindi lang kami, kundi yung mga Pinoy na may mga talent talaga na magagaling na hindi masyadong nakakapag-compete abroad.
01:05Malaking bagay para sa kanila to na makasali dito kasi hindi na sila kailangan lumabas pa ng bansa
01:11and hindi na nila kailangan gumastos para makasali sa ganito kalaking competition.
01:16Ang exposure din ng Filipino surfing community sa mga dekalidad na atleta mula sa ibang bansa ay makatutulong
01:23para malaman kung paano i-level up ang skills ng mga Pinoy para makasabay internationally.
01:28Malaking bagay para sa Philippine surfing community kasi darating yung mga professional surfer.
01:35Yon, malaking bagay for next generation kasi makikita nilang ganun yung level ng surfing.
01:42So tatatak sa mga isip nila o kung ano yung mga nakikita nilang mga ginagawa ng professional surfers.
01:49E yun yung mga magiging way na sa pag-level up ng surfing nila.
01:55Inaasahang daan-daang surfers mula sa iba't ibang bansa tulad ng China, Japan, Taiwan, Thailand, Australia at New Zealand
02:03ang lalahok sa World Surf League Qualifying Series 6000.
02:07Hindi naman ito ang unang beses na nag-host ang Pilipinas ng World Surf League event.
02:12Noong Enero ay sa La Union ginanap ang WSL World Junior Championships.
02:16Patunay na unti-unti nang kinikilala bilang surfing hotspot ang Pilipinas ng international community.
02:23JB Junyo para sa Atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.