00:00Puspusa na ang paghahanda para sa World Surf League Qualifying Series 6000
00:05na gaganapin sa paparating na Oktubre sa Siargao.
00:09Ang mga detalya sa ulat ni teammate J.D. Hunyo.
00:15Matapos ang matagumpay na World Surf League Qualifying Series 5000 noong nakaraang taon,
00:21muling mag-host ang Pilipinas para sa bagong edisyon ng World Surf League Qualifying Series 6000
00:27na gaganapin sa Oktubre 23 to 31 sa Cloud 9, Siargao Island, Surigao del Norte.
00:33Sa special edition ng weekly forum ng Philippine Sports Writers Association,
00:38pinangunahan ni Philippine Sports Commission Chairperson Patrick Pato Gregorio
00:43ang nasabing press conference kung saan binigyang diin nito kung gaano kahalaga ang suporta sa sport na surfing.
00:50When we support a particular sport, very important sa atin kung who's behind it,
00:56who is supporting it, sino yung mga leaders behind it, and sino yung mga athletes behind it.
01:03Ano yan eh, it's branding all together, di ba?
01:07And sino ba naman ang mag-i-question sa ganda ng surfing?
01:11Kasama rin sa mga dumalo si na Presidential Son at Sports Ambassador Vini Marcos,
01:16Technical Director of WSL Philippines John Carby, Representative Lone District of Aurora Romel Angara,
01:23House Youth and Sports Development Chairman Mike D. III,
01:27at United Philippines Surfing Association President Dr. Raul Canlas.
01:32Ayon kay Sports Ambassador Vini Marcos, malaking bagay ang event na ito para sa umuusbong napagkilala sa surfing sa bansa.
01:39I think the level of surfing at the moment is just so far from even 5-10 years ago.
01:46The amount of improvement from the other countries has been so high.
01:51So it's good that we're starting early.
01:53Ibinahagi naman ni World Longboard Rank No. 3, Rogelio Esquivel Jr.
01:58kung gaano kaimportante na mairepresenta ang bansa sa world stage, lalo pat Pilipinas ang host.
02:04Sobrang laking bagay para sa akin kasi yun nga, yung Pilipinas dala-dala ko sa pag-compete abroad.
02:12Tapos sobrang napupush ako ng todo kasi grabe yung support ang pinapakita sa amin ng mga Pilipino
02:17and sa lahat ng mga tumutulong sa amin.
02:20E binibigay talaga nila yung support na kailangan namin.
02:24Kaya kaming nagko-compete abroad, e binibigay rin namin yung best namin
02:27para maibalik sa kanila yung mga support ang binibigay nila.
02:31Mahigit 128 male at 64 female surfers mula sa China, Japan, Taiwan, Indonesia, Thailand, Australia, New Zealand at Pilipinas
02:43ang sasabak sa kompetisyon para sa nakatayang $50,000 na premyo para sa magiging kampiyon.
02:49Matatanda ang kamakailan ay personal na binisita ni PSC Chairperson Gregorio
02:54ang technical team sa Siargao para tukuyin ang mga hakbang tungo sa matagumpay na pag-host ng nasabing global surfing event.
03:02Kasama sa mga dumalo ang top Filipino surfer na si John Mark Maramatokong,
03:06National Surfing Coach Philmar Alipayo,
03:09at surfing advocate at aktres na si Andy Eigenman,
03:13na kapwa nagpahayag ng suporta sa mas malaking koordinasyon sa pagitan ng PSC
03:18at pag-usbong ng local surfing community sa bansa.
03:21Inaasahang dadalo ang daan-daang surfers mula sa iba't ibang bansa
03:26sa World Surf League Qualifying Series 6000
03:30na magiging isa sa pinakamalaking surfing event sa Pilipinas
03:34sa ilalim ng bagong pamamahala ng Philippine Sports Commission.
03:38JB Junyo, para sa Atletang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.