Skip to playerSkip to main content
Sinita ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga ininspeksyong flood control project na kung hindi sira-sira, ay pangit ang kalidad o hindi pa natapos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinita ni Pangulong Marcos ang mga ininspeksyong flood control project
00:04na kung hindi sirasira, ay pangit ang kalidad o hindi pa natapos.
00:10Nakatutok si Jonathan Andal.
00:14Pagkapa ni Pangulong Bongbong Marcos sa diking ito sa Kalumpit Bulacan.
00:19Yung simento rito, nagudurog sa kamay.
00:25Dismayado ang Pangulo dahil sirasira, butas-butas at nakauslina ang mga bakal
00:30sa bahagyang ito ng dikes sa barangay Frances.
00:33Malabnaw yung simento na ginamit.
00:35Nagtipid sa simento, nagtipid sa...
00:39Unang-una yung simento, ganyan lang kakapal.
00:42Eh dapat 18 centimeters, 18 centimeters, mga 18 inches, parang kalsada.
00:47Pero napansin din ng Pangulo, nagka-isla na sa gitna ng ilog.
00:53Ito yung isla sa gitna ng ilog.
00:55Kung makikita ninyo, tinubuan na ng mga damo, tinubuan na ng mga halaman.
00:58Ibig sabihin yan, ganyan nakababaw yung ilog na ito.
01:02Nagtataka ngayon ang presidente.
01:04Kasi ang dumarating daw ng report sa kanila, nagkakaroon naman ang dredging dito.
01:08Tignan naman naman ninyo, paano magiging completed yan?
01:10Tignan ninyo, tignan ninyo.
01:12May isla sa gitna, tinutubuan na ng damo na napaka...
01:16Ibig sabihin, matagal na silang hindi nagde-dredge.
01:19Although sa report naman, nagde-dredge sila.
01:22Ayan na naman, pakahanapin natin yung sinong responsible dito sa gobyerno, sa private.
01:28At kailangan managot sila dito sa kanilang ginawa.
01:31Huwag silang managot sa akin, managot sila dito sa mga tao dito.
01:34Inilabas ng Malacanang ang listahan ng pitong kontratistang nakasungkit ng mga flood control projects sa Barangay Frances, Kalumpit mula 2022.
01:43Walong kontrata para sa pitong kumpanya ang nakalista.
01:46Ang halaga pag pinagsama-sama, mahigit kalahating biliyong piso.
01:50Lumabas din sa inspeksyon ng Pangulo na putol ang dikes sa Kalumpit at may butas na limampung metro.
01:57Kaya pag umaapaw ang ilog, tumatagos ang tubig papunta sa Barangay Frances, lalo nakapag-high tide.
02:03Ang naturang butas diretsyo sa bahay ni Edgar na isang buwan ng lubog sa baha.
02:08Iti mga high tide, ganyan kami, nasasapulong tubig.
02:12Sinis magawa yung dike na yan.
02:15Ah, hindi nakatulong ang dike?
02:17Hindi.
02:21Nagpasisid din ang Pangulo ng mga scuba diver sa Pampanga River sa Kalumpit
02:25at natuklasang makapal na ang putik sa ilalim
02:28at hindi na nakadikit ang beam sa anumang pundasyon o sheet pile support doon.
02:33Lumabas din sa pagsusuri na hindi siksik ang lupa bago binhusa ng semento ang dike.
02:38Hindi rin pare-pareho ang kapal ng semento
02:40at posibleng mahina ang concrete mixture na ginamit ayon sa pagsusuri.
02:45Ayon sa palasyo, dapat na itong ayusin agad
02:47para hindi na lumaki pa ang pinsala nang iyaabot sa sandaang metro.
02:51Sa Barangay Bulusan naman, sa Kalumpit pa rin,
02:55sinita ng Pangulo ang Malagost Project na proyektong inireport ng tapos
03:00kahit kulang pa ng dalawang daang metro at butas-butas pa.
03:04St. Timothy, ang kontratista dito.
03:07Kaya titignan natin, pagpapanal,
03:10kailangan, pasagutin natin kung bakit ganitong ginawa nila.
03:13Mas mabuti pa, dapat pumunta sa larito,
03:15pakita nila gano'ng kahirap ang buhay na binigay nila sa mga kababayan natin.
03:19Pangatlo ang St. Timothy sa labing limang nakakuha
03:22ng pinakamaraming flood control project sa nakalipas na tatlong taon.
03:26Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ng mga kumpanyang inilista ng Malacanang.
03:30Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended