00:00Tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang letter of credence mula sa bagong envoy ng China sa Pilipinas.
00:06Sa presentation of credential ceremony sa Malacanang Palace kahapon,
00:10sinabi ng Pangulo na isa sa pinakamahalagang kaibigan at partner ng Pilipinas sa mundo, ang China.
00:17Sigurado raw siyang magkakaroon ng maraming pagkakataon para paigtingin, palalimin at gawing mas importante ang relasyon ng dalawang bansa.
00:26Umaasa naman daw si Ambassador Jing Kwan sa pagpapaigting ng kooperasyon ng dalawang bansa at maayos na pamamahala ng mga pagkakaiba ng mga ito.
00:37Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagsilbi bilang Minister si Kwan sa Deputy Chief of Mission sa Chinese Embassy sa Amerika.
00:46Itinalaga rin siya bilang Deputy Director General sa Department of North American and Oceanian Affairs mula 2018 hanggang 2021.
00:54Bukod kay Kwan, may bago rin ambasador ang Republic of Chile na si Felipe Alejandro Diaz Ibañez.
Comments