Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagagawa ng kahalayan para umuno pagkakitaan online ng inarestong magkapatid sa Davao Oriental
00:06ang ilang minor de edad na siyam hanggang labing apat na taong gulang lamang.
00:11Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:13Exclusive!
00:17Inaresto matapos mahuli sa akto ang magkapatid na suspect edad 16 at 18 anyos
00:23habang nagpapagawa ng mahahalay sa mga batang edad siyam hanggang labing apat para pagkakitaan online.
00:29Inilidda sa ang 7 minor de edad, gayon din ang isang 18 anyos.
00:33Nerescue rin ang tatlong batang edad, isa hanggang apat na taong gulang na itinuturing na children at risk.
00:39Ang krimen, ginawa sa bahay ng mga suspect.
00:42They were directing yung mga minors natin to perform sexual activities and then binivideo at the same time nila live stream.
00:51Pinipicturan po sila and they were being sold po sa mga buyers nila.
00:57Natuntun ang mga suspect na magsagawa ng ground surveillance ang mga otoridad base sa refera ng Australian authorities.
01:04Nag-apply po ang ating operatiba ng warranty search season examined computer data.
01:10Sa kasabay na operasyon, huli ang isa pang suspect.
01:13Sa embisigasyon ng WCPC, isandaan hanggang isang libong piso ang ibinabayan ng mga suspect sa mga biktima para magsagawa ng sexual act.
01:23Mga money daw na binibigay sa kanila is ang allegations nila or sinasabi nila doon sa mga parents nila is napanalunan nila sa online games.
01:32Sa impormasyong nakuha ng WCPC, umabot sa 385,000 pesos ang naipadala sa mga suspect simula na masangkot sa online sexual exploitation.
01:43Wala pang pahayag ang mga suspect na sasampahan ng mga karampatang reklamo kabilang na ang online sexual abuse or exploitation of children.
01:52Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto, 24 oras.
02:00Sinalubong ng napakahabang pila sa immigration, ang ilang pasaherong dumating kagabi isa na iya, Terminal 1.
02:08Paliwanag ng Bureau of Immigration, Shamna flights ang nagkasabay-sabay at may ini-install pang electronic gates.
02:15Pero pinaplansya na raw nila ang kanilang operasyon para hindi na maaulit ang problema, lalo ngayong magha-holiday season.
02:24Nakatutok si Danok Tengkungko.
02:30Pagkalapag sa naiya Terminal 1, bandang alas 6 gagabi, ganito ang sumulubong kay Siria Naguho.
02:37Ang pila kasi ng tao sa immigration counter sa arrivals area, abot na sa labas pa lang daw ng eroplano.
02:43Pagdating namin before even reaching the immigration area, sobrang daming tao.
02:48Tapos ang gulo.
02:49People were asking parang, saan ba yung pila?
02:52Pagdating namin daw, wala naman palang pila dun.
02:54So we had to go back to the previous end of the line.
02:58Mahigit isang oras ang inubos ni Nasirian, pero nang mahanap na ang tamang pila, mabilis naman daw kahit papano ang proseso.
03:06In fairness to them, once we kind of lined up, mabilis naman yung processing nila.
03:12Marami namang immigration officers doon sa mga senetap nilang makeshift or additional immigration desks.
03:22But then, I guess, the lack of space, the E-gates were still closed.
03:27They were still not functional at the time.
03:31So yung space na kinain ng electronic E-gates, siguro nag-lead dun sa medyo magulo talagang pina.
03:40Paliwanag ng Bureau of Immigration, humigit kumulang 1,800 na pasahero mula sa Shamna flight ang nagsabay-sabay sa pila kahapon sa Terminal 1.
03:49Lalo raw naramdaman ang dami ng pila dahil sa pagkakabit ng hindi bababa sa 12 electronic gates na nakatakdang maging operational sa susunod na linggo.
03:57I think one of the reasons then why the area seemed cramped, kasi may area doon na ini-install yung ating mga electronic gates.
04:08So nagkaroon po ng space adjustment because of that.
04:12But ideally po, within the week or later this week, maayos na po yan lahat.
04:17Proper flow of the passengers is something that we are working on and could be solved by the electronic gates.
04:24Ganun pa man, sabi ni Sirian na iwasan daw sana ang gulo kung may mga tauhang itatalaga para ituro sa mga pasahero ang tamang pila.
04:32Well definitely there should have been like a few personnel who guided the ones na nag-de-deplain pa lang.
04:40Pag pasok pa lang dun sa terminal mismo, supposed to be meron ng nag-guide, clear signages at the gates pa lang.
04:50Kasi siyempre nag-de-deplain yung mga tao, pagod dyan, yung iba puyat, walang tulog.
04:56And you cannot expect them to roam around tapos maghahanap pa sila ng tatunungan.
05:01Ayon sa Bureau of Immigration, pina-plan siya na raw ang kanilang operasyon sa immigration counters
05:06para masigurong hindi maulit ang nangyari kahapon, lalo na sa inaasahang peak holiday season sa susunod na linggo.
05:13Nag-field na tayo ngayon ng mga additional personnel para maging mas organized yung ating immigration area.
05:21Kasi nakita natin, since it's a bit cramped because of the space adjustment,
05:25kinakailangan din magkaroon ng assistance from our immigration personnel para mas maging smooth yung pagpila ng mga passengers.
05:35Hinihingan pa namin ng komento ang naiyahinggil dito.
05:39Para sa GMA Integrated News, daan na tingkung ko na katutok 24 oras.
05:44At kaugnay na nga ng matinding traffic sa Marcos Highway nitong weekend na inabot ng limang oras o higit pa.
05:51Pinulong ng MMDA ang mga taga-traffic management ng Marikina, Pasig, Kainta at Antipolo.
05:58Ang mga susunod nilang hakbang sa pagtutok ni Mark Salazar.
06:04Matagal ng notoryo sa traffic itong Marcos Highway, lalo mula Marikina hanggang Antipolo.
06:10Pero yung nangyari noong Sabado, car mag-gheto na umabot sa Katipunan, C5 at Aurora Boulevard sa Cubao.
06:17Kaya sumagad sa pasensya ng mga motorista.
06:20Sabi ng MMDA, tila sabay-sabay ang mga Christmas party at habol sa shopping ng mga taga-east of Metro Manila.
06:28Yung nangyari last Saturday was really talagang yung volume of vehicles matindi.
06:35Sinabayan pa ng mall-wide sale ng mga malls within that area.
06:41And admittedly, nagkulang din kami yung tao na mag-inforce dun sa mga U-turn slots.
06:50Sa post-assessment ng MMDA, dalawang U-turn slots sa highway ang sanhinang gridlock.
06:56Ang U-turn sa may Santa Lucia Mall at ang U-turn sa may Felix Avenue intersection.
07:02Walang taong nagmamando na gridlock.
07:05So ano na gridlock?
07:07Unang lane, pangalwan lane, pang-apat na lane na wala na yung pandiretso.
07:11Puro U-turn na lang nag-agawan.
07:13So ang nangyari, walang gumalao kasi gridlock eh.
07:16Nakipag-meeting kanina ang MMDA sa mga taga-traffic management ng Marikina, Pasig, Cainta at Antipolo.
07:23Maliban daw kasi sa pagmamando ng tama sa mga U-turn slots,
07:28kailangan din magtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabawas ng volume at obstruction sa Marcos Highway.
07:34We will study some adjustments sa U-turn slots to harmonize yung iba't-ibang oras ng mga track van hours ng iba't-ibang LGUs doon.
07:46And may recommendation na magkaroon kami ng MOA sa pag-enforce ng anti-illegal terminal and illegal vendors.
07:58Posible rin palitan ng movable orange barriers ang concrete barriers sa intersection ng Marcos Highway at Hill-Fernando Avenue.
08:06Para mas madaling galawin kung kailangan lalo kung mabigat ang traffic,
08:09Hindi pang long-term solution ang latag ng MMDA dahil ayon din sa kanilang data,
08:16mahigit siyam na libo ang volume ng sasakyan sa Marcos Highway tuwing rush hour.
08:21Sobra sa 5,000 to 6,000 na kapasidad nito.
08:24Nung ginawa yan, ilan pa lang naman yung subdivisions doon.
08:28But we're trying our best to manage it and magkaroon ng mga engineering interventions.
08:34Kagaya ng problema sa maraming bahagi ng Metro Manila,
08:40ganun din ang problema sa Marcos Highway.
08:42Dumarami ang sasakyan pero hindi ang kalsada.
08:46As per DPWH kanina, they don't have any plans na mag-expand pa sa area na yun
08:53kasi parang wala na rin talagang lugar na para palakihin pa yung kalsada doon.
08:58Mag-o-ocular inspection ulit ang MMDA bukas sa Marcos Highway
09:03para maghanap ng kahit maliliit na solusyong makakatulong maibsa ng trapiko.
09:08Para sa GMA Integrated News,
09:11Mark Salazar,
09:12nakatutok 24 oras.
09:14Kumanda nang magpaikot-ikot ang feelings this Christmas
09:21sa Metro Manila Film Festival entry na Love You So Bad
09:24starring Will Ashley, Dustin Yu at Bianca Rivera.
09:28Nagpakilig na sa fans ang trailer niyan
09:30na surreal moment daw para sa tatlo.
09:33Makitsika kay Athena Imperial.
09:39Fanner, are you falling in love with two men?
09:41It's Christmas season, pero bakit parang Valentine's Day?
09:46Dahil yan sa undeniable kilig na dala ng Metro Manila Film Festival
09:50official film entry ng Star Cinema,
09:53GMA Pictures at Regal Entertainment na Love You So Bad
09:57starring Will Ashley as Vic, Dustin Yu as LA
10:01at Bianca Rivera as Savannah.
10:04Sa launch pa lang ng movie trailer,
10:06matcha-challenge na agad mamili kung team lawan.
10:09He is LA, Mr. Savior.
10:13O kung team sa Vic ba ang mananaig.
10:16He is Vic, Mr. Sumit.
10:19Surreal moment na raw ito para sa PBB Celebrity Colab Edition
10:22batchmates na sina Will, Dustin at Bianca.
10:26Ganito pala pakiramdam maging matupad yung pangarap.
10:33Seeing our very own trailer,
10:36marami apaka rewarding.
10:38Lahat ng pagod, lahat ng puyat, lahat ng stress na dinanas namin while shooting this film
10:45para naging worth it talaga eh.
10:47Worth it lahat, lahat-lahat at hindi na ka makapagintay mapanood yung pelikula.
10:54Sa media ko ng pelikula, kasama rin ni Will, Dustin at Bianca
10:58ang iba pang cast na sina Vince Maristela, Ralph DeLeon, Cyril Manabat, Rain Parani at iba pa.
11:05Kakaibang experience nga raw ang pag-shoot ng naturang pelikula
11:08ayon sa director ng Love You So Bad na si May Cruz Alviar.
11:13First time kong mag-love triangle na ganito katait yung competition.
11:18We're looking at the new generation of stars. That's how I felt.
11:23In real life, naniiwala naman daw ang tatlong bida na dapat lumaan muna sa panliligaw stage
11:28bago maging official couple.
11:30Napaka-importante talaga ng ligawan stage.
11:32Kung may kita yung parang kung compatible ba kayong dalawa,
11:36of course yung attitude ng isa't isa.
11:39Di lang sa babae, kundi sa parents rin ng babae.
11:42Importante din yan.
11:43Masa rin yan sa paraan kung paano mo mapapakita sa kanya yung halaga ng isang tao.
11:49Just connecting to what Dustin said,
11:51parang importante rin kasi yung respeto sa magulang ng nililigawan mong babae.
11:56Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
12:00Tinututulan ng ilang residente sa Olongapo
12:02ang isang solar power project sa Olongapo City.
12:05Pangamba nila, maawi sa bahat landslide
12:08ang umano'y planong pagpuputol ng puno
12:10para sa phase 2 nito.
12:12Nakatutok si Chino Gaston.
12:16Sa tuktok ng bundok na ito sa barangay Santa Rita sa Olongapo City,
12:21matatagpuan ang daang hektaryang lawak
12:24na solar power project ng Aboytis Power Corporation.
12:27Naglilikha ito ng 221 megawatts ng kuryente mula sa sikat ng araw.
12:32Green energy kung ituring ang mga solar power plants
12:35dahil mula sa renewable sources,
12:38hindi gaya ng krudo o natural gas
12:40na gamit sa mga karaniwang power plants.
12:42Pero ang mga residente ng Santa Rita
12:45umaalma sa mga punong pinutol sa bundok
12:48na posibleng pagmulan-umano ng pagbaha at landslide.
12:51Lalong nag-aalala sila
12:53sa napabalitang expansion o phase 2
12:55ng solar project
12:56na sasakupin ang tuktok ng katabing
12:58Mount Balimpuyo
13:00na sa paana nito matatagpuan ang kanilang mga bahay.
13:03Kaya isang petisyon na pirmado ng higit siyam na raang residente
13:07ang isinumiti ng mga residente sa lokal na pamahalaan
13:10para ipahayag ang kanilang pagtutol sa phase 2 ng proyekto.
13:15Pinaglalaban na po namin dito
13:16ay yung kaligtasan po namin
13:18mga mamamayan ng olongga po.
13:20Ang phase 1 po,
13:21pinutol din po mga puno dyan,
13:22lalatagan din po ng solar panel.
13:25So, pag pinutol po nila yung mga dekadang puno
13:27na siyang sumisipsip ng tubig po
13:29at saka
13:29yan po nagpapatibay ng lupa,
13:33paano na po kaming mamamayan ng olongga po sir?
13:35Baka lumubog po kami.
13:37Kung titingnan nga ang flood hazard map ng Project NOAA,
13:40kulay pula ang paligid ng Mount Balimpuyo.
13:43Ibig sabihin, ngayon pa lang,
13:45may mataas na panganib ng pagbaha rito.
13:47Sa mga nakalipas na taon,
13:49nakakaranas na ng mataas na pagbaha
13:51ang Olongga po City,
13:52pati na mga rock slide at landslide
13:54sa mga lugar malapit sa bundok.
13:56Kung yan pa ibabubuksan
13:58ng mga kapitalistang dayuhan
14:00na magtatayo ng solar dyan,
14:03kami po lahat na mga saraylayan
14:04ang maipituhan.
14:05Pagka po yun, talagang di na kaya ng lupa,
14:07yun po yung maglanas lang.
14:09Meron na nga ganyan,
14:09nagulong ng bato.
14:10Kung maaari po sana,
14:12may mapigilan.
14:13Bukod dito,
14:14marami na rin daw
14:15ang mga tinanim
14:16na puno ng prutas sa bundok
14:18na pinagmumulan
14:19ng kanilang kabuhayan.
14:21Dito rin daw nagmumula
14:22ang tubig mula sa mga burol
14:24na gamit nila
14:25sa pandilig
14:25ng pataniman.
14:27Sana po hindi na po
14:28matuloy yung pesto po
14:29sa lugar na yan,
14:31sa ibabo po na yan.
14:32Unang-una po sir,
14:34yan po kami kumukuha
14:35ng pangkabuhayan po namin.
14:37Mga produkto po dyan.
14:39Yan po,
14:39dinadala po namin
14:40sa lungsod po ng Olonga po.
14:42Binababa po namin dyan.
14:44Mga paninda po,
14:45mga mangga po,
14:47pagkapanahon ng mangga,
14:48abokado,
14:49nyug,
14:51lahat po.
14:52Kasoy,
14:52nangihinayang po kami
14:53kung
14:54masisira lang po
14:57ng ganon.
14:58Pero,
14:58dahil nga po,
15:00lupang gobyerno.
15:01Ayon kay Olonga po,
15:02Vice Mayor
15:03Kay Ann Legaspi,
15:05hindi siya tutol
15:05sa renewable energy project
15:07kagaya ng solar farms,
15:09pero hindi pwedeng
15:10isaalang-alang
15:11ang kapakanan
15:12ng mga residente.
15:13Sabi ni Legaspi,
15:14inaprubahan ng LGU
15:16ang phase one
15:17ng proyekto
15:17sa paniniwalang
15:18wala itong dulot
15:19na masama sa kalikasan.
15:21Sa ngayon,
15:22wala pa rin aniang
15:23natatanggap
15:23ang sangguniang panlunsod
15:25ng anumang dokumento
15:26tungkol sa phase two
15:27ng proyekto
15:28maliban sa abisong
15:29may public scoping na
15:30na nangyari.
15:32Tumanggi munang
15:32magbigay ng pahayag
15:33ang DENR
15:34dahil nasa
15:35public scoping phase
15:36pa lang ang proyekto.
15:37Sa isang press statement,
15:39sinabi ng
15:39Aboytis Power Corporation
15:40na kinikilala nila
15:42ang mga pangamba
15:43tungkol sa pagpuputol
15:44ng kahoy
15:45sa phase two
15:46at ang potensyal
15:47na pagbahang dulot nito
15:48dahil nasa
15:49inisyal na bahagi
15:50pa lang daw
15:51ang phase two.
15:52Wala pa raw silang
15:53ginagawang pagpuputol
15:54ng puno
15:54kaugnay nito.
15:56Pero sa kanilang
15:56pag-aaral,
15:57hindi raw makakadagdag
15:58sa tubig
15:59na dumadaloy
16:00sa Olongapo River
16:01ang phase two
16:01ng proyekto.
16:03Sari-saring hakbang
16:03rin daw
16:04ang isasagawa nila
16:05para matiyak
16:06ang kaligtasan
16:07sa site
16:07at sa mga kalapit
16:08na komunidad.
16:10Ang sabi ng
16:10Aboytis Power,
16:11walang kuryente
16:12mula sa solar farm
16:13ang direktang
16:14mapupunta
16:15sa Olongapo City.
16:16Pero may kita naman daw
16:17na mapupunta
16:18sa lokal na pamahalaan
16:19sa pamamagitan
16:20ng real property
16:21at business taxes
16:22sa loob ng 25 taong
16:24lifespan
16:24ng proyekto.
16:26Bukod pa ito
16:26sa mga buwis
16:27na ibabayad
16:28sa national government
16:29sa pagbenta
16:30ng nilikhang kuryente
16:32ng kumpanya.
16:33Para sa GMA
16:34Integrated News,
16:35Chino Gaston
16:36Nakatutok,
16:3724 oras.
16:38Pasko sa kulungan
16:46ng minsang pangako
16:47ng gobyerno,
16:48kagnay ng mga sangkot
16:49sa flood control scandal.
16:51Ngayon,
16:52nagtakda
16:53ng sariling deadline
16:54ang ombudsman
16:55para maipakulungan
16:57ang mga mambabatas
16:58na sangkot.
16:59Kung kailan?
17:00Sa pagtutok
17:01ni Salima Refran.
17:02Para kay ombudsman
17:07Jesus Caspin Rimulya,
17:09dapat lang
17:09na mapanagot
17:10ang mga tiwali.
17:11Pero may mas malalim
17:12pang dapat gawin.
17:14Corruption kills.
17:16Not metaphorically,
17:18but literally.
17:19Our national conversation
17:20cannot stop
17:22at accountability.
17:24Accountability is mandatory,
17:27but it is not enough.
17:29Sa kanyang talumpati
17:31sa pagdariwang
17:31ng ombudsman,
17:32ng International
17:33Anti-Corruption Day,
17:34sinabi ni Rimulya
17:35na dapat magtakda
17:37ng mga reporma
17:37sa sistema
17:38para masigurong
17:39hindi na mangyayari
17:40ang korupsyon.
17:41We must confront
17:42the harder task,
17:44fixing the systems
17:45that allowed corruption
17:46to take root,
17:49strengthening the rules
17:50that were too weak,
17:52and redesigning processes
17:53that failed the people.
17:57We must move past
17:59asking
18:00who is at fault
18:02and demand
18:03what must change.
18:07Because without reform,
18:09the same abuses
18:10will continue
18:11under new days
18:14and under new faces.
18:16Sa office of the ombudsman,
18:18magpapatupad daw sila
18:19ng modernization
18:20gaya ng pagkakaroon
18:21ng fully digital database.
18:24Kaugnay naman,
18:25sa paghahabol
18:25sa mga nasa likod
18:27dama-anumaliang
18:27flood control projects,
18:29nagtakda noon
18:30ang ombudsman
18:31ng sariling deadline
18:32na December 15
18:33para sa pagpapakulong
18:35ng malalaking isna
18:36o mga senador
18:37at kongresista.
18:39Sabi ni Assistant Ombudsman
18:40Miko Clavano,
18:41posible rao na ngayong linggo,
18:43may maisan pa sila
18:44mga kaso
18:45sa Sandigan Bayan.
18:46It's possible,
18:47it's possible,
18:48but we go with
18:49the strength of the cases.
18:50Kung meron tayong
18:51makitang ebedensya
18:52na ang proponent mismo
18:54ang kumuha ng pera,
18:56siya mismo
18:56ang tumanggap ng pera,
18:57mas madaling
18:58i-prove po yun
18:59kaysa sa mga kaso
19:01na may layering,
19:03patago talaga,
19:04merong silang mga bagman
19:06na kailangan muna natin
19:07matumbok
19:08para makuha yung proponent.
19:10Nakapagsampan na
19:11ang ombudsman
19:12ng mga kasong
19:13graft at malversation
19:14sa Sandigan Bayan
19:15at Digos RTC
19:17kaugnay ng substandard
19:18umanong 289 milyon pesos
19:20na road dyke project
19:22sa Nauhan Oriental, Mindoro
19:23at sa 96.5 milyon pesos
19:26na ghost project umano
19:27sa Jose Abad Santos
19:29Davao Occidental.
19:31Para sa GMA Integrated News
19:33sa Nima Rafra
19:34nakatutok 24 oras.
19:37Panibagong all-time low
19:39ang naitalang halaga
19:39ng piso contra dolyar
19:41ngayong araw.
19:42Nagsara ang peso
19:43dollar exchange rate
19:44sa 59 pesos
19:45and 22 centavos
19:47kada dolyar.
19:48Pinakamahina
19:49sa kasaysayan.
19:50Mas mababa ito
19:51sa naitalaan itong
19:52November 12
19:53na 59 pesos
19:54and 17 centavos.
19:57Wala pang bagong pakayag
19:58ang Banko Sentral
19:58ng Pilipinas
19:59kaugnay ng lalong
20:00paghina ng piso
20:01contra dolyar.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended