00:00Mga Kapuso, fully paid na ang nabiling motosiklo pero hindi magamit ng may-ari dahil may kaparehong plaka?
00:09Ang problemang yan, idinalog sa inyong Kapuso Action Man!
00:16Noong 2018 pa, nabili ni Heidi ang motosiklo niya sa isang dealer sa Lubaw, Pampanga.
00:22Taong 2023 naman, naibigay sa kanya ng dealer ang plaka nito.
00:25Pero laking pagtataka ni Heidi nang mag-renew ng registro ng motosiklo, Abril ngayong taon.
00:33Lumabas na meron po akong kaparehas na plaka.
00:36Sa record ng Land Transportation Office o LTO, may narehistro ng kaparehong plaka ng motosiklo sa lungsod ng Cebu.
00:44Tinanong ko po sa kanila kung anong dapat kong gawin.
00:46Ang sabi po nila sa akin, dahil po naunang model, yung kaparehas ko na yung truck kasi 2012 po na model yun,
00:54yung motor ko po 2018, ang sabi po nila, ma-honor daw po yung plate number dun sa truck.
01:01Daki lang sa nangyaring doble plaka, labis na naabala si Heidi.
01:04Hindi po masyadong lumalabas ng highway.
01:06Kasi nga po, baka mamaya magkaroon ng inspection, tapos yun nga po yung plaka nakakabit sa akin.
01:12Hindi po pala sa name ko naka-upload, baka mamaya magkaroon pa po ng problema.
01:15Kaya po tinanggal ko na rin yung plaka.
01:18Sinubukang makipag-ugnayan ni Heidi sa dealer pero...
01:21Hindi naman po sila nagsisindi, hindi po sila nagre-reply.
01:23Ayon sa area manager ng dealer sa Lubaw, Pampanga, nang galing daw sa LTO ang kanilang mga na-release na plaka,
01:30ang lahat ng impormasyong ibinigay nila sa kanilang mga buyer ay pawang galing din sa agensya.
01:35Para maliwanagan, tumulog ang inyong kapuso action man sa LTO.
01:39Sa kanilang verification, ang kaparehong plaka ni Heidi na nasa Cebu ay naitakda sa isang bus transit.
01:46Pero ang format ng plaka ay para sa Region 3 at wala raw ganoong klase ng plaka sa Region 7.
01:53Kasalukuyan ang iniimbestigahan ng ahensya kung ano ang nangyari sa duplication at kung paano ito maisa sa ayos.
02:00Pagtitiyak nila, hindi na kailangang baguhin ang naibigay na plaka kay Heidi.
02:05At maaari na rin niya itong gamitin.
02:09Para po kayong Mr. Emil Sumangil, nagpapasaraman po ako kasi sa sobrang daming humingi sa kanya ng tulong.
02:15Sobrang thankful po.
02:20Mission accomplished tayo mga kapuso.
02:22Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo
02:26sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Marabinyo, Dilman, Casa City.
02:31Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katiwalian, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Comments