00:00Dumadami na rin ang mga pasaherong dumadating sa paliparan sa Davao Region ngayong Merkulis Santo.
00:06Si LJ Sagang ng PTV Davao sa Balitang Pambansa Live.
00:11LJ.
00:13Ngayon ay Merkulis, Holy Wednesday.
00:15Ramdam na ang unti-unting pagdami ng mga pasahero dito sa Francisco International Airport sa Davao City.
00:23Ang ilan sa mga pasahero ay pauwi na sa kanika nilang mga probinsya upang makasama ang pamilya ngayong Simana Santa.
00:29Habang ang iba naman ay nakatapdang magbakasyon sa iba't ibang tourist destination dito sa Davao Region.
00:36Dahil sa inaasahang dagsa ng tao, muling nagpapaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines o Kaap Davao
00:43na palaging imonitor ang flight status at siguraduhin dumating sa airport ng mas maaga para mayuwasan ng abirya sa check-in at inspeksyon.
00:54Mahigpit na ipinatutupad ang mga bagong regulasyon ng airline companies
00:57kabilang ang tamang pagdadala at pagdiklara ng mga power bank at iba pang electronic devices.
01:04Sa ngayon, naka-heightened alert status na ang Davao International Airport bilang bahagi ng siguridad para sa Holy Week.
01:12Ayon sa Kaap, wala namang natatanggap na direktang banta pero nananatili silang naka-alerto.
01:18Paalala din ang Kaap Davao sa mga pasahero na ugaliing magplano ng maaga,
01:24sundin ang alituntunin ng airlines at alamin ang pinakahuling updates upang masiguro ang maayos at ligtas na biyahe ngayong Simanas Santa.
01:34Yan na muna ang latest update dito sa Davao International Airport.
01:38Ito si LJ Sagang para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
01:45Maraming salamat LJ Sagang ng PTV Davao.