00:00Binipensan po ng Malacanang ang request na Confidential at Intelligence Fund ng Office of the President para sa susunod na taon.
00:07Ayon po sa Palacio, wala namang problema yan basta ginagamit sa tama.
00:11Si Hardy Valbuena sa report.
00:16Batay sa 2026 National Expenditure Program, papalo sa 10.8 billion pesos ang proposed Confidential at Intelligence Funds.
00:25Ang Confidential at Intelligence Fund ay pondong inilalaan para sa siguridad at pagkalap ng intelligence information.
00:35Halos kalahati ng alokasyon inilaan sa tanggapan ng Pangulo na nagkakahalaga ng 4.5 billion pesos.
00:43Dinepensahan ng Malacanang ang halagang iyan.
00:46The President is the Commander-in-Chief and the Chief Architect of National Policy or National Security and Foreign Policy.
00:52At kinakilaan po ng pondo ng Pangulo.
00:56Siniguro ng palasyo na hindi makukulimbat ang pondong nakalaan sa Office of the President.
01:03Ang Confidential Funds o ang pera ay hindi naman masama kung ginagamit sa tama.
01:08Ang Confidential Funds o pondo ay nagiging masama kung ginagamit ng isang korap.
01:15Batay sa pinakabagong survey ng Okta Research, lumabas na mula 42% noong Abril,
01:21tumaas sa 45% ang dami ng mga Pilipino na nagsabing mahirap sila nitong Hulyo.
01:27Paliwanag na Malacanang.
01:28Hindi naman po talaga maisasang tabi ang realidad na hindi naman lahat ng Pilipino ngayon ay saganang-sagana.
01:37Kaya nga po hindi po ito titigilan hanggat sa mas maramdaman po ng mas marami pang Pilipino ang kanilang pag-angat sa buhay.
01:44Kaya naman tiniyak ng palasyo na ipagpapatuloy ang mga programang magpapagaan sa pasani ng mga Pilipino.
01:51Kabilang ang pagbebenta ng tigbente pesos na bigas, walang gutong food stamp program at diskwento sa pamasahe.
01:59Pinag-aaralan ng pamahalan ang hiling ng ilang transport group para sa dagdagpasahe sa jeepney.
02:05Dahil yan sa patuloy na pagtasang presyo ng langis, magpupulong ang mga operator, driver at consumer group para malaman ang posibleng epekto ng fair hike.
02:14Hindi lamang po ang DOTR ang siyang mag-de-decide dito, kundi po ang buong economic team para po malaman natin kung kakayanan din po ng ating taong bayan ang dagdagpamasahe.
02:25Inatasan ng Malacanang ang Department of Education at Department of the Interior and Local Government na magsagawa ng malalimang investigasyon sa mga insidente ng karasaan sa eskwelahan.
02:37Pinatutulong na rin ang palasyo ang Department of Social Welfare and Development para sa mas mabilis na pag-aksyon sa school violence.
02:45Pinatutulong po na makita at mamonitor kung ang child protection policy ng DepEd, hindi po ito tutulugan at a-actionan po ng mga concerned agencies.
02:57Hauli Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.