Skip to playerSkip to main content
Nasa halos P6.8 trilyon ang halaga ng National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso para sa taong 2026. 7% itong mas mataas sa budget ngayong taon. Kasama sa mga nakapaloob dito ang P10 bilyon para sa P20/kilo rice program. Wala rin daw inilagay na alokasyon para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa halos 6.8 trillion pesos ang halaga ng National Expenditure Program na isinumiti sa Kongreso para sa taong 2026,
00:107% itong mas mataas sa budget ngayong taon.
00:14Kasama sa mga nakapaloob dito, ang 10 bilyong piso para sa 20 peso per kilo rice program.
00:21Wala rin daw inilagay na alokasyon para sa ayuda, para sa kapos ang kita o AKAP program.
00:27Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:30Na-turnover na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kamara at Senado ang National Expenditure Program o hinihingi yung budget ng Ehekutibo para sa 2026.
00:44Bumaabot ito ng 6.793 trillion pesos, mas mataas ng 7.4% kumpara sa 6.326 trillion pesos ngayong 2025.
00:56Alinsunod sa konstitusyon, pinakamalaki ang para sa Department of Education na nasa 928.5 billion pesos.
01:04For the first time, the budget for basic and higher education has been increased monumentally to meet UNESCO's recommended education spending target of at least 4% of the country's GDP.
01:22Sunod na pinakamataas ang hinihingi budget para sa Department of Public Works and Highways na nasa 881.3 billion pesos.
01:32Mahigit 270 billion pesos dyan ay para sa flood control projects.
01:37Iwalay pa ang mahigit 2 billion pesos para naman sa flood control projects ng MMDA.
01:43320 billion pesos naman ang hinihingi para sa Department of Health, kasama na rito ang para sa PhilHealth.
01:51Halos 300 billion pesos naman ang hinihingi impondo para sa Department of National Defense.
01:57Sa mahigit 10 billion pesos naman na hinihingi confidential at intelligence funds, pinakamalaki ang mahigit 4 billion piso para sa Office of the President.
02:07Ito po ay bumaba from the GAA ng 1.35 billion pesos or 11.18%.
02:24On the part of the House, we'll assess it.
02:26There are certain agencies and offices that are allowed to have confidential intelligence funds based on necessity.
02:33Walang hinihinging confidential funds para sa Office of the Vice President, pero mas mataas ang total allocation para sa opisina kumpara sa 2025 budget nito.
02:45Halos 240 billion pesos ang hinihingi para sa agrikultura, kasama ang 10 billion pesos para sa 20 pesos kada kilong digas.
02:54Sa 227 billion pesos namang hinihingi para sa social welfare, hindi nakasama ang ACAP o ayuda para sa kapos ang kita.
03:04May natitira pa pong pondo for 2025 and like I mentioned a while ago, we received a total of 10 trillion pesos na proposal from agencies.
03:17And given our limited fiscal space, hindi pa po muna natin siya sinama.
03:24We will open the bicameral conference committee on the budget to the public and to the media.
03:31Habang nagkakaroon ng budget briefing, magkakaroon rin tayo ng, tawag ko dito, hearing with budget experts and civil society organizations.
03:41Pwede silang mag-suggest, no?
03:43Para may sapat na panahong suriin ang budget, inurong ang pag-adjourn ng Kongreso mula October 3 patungong October 10.
03:52At kasunod ng utos ng Pangulo na huwag nang baguhin ang hinihingi budget ng Ehekutibo.
03:57That is a mutation of the NEP or that has become too far off from the NEP.
04:03As majority leader, I won't allow it to happen.
04:04In the coming weeks, we will review every page of the Net Expenditure Program guided by one question.
04:12Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?
04:15Nanawagan na rin ang Pangulo na madaliin ang pagpasa sa panukalang budget.
04:20Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended