Skip to playerSkip to main content
Binuntutan ng Chinese fighter jet at ni-radio challenge ng Chinese vessels ang eroplano ng Philippine Coast Guard na nagpapatrolya sa Bajo de Masinloc. Wala rin takas sa Chinese Navy ang mga barko ng Amerika na namataan doon ng aming team.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binuntutan ng Chinese Fighter Jet at Nerejo Challenge ng Chinese Vessels
00:04ang aeroplano ng Philippine Coast Guard na nagpapatrolyah sa Bajo de Masinloc.
00:09Wala ring takas sa Chinese Navy ang mga barko ng Amerika na namataan doon ng aming team.
00:15Nakatutok si Chino Gaston.
00:20Nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng Maritime Domain Awareness Flight
00:23sa bandang Bajo de Masinloc nang biglang lumitaw
00:26ang kulay gray na Chinese J-15 fighter jet na ito.
00:30Unang tumabi ang fighter jet sa PCG aircraft sa layong 500 feet
00:35na para pang inoobserbahan ito.
00:39Abang tayo mapalapit ng Bajo de Masinloc ay napansin natin
00:42ang pagdating nitong Chinese fighter jet
00:45na higit kumulang 20 minuto na kumakalikin at kumapalibot
00:49sa patrol aircraft ng Philippine Coast Guard.
00:52Ito raw ang unang beses ngayong taon na gumamit ang China ng fighter jet
00:56para mag-intercept ng patrol aircraft ng PCG.
00:59Kalaunan, umalis din ang Chinese fighter jet.
01:05Hindi raw masabi ng PCG kung may kinalaman
01:08ang bagong taktika ng China
01:10sa nangyaring salpukan ng mga barko ng Chinese Navy at Coast Guard
01:14habang tinataboy ang BRP Suluan
01:16sa Bajo de Masinloc noong lunes.
01:18I don't want to speculate that this is a response of what had happened last Monday.
01:24But one thing is clear, no?
01:26Every time we conduct an MDA flight over BDM,
01:31they are also harassing and endangering the safety of the Coast Guard aircraft.
01:36Ilang beses nagaranas ng radio challenge mula sa Chinese vessels
01:40ang PCG patrol aircraft na ang misyon ay magpatrolya sa BDM
01:45at hanapin ang nasirang CCG 3104.
01:47Hindi na namataan sa lugar ang nasirang barko
01:55maging ang nakabangga nitong PL-8 Navy Warship 164.
02:01Pero nakita naman namin roon ang dalawang barko ng Amerika,
02:05ang US Littoral Combat Ship na USS Cincinnati
02:08at Arleigh Burke-class US Destroyer na USS Higgins
02:12na binubuntutan ng dalawang barko ng Chinese Navy
02:15maging ang mga Amerikano nire-radio challenge ng mga Chino.
02:20Sa isang pahayag, sabi ng Southern Theater Command ng China,
02:23tinaboy daw nila ang mga barko ng Amerika
02:25na wala raw paalam na pumasok sa lugar.
02:28Sa ginawang ito ng Amerika,
02:30nalabag daw ang kanilang soberanya at seguridad
02:33at pinahina raw ang kapayapaan sa South China Sea.
02:37Tugo ng United States 7th Fleet,
02:39hindi totoo na itinaboy ang kanilang barko ng China.
02:42Naroon daw ang kanilang mga barko
02:44sa isang Freedom of Navigation Operation
02:46alinsunod sa International Law.
02:48Dinidepensahan daw ng Estados Unidos
02:50ang kanilang karapatan na lumipad,
02:52maglayag at mag-operate
02:53sa ang mga pinahihintunutan ng batas,
02:56bagay na hindi umano mapipigilan
02:58anumang sabihin ng China.
03:00Kalaunan, nilisan rin umano ng USS Higgins
03:04ang bahagi ng South China Sea
03:06na labis umanong inaangkin.
03:08Dagdag pa ng US 7th Fleet,
03:10araw-araw ang kanilang operasyon sa South China Sea
03:13at may koordinasyon sa mga kaalyado
03:16na may katulad na panindigan
03:18na isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
03:23Sabi naman ang Philippine Coast Guard,
03:24The Philippine government is supportive of the freedom of navigation.
03:28We need to make sure that all of our deployments,
03:31whether you are People's Republic of China
03:33or members of the like-minded states,
03:37your behavior and operation in the South China Sea
03:41or any other parts of the world should always be guided.
03:44Para sa GMA Integrated News,
03:47Chino Gaston Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended