00:0010 barko ng China ang namataan sa Bajo de Masinloc sa pag-iikot ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.
00:08Batay sa isinagawang maritime domain awareness, sakay ng PCG aircraft,
00:13nasa exclusive economic zone ng Pilipinas ang mga barko ng China.
00:18Kabilang dito ang 5 militia vessels, 3 China Coast Guard ships at 2 warship ng China Navy.
00:25Hindi bababa sa walong radio challenge galing sa mga Chinese warship ang natanggap ng PCG aircraft.
00:33Iginigit naman ng PCG aircraft na nasa teritoryo sila ng Pilipinas at lehitimo ang kanilang paglipad.
Comments