Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong video]


Iniimbestigahan na ng city hall kung may nilabag ang condominium na pinanggalingan ng tipak na bumagsak sa tatlong estudyante sa Quezon City. Dalawa sa kanila ay nasa ICU pa rin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbestigahan na ng City Hall kung may nilabag ang kondominium na pinanggalingan ng tipak na bumagsak sa tatlong estudyante sa Quezon City.
00:10Dalawa sa kanila ay nasa ICU pa rin. At nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:19Naoperahan na pero critical pa rin ang kalagayan ni Carl Jaden Baldonado.
00:24Isa si Carl sa tatlong estudyante na bagsakan ng kongkretong bahagi ng Atherton Place Condominium sa panulokan ng Tomas Morato at Roses Avenue sa Quezon City.
00:35Nasa intensive care unit ngayon si Carl pero ang kanyang mga magulang hindi nawawala ng pag-asa.
00:41Lagi namin siyang kinakausap talaga na lumaban. Kasi nakikita namin ang gauge namin lumalaban siya kaya kailangan lumaban din kami para sa kanya.
00:50Kasi sa amin siya kukuha ng lakas.
00:52Gusto ko lang din magpasalamat sa mga lahat ng tumutulong sa amin ngayon.
00:55Sa patuloy na pagdadasal niyo sa anak ko, maraming salamat po.
00:58Bukod kay Carl, nasa ICU rin si Michael Sanchez na nabagsakan din sa ulo ng debris mula sa gusali.
01:06Ang kakambal niya na si Miguel, nakauwi na sa bahay matapos namang masugatan sa braso.
01:12Ang Atherton Place Condominium, binisita ng Department of Building Official ng Quezon City.
01:17Patuloy rao ang investigasyon sa posibleng paglabag sa building code ng may-ari ng gusali.
01:24Batay rao sa kanilang record, 1995 nabigyan ang building permit ang naturang gusali.
01:292022 naman daw nang lagyan ito ng antena, nakatabi lamang ng nahulog na debris.
01:35Maaring may naging efekto yung pagkabit ng antena kaya na-disturb siguro yung palitada.
01:41Yung antena kasi that was installed about 2022.
01:47Taon-taon naman daw iniinspeksyon ang gusali pero hindi raw structural ang problema ng gusali, kundi architectural.
01:54Yung mga structural, titignan namin yung mga column kung maayos pa yung mga biga.
02:01Meron din yung electrical components.
02:03Tinitingnan namin yung mga breakers nila kung hindi umiinit.
02:07So yun yung mga subject ng inspection.
02:08Pati mechanical, mga elevators, iniinspeksyon din namin.
02:12Unfortunately, ito kasi mga architectural to eh.
02:16So hindi kasama talaga sa inspection namin.
02:19Hindi rin daw nakapagsubmit ng tao ng maintenance program ang pamunuan ito.
02:23Sinikap namin hinga ng panigang Atherton pero walang humarap sa amin.
02:27Habang gumugulong ang investigasyon, rekomendasyon ng local government.
02:31Palitan na nila yung palitada nila.
02:33Tsaka in the meantime, maglagay sila ng canopy.
02:36Kasi nga, nakita na natin na hindi na masyadong stable eh.
02:40Hiwalay na kaso pa kung sakali ang pusibling kaharapin ng pamunuan ng gusali
02:44mula sa pamilya ng tatlong batang nabagsakan ng debris.
02:47Pero ayon sa kanila mga pamilya, tinututukan muna nila ang kalagaya ng mga bata.
02:53Kailangan pa po namin ang patulipong panalangin.
02:57Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended