Skip to playerSkip to main content
Tapos na ang isang linggong kalbaryo at magkasama nang sasalubong sa bagong taon ang ama at kaniyang anak na tinangay ng kanilang kapwa-street dweller. Natunton sa wakas ang bata sa Navotas matapos umanong dalhin at iwan doon mula sa Quezon City.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Tapos na ang isang linggong kalbaryo at magkasama ng sasalubong sa bagong taon.
00:11Ang ama at kanyang anak na tinangay ng kanilang kapwa street dweller.
00:16Natuntun sa wakas ang bata sa nabotas matapos umanong dalhin at iwan doon mula po sa Caso City.
00:23Nakatutok si James Agustin.
00:30Mahigpit na yakap at halik ang isinalubong ni Melvin nang muli niya makapiling ang isang taon at pitumbuang gulang niyang anak na si Kiana J.
00:37Matapos ng halos anim na araw na paghahanap.
00:40Natuntun ang bata sa nabotas city kagabi sa pangangalaga ng mga nagmalasakit sa kanya.
00:45Ang bata naku na sa CCTV na tinangay ng kapwa nila street dweller sa isang convenience store sa Quezon City noong December 10.
00:52Naaresto at nasampahan ng mga reklamo ang 20 anyo sa babaeng sospek na tumangay sa kanya.
00:57Sobrang sobrang saya ko kasi nakita po namin yung anak ko tapos ligtas po.
01:05Yun lang naman po yung pinagpapanalangin namin araw-araw.
01:09Napakalaking tulong po sa amin na naibalik sa amin ng ligtas yung ano ko kasi natanggal po lahat ng pagod, hirap at mga pagtitiis namin sa paghahanap sa anak ko.
01:24Sa emisigasyon ng polisya, lumalabas na nakarating ang sospek kargaang bata sa Caloocan City.
01:29Napagalaman po natin na ito nga pong bata ay iniwan nga araw po ng sospek natin sa isang convenience store sa bandang sangandaan.
01:41Iniwan niya po sa isang babae na nandoon po sa may convenience store.
01:48Ayon sa babaeng pinag-iwanan ng bata, tulog daw si Kiana Jane ang inihabinin sa kanya ng sospek.
01:54Sabi niya maliligo lang daw po siya. Tapos yun, tapos nagintay po ako ng ilang oras, nila po binalikan yung bata.
02:01Tapos mga tao pong lumapit, sabi po na ano na, ay masakay dito.
02:07Kasi ang bawal nga, kasi nga hindi naman tambayan po yun.
02:10In-report naman daw nila sa barangay na may iniwang bata sa lugar.
02:14Napanood po ng father ko yung upload po ng GMA sa social media po.
02:20Then, ginawa niya po yung contact number nung nakalagay po doon.
02:24Maawa po kami totally kasi may kapatid po akong maliit.
02:28Minigyan po namin siya ng magandang matutulugan, magandang damit at napapakain po namin ng maayos.
02:34Para hindi na maulit ang pangyayari, si Melvin at kanyang kinakasama makikituloy na sa kanilang kaanak sa Caloocan City.
02:40May ipapangako ko lang sa anak ko, sir, na hindi na maulit ang nangyayari na ito kasi napakabata niya pa po para maranasan po, sir.
02:49Nagpaalala naman ang polisya sa publiko para maiwasan ang ganitong insidente.
02:54Sa mga magulang, lalo na po kung may mga anak po kayo na mga maliliit pa po,
03:03huwag niyo pong paubaya sa ibang tao yung anak niyo po, lalo na kung bago niya lang po nakilala.
03:10Para sa Jimmy Integrated News, James Agustina, katuto 24 oras.
Comments

Recommended