Skip to playerSkip to main content
Binayo rin ng malalakas na hangin at ulan ang Oriental Mindoro kung saan huling nag-landfall ang Bagyong #OpongPH.


Isang nabagsakan ng puno ang sugatan.24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Melendi, pinalampas ng bagsik ng Bagyong Opong ang Oriental Mindoro.
00:04Sa kabila ng malawakang pagulan at hampas ng hangin, hindi pa rin lumikas ang ilang residente.
00:14Ganito na ang hangin at ulang bumayo sa Rojas, Oriental Mindoro ilang sandali bago ang landfall ng Bagyong Opong sa probinsya.
00:22Ang mga alon, galit na galit na humampas sa baybayin.
00:25At nang tumama na sa kalupaan ng Mansalay ang bagyo, matinding ulan at hangin din ang naranasan sa Kalapan, Oriental Mindoro.
00:33Nagkalat ang mga dahon at putol na sanga ng mga puno sa maraming kalsada.
00:38Pinatumba rin ang hangin ng ilang puno sa Kalapan. Malakas din ang hangin sa bayan ng Baco.
00:44Naging pahirapan para sa mga motorista na lumusot sa ilang kalsada dahil sa mga punong bumagsak at naiwang nakahambalang sa gitna ng daan.
00:52Isang lalaki pa nga ang nasugatan matapos mabagsakan ang puno ng talisay.
00:57Habang sa bayan ang bulalakaw, aakalain mong rumaragas ang ilog ang isang kalsada sa sityo Kawakat, Barangay Kambunang.
01:07Bago pa ang landfall, matinding ulan na ang gumising sa mga taga-Oriental Mindoro kaninang umaga.
01:12Sa kuhang ito nga sa Baco, may tila na mumuong ulap pa sa dikalayuan.
01:18Nang lumapit na, nagdilim ang paligid at makikita ang mga paikot-ikot na nililipad ng hangin kasabay ng ulan.
01:28Noon pa lang, may mga bubong nang natuklap ng malakas na hangin dahil umano sa buhawing dumaan bago mag-landfall ang bagyong opong.
01:37Baka na rin noon sa ilang kalsada sa Kalapan.
01:40Bago pa ang landfall, nagkumahog na ang marami para maihanda ang kanikanilang bahay.
01:45Kada tama ng bagyo na may malakas na hangin, nawawasak at nililipad daw ang mga bubong ng mga bahay dito sa Barangay Bukayaw, Kalapan, Oriental Mindoro.
01:54Ang ginagawa nila, pinapatungan na lang ng semento at bato para hindi lipa rin.
02:00Pati mga bintana, tinapalan na nila para hindi pasukin ang ulan at hangin ang kanilang bahay.
02:05I-taste-taste lang ho, nakakaraas din naman ho kahit papano.
02:11Siyempre, napapagod naman.
02:13Mahirap naman pagka nasira, wala naman pampalit agad, wala po kami tutulugan.
02:18Wala po kami basta-basta mapintahan, magdadasal na lamang po na saan na i-malosaw na, mawala na para ayos, walang mapinsala.
02:27Sa pagtama ng mismong bagyo, nag-ikot ang mga otoridad para mangumbensin na lumikas.
02:32Ang mga anak kong kwan eh, hindi pa nakain, inintayin po muna.
02:36May inintay pa kong apon, samsama kami.
02:40Mahirap din naman iwanan yung isa.
02:42Napapagod din pagka, patakbo-takbo ka pa, alis-alis sa bahay.
02:48Ano lang magagawain na.
02:50Nandini po yung nanay ko, hindi po siya lumipat eh, hindi naman po namin pwedeng iwanan.
02:55Kailangan pong monitor namin po namin bangga po hanggat-hanggat medyo hindi po nalaki po ang tubig.
03:01Kaya pa naman o kahit pa pano.
03:02Ayon sa Kapitolyo, mahigit labing apat na libong tao sa Oriental Mindoro ang apektado sa bagyo.
03:09Wala pa rin biyahe ng barko sa mga pantalan, kaya stranded ang halos dalawandaang rolling cargos at iba pang sasakyan.
03:15So hopefully Sabado ng gabi, makapag-resume tayo ang pinakamatagal siguro linggo ng umaga.
03:27Mel, kasalukuyan nasa ilalim ng signal number 2 na lang ang buong probinsya ng Oriental Mindoro.
03:34Yan muna ang latest mula rito sa Kalapan, Oriental Mindoro. Balik sa'yo, Mel.
03:37Maraming salamat sa'yo, Bay Up in Luck.
Comments

Recommended