- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras: (Part 3) 3 estudyante, nabagsakan ng tipak ng semento mula sa condominium; ilang construction company na inilista ni PBBM kaugnay sa flood control projects, naugnay na sa ilang kontrobersiya; 12-anyos na Pinoy, nag-uwi ng 10 gold medals at 2 special award sa Merlion Open Dancesport Championships 2025, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Naugnay na sa ilang kontrobersya ang ilang construction company na inilista ng Pangulo na naka-corner sa mga proyekto kontrabaha.
00:09Ang isang sinitanoon ng COA dahil bitin ang ginawang kalsada at naging supplier din ng overpriced laptop sa DepEd,
00:18naging incorporator ang isang kongresista. Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Sa 15 construction companies na binanggit ng Pangulo, pinakamalaking halaga ng mga proyekto ang nakuha ng SunWest Incorporated
00:42base sa datos mula sa Malacanang. Para yan sa 78 flood control projects na nagkakahalaga ng mahigit 10 bilyong piso.
00:50Ang SunWest Incorporated dati nang naugnay sa ilang kontrobersya base sa pananaliksik ng GMA Integrated News Research.
00:58Noong 2012, sinitan ng COA ang isa sa kanilang mga proyekto.
01:02Lumabas kasi na bitin ng higit 2,000 square meters ang lapad ng kasadang kanilang ginawa kontra sa nireport nitong accomplishment sa DPWH.
01:11Napuna rin sila noon ng Senado kung bakit ang isang construction company ay naging supplier ng PSDBM
01:17para sa protective personnel equipment o PPE noong pandemya noong 2020 at 2021.
01:24Noong panahon yun, SunWest Construction and Development Corporation o SCDC pa ang kanilang pangalan.
01:31Lumabas na rin ang pangalan ng SCDC bilang supplier ng umano'y overpriced at outdated na laptop sa DepEd sa 2022 audit ng COA sa PSDBM.
01:41Dating incorporator ng SunWest pero nag-divest na umano si Ako Bicol Partylist Representative Elizalde Co.
01:48Sinusubukan pa namin kunin ang kanyang pahayag.
01:51Mahigit siyam na bilyong piso naman ang nakuha ng Legacy Construction Corporation para sa 132 projects na pinakamarami sa listahan.
02:00Pinuntahan namin sa Pasig City ang nakuha naming office address nito pero sinabi ng security guard na lumipat na ang legacy bago mag-COVID pandemic noong 2020.
02:09Mahigit pitong bilyong piso naman ang na-corner na project ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation.
02:17Pareho ang office address ng Alpha and Omega sa St. Timothy Construction Corporation na na-awarda naman ng mahigit pitong bilyong pisong flood control project.
02:27Pero sa labas ng office address ng dalawa, ang nakalagay na pangalan ay St. Gerard Construction.
02:32Sa pinakahuling general information sheet ng Alpha and Omega, Sara Diskaya ang nakalagay na presidente.
02:39Siya ang nakalaban dati ni Pasig City Mayor Vico Soto sa pagkaalkalde ng lungsod noong eleksyon 2025.
02:46Dati nang nakapanayam ng GMA Integrated News si Pasifiko Diskaya, asawa ni Sara, na nagsabing dati silang shareholder ng St. Timothy.
02:53Pero nag-divest na raw sila dito.
02:55Nang upahan rin daw dati sa kanilang building ang St. Timothy pero umalis na ito.
03:00Ang St. Timothy ang nag-pull out na venture partner ng Miro Systems para sa 2025 automated elections.
03:07Sinusubukan pa rin naming hingin ang kanilang mga pahayag.
03:11Halos 8 bilyong piso naman ang na-award sa EGB Construction Corporation.
03:15Git ng kumpanya, quadruple A status ang kanilang construction company dahil maintegridad ang kanilang kumpanya.
03:22Maayos po ang aming trabaho. Tumutupad po kami sa lahat ng plans and specification.
03:28Tinawag ng Pangulo na disturbing ang pagka-corner ng ilang kumpanya sa 20% na mga proyekto sa buong bansa kaya dapat anyang tignan.
03:37May paliwanag si Roland Simbulan ng Center for People Empowerment in Governance o CENPEG.
03:42They invest in politicians tapos yung politicians are expected to provide them with the contracts that they want to corner.
03:50Kabilang anya sa ginagawa ng iba ang pagbibigay ng campaign fund, bagaman wala naman siyang inihalimbawa.
03:57Paborito anyang gatasan ang mga flood control project.
04:00Mahirap kasing i-monitor ito precisely because they are not so visible.
04:05We can only test their effectiveness and efficiency or what is deficient about them when the flood is already there.
04:14Aminado si DPWH Secretary Manny Bonoan na may hamon sa pagberipika ng mga ipinatutupad na proyekto.
04:22We're doing our best actually to monitor actually but once again the challenge is actually to verify them actually in the field.
04:30Bukod dyan, sabi ni Palo spokesperson under Secretary Claire Castro, may mga tiwaling contractor daw na nalulusutan ang proseso.
04:37Maging mapanuri, mga dating na blacklist, nag-iba lang ng pangalan at ngayon ay mukhang nakakapag-transact pa muli sa gobyerno.
04:48Mahiya naman kayo.
04:49Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok, 24 oras.
04:55Iniutos na ng DILG ang pagbabantayan ng mga tanod sa bawat paaralan sa gitna ng magkakasunod na karahasan dahil sa school bullying.
05:05Iniutos naman ng DepEd ang pinaiting na bug inspections at roving ng mga guro.
05:12Nakatutok si Jonathan Andal.
05:14Nakunan ng CCTV ang pamamato ng grupo ng senior high students sa mga kaeskwela nilang kabataan sa barangay Apoloneo Samson gabi noong Pebrero.
05:27Pero ang tinamaan ang bahay ni Kapitana.
05:29Allegedly ay nag-aabang sa kanila at pagtitripan daw sila pero walang ganon.
05:34May maling sumbong lang, member nga daw sila ng fraternity or gang kung matatawag na yun, mga minor ito.
05:41Kung hindi nila kayang respetuhin ang namumuno sa isang barangay, wala na silang sisinuhin.
05:47Pinatawag noon sa barangay ang mga sangkot na estudyante kasama ang mga magulang at pinagsabihan.
05:52Ang bullying nangyayari hindi lamang po ngayon sa paaralan kundi maging sa labas ng paaralan.
05:57Kaya we have called on the community, parents, ang barangay po natin at maging ang ating LGU para tulungan po tayo doon sa incidents na labas ng eskwelahan.
06:08Kaya ang DILG may memo ngayon sa mga barangay, magtoka ng mga tanod sa labas ng mga nasasakupang paaralan
06:15para magpatrolya sa school premises at sa mga katabing lugar na pinupuntahan ng mga estudyante at para ayusin din ang daloy ng trapiko.
06:23Sa barangay Apoloneo Samson sa Quezon City, matagal na raw nagde-deploy ng mga tanod sa kanilang elementary school
06:28pero wala sa high school dahil katabi lang naman daw ng kanilang barangay hall.
06:33Kulang kasi ang mga tanod natin dahil ayon sa batas, dalawang pulang ang maaari na maging tanod sa bawat barangay.
06:42So ang ginagawa natin kung may extra naman na pondo, yun na lang ang mga auxiliaries, force multiplier.
06:49Mas matatakot yung mga bata na magwala dyan o mag-abang, teacher.
06:55Diba, minsan may mga estudyante, inaabangan, teacher.
06:59So yun din yung hazard ng aming trabaho dito sa senior high.
07:03Kasi yung mga estudyante mo dito, malalaki na.
07:06Oo, so nakakatakot din sila minsan.
07:09Nito lang August 4 sa Balabagan, Lanao del Sur,
07:12isang guro ang binaril ng estudyante niyang grade 11 sa labas ng school dahil umano sa bagsak na grado.
07:19At nitong August 7, isang estudyante ang binaril din sa loob naman ng classroom ng kanyang ex-boyfriend sa Nueva Ecija.
07:26Kanina, tinalakay ang problema sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education.
07:31Lumalala ng lumalala yung bullying.
07:33In fact, manami ng insidente ng suicide sa mga estudyante.
07:37It's either binubuli sila ng kanilang kapwa estudyante or binubuli sila ng kanilang mga guro.
07:42So, anong klaseng programa meron kayo na para ma-address itong lumalala ng problema sa bullying sa elementary at senior high?
07:49Noong August 6 lang, nag-issue po ng bagong IRR kung sa anti-bullying policy po ng Department of Education.
07:57Pinagigting po yung efforts para po ma-prevent yung bullying incident sa mga skwelahan.
08:03Ngayon po, meron ng learner's permission officer.
08:07Siya po yung nakatutok sa bawat skwelahan.
08:09Ngayon, mas paigtingin pa natin ang protocols po.
08:13Yung pag-i-inspect ng bag pag pumasok sa paaralan.
08:16Tapos po, yung ating mga guro, dapat po may roving po tayo ng mga school personnel
08:22para tingnan kung anong nangyayari sa bawat silid-aralan o kahit maging sa CR.
08:27Sa Apollonio Samson National High School, may sariling security guard na umiikot sa mga classroom, CR at iba pang parte ng eskwelahan.
08:35At nag-i-inspeksyon din daw sa mga gamit ng mga estudyante.
08:38Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
08:44Ikinabakala ng ibang bansa ang pagbuntot ng dalawang barko ng China sa barko ng Pilipinas
08:48na nauwi sa banggaan ng mga Chinese vessel.
08:51Sinisinang China ang Pilipinas sa insidente pero tinabrayan ng Defense Department.
08:56Nakatutok si JP Soriano.
08:58Matapos ang pinakabagong pangaharas ng China sa mga barko ng Pilipinas,
09:09inihahanda na raw ng Department of Foreign Affairs
09:11ang proseso ng paghahain ng diplomatic protest laban sa China.
09:16We are of the view that there should be, this is a situation whereby we have to be more careful
09:22that we still go back to the process of whereby diplomatic dialogue and discussions will be best for the situation.
09:34Are we going to summon the Chinese ambassador in Medela?
09:36I think there has been a process but we're still rethinking the whole issue.
09:41We are not yet.
09:42Sa isang pahayag, sabi ng Department of Foreign Affairs,
09:45labis daw ang pagkabahala ng Pilipinas sa ginawa ng mga barko ng Chinese Navy at Coast Guard
09:51na humarang sa isang humanitarian operation ng Pilipinas
09:54para sa mga mangingis ng Pilipino sa Bajo de Masinlo na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
10:00Ngunit sa kabila nito, hindi raw nag-atobili ang mga Pilipino na mag-alok ng tulong
10:06nang magkabanggaan ang dalawa sa mga barko ng China.
10:10Sabi pa ng DFA, mahalagang sundin ang mga International Maritime Rule
10:14para maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.
10:18Ang Foreign Ministry ng China isinisisi sa Pilipinas ang insidente
10:23at hinimok na tigilan na raw ang paggawa ng mga aksyong naguudyok ng gulo.
10:28Tugon dito ni Defense Secretary Gilbert Yodoro.
10:31I'm already tired of contradicting, you know, and I don't want to answer a blatant lie
10:39and, you know, and glorify it.
10:45And everybody knows the truth, really.
10:48Why will we pick a fight?
10:50That's what the President said yesterday.
10:52Who in his or her right mind will initiate a conflict when you are a smaller country?
10:59Common sense, unless they don't have any.
11:02Ang Philippine Navy, inaalam na ang mga ulat na di umano ay may nasaktang Chinese sa insidente.
11:08Tinanong namin si Tidoro, kaugnay dito.
11:10Wala pa akong reports regarding that. Kung meron man tinamaan, eh kasalanan nila yun.
11:16Sa mensahe sa social media ni Danish Ambassador Franz Michael Melvin, sinabi niyang may tumilapong miyembro ng Chinese Coast Guard sa dagat.
11:25Umaasa daw siyang matatagpuan ito.
11:28Si Ambassador Massimo Santoro naman ng European Union, lubos na ikinababahala ang nangyaring insidente.
11:35Buli rin itong pinanawagan ang mapayapang resolusyon sa sigulot sa lugar, alinsunod sa international order at international law.
11:43Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
11:53Lumalaki pang lalo ang Sparkle Family, kaya mabilis na chikahan tayo para updated sa Sherbiz Happening.
12:01Nagbabalik sa Sparkle GMA Artist Center fam si Starstruck Season 4 Ultimate Survivor Chris Bernal.
12:07Matapos magka-family back in 2019, back to work na raw ulit si Chris sa kanyang OG home.
12:13Ready na rin to Sparkle si Campus Cutie Grand Champion Mad Ramos.
12:20Nag-sign din ang contract ang mga naging finalists ng Sparkle Campus Cutie Search.
12:24Dedicated nga raw sila na i-share ang kanilang talents to inspire others as well.
12:31Pumirma na rin ang kontrata with Sparkle si TJ Marquez.
12:35Ayon kay TJ, naging tahanan niya na ang GMA Network sa kanyang showbiz career, kaya napili niya ang Sparkle.
12:42Nanguna sa contract signing ng stars si Najime Network Senior Vice President, Atty. Annette Gozan-Valdez, at Sparkle First Vice President, Joy Marcelo.
12:51Magandang gabi mga kapuso.
12:58Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
13:02Sagot na namin ang food trip niyo ngayong gabi.
13:05Ang ehayin kasi namin kwento, mga pagkaing Pinoy na binigyan ng kakaibang twist.
13:09Nang ilan sa pinakamahusay na chef sa buong mundo.
13:12Tara at pakisalo tayo sa International Manila Food Festival.
13:19Para sa mga Pinoy foodist dyan, all roads need to pasay.
13:23Pagtipon-tipon kasi nitong nakaralinggo ang ilan sa pinakamahusay na chef at culinary leader sa mundo
13:28para maghain ng mga pagkain Pinoy na binigyan nila ng kakaibang twist.
13:32Itong kauna-unahang IMFF or International Manila Food Festival.
13:36Filipino food is not what's next, it's what's now!
13:42Layo ng IMFF ang ipakitang kasanayan, innovation at pagkakaiba-iba ng nutuwing Pinoy.
13:49Isa sa mga highlight ng IMFF ang ginarap ng lasa at lahi, grand tasting nitong linggo.
13:55Isa sa mga present dito, ang Spanish-born chef na si Chef Chelle Gonzalez.
13:59Ang kanya inihain sa mga bisita, arroz caldoso.
14:01Arroz caldoso is the version of arroz caldo in Spain.
14:05This is a blend between Spain and the Philippines.
14:07We use duck, mushrooms, octopus. It's a little bit of spiciness as well.
14:11Way to represent my almost 50 years living in the Philippines and the two cuisines that share the same soul.
14:19Ang scallops na sagana sa ating mga katubigan.
14:22Binigyan naman ang Vietnamese twist ng Filipino-American executive chef na si Chef Tara Monsod.
14:26I'm serving a scallop crudo, so it's raw, over glass noodles, dragon fruit, and a calamanti nakmam.
14:32It's like kinilaw and Vietnamese food kinda mixed together.
14:35And you just eat it in the shell and it's a one bite.
14:38Nilevel up naman ng Filipino chef na si Stefan Dujem ang pagkain ng tusok-tusok.
14:42I prepared a pork tusok-tusok meatball.
14:45It's got a sweet barbecue sauce, pineapple glaze, and chicken curry sauce with a bit of peanuts, mustasa, and lettuce.
14:52At para naman mas marami pa raw ang maingganyong kumain ng balot, binigyan nito ni Chef Josh Boatwood ng kakimang twist.
15:00So what we've done, we've taken duck eggs and we turned it into a chowamushi or a duck egg custard.
15:04We've confit duck legs and then combined that with some wonderful local aromatics and spices.
15:09And then we have topped it off with a jelly that we make out of pinukura at vinegar for that lovely little bit of spice and acidity.
15:14I don't think there's anything more iconic in terms of street food as the balot.
15:17Yung sa balot po, it really tastes good. May pagka-creamy side pa nga siya sa ilalim.
15:23And also, I love the sukan pinakurat.
15:27Sabi nga, if it ain't broke, don't fix it.
15:29Masarap na ang pagkain Pinoy.
15:31Pero kung ganito ba namang ini-level up, sino ba naman ang makakatanggi?
15:35Pero sa mga nagkikrave dyan ng classic na balot sa kanto,
15:38alam niya ba kung saan ang tinuturing na balot capital dito sa Pilipinas?
15:41Mga kapuso, welcome to Pateros, Manila,
15:49ang nag-iisang bayan at pinakabalit na LGU sa Metro Manila
15:51at ang tinuturing na balot capital ng Pilipinas.
15:55Dito sa Pateros, hindi lang kilala ang kanilang duck farming industry.
15:59Pati lang mauhusay nilang mga babalot o yung mga gumagawa
16:01ng balot sa pamamagitan ng pag-incubate sa mga fertilized duck eggs
16:05sa loob ng 17-21 days.
16:07Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
16:10i-post o i-comment lang,
16:12Hashtag Kuya Kim, ano na?
16:14Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
16:16Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 hours.
16:21Samantala, isinugod sa ospital ang tatlong estudyante
16:23matapos mabagsakan ng mga tipak ng semento
16:26mula sa isang condominium building dito po sa Quezon City.
16:29Nakatutok live si Sandra Ginaldo.
16:32Sandra.
16:32Yes, Emil, kritikal nga ang kondisyon ng dalawa sa tatlong bata
16:40na edad 12 anyos.
16:43At ayon po sa mga saksi, ang mga batang yan
16:45ay nahulugan nga po ng debris mula sa isang gusali
16:49na nagkataon naman na yung mga batang iyon
16:51ay naglalakad doon sa harapan.
16:54Nangyari po yan sa panulukan ng Roses at Timog Avenue
16:58bandang 4.39pm ngayong hapon, napuruhan sa ulo
17:02ang dalawa sa kanila na kritikal ngayon ang kalagayan
17:05habang nagtamo naman ang sugat sa braso ang isa pa.
17:08Isinugod sila sa malapit na ospital
17:11at doon ay nakausap namin ang magulang na isa sa mga bata
17:15at nanawagan sila ng tulong na sana raw
17:18ay may doktor na makatulong sa kanyang anak
17:20na nasa kritikal ang lagay ngayon.
17:23Nanawagan din sila sa may-ari ng gusali.
17:26Narito po ang payag ng ina ng isa sa mga biktima.
17:56Magkakaganyan siya.
18:03Sa ngayon Emil nananawagan nga po yung magulang na isa dyan sa mga bata
18:09at nakausap ko rin po maging yung lolo naman
18:11nung isa pang nasa kritikal na kondisyon
18:13at sila po ay nananawagan ng tulong
18:16gayon din nananawagan po sila
18:19para doon naman sa pananagutan ng may-ari ng gusali.
18:22At Emil, sinubukan na rin natin na makakuha ng pahayag
18:27mula doon sa administrator
18:28pero sa ngayon ay wala pang makausap.
18:31Emil?
18:32Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
18:38Triple win para sa tatlong di kalidad na programa ng GMA Prime
18:42ang patuloy nitong pagdomina sa primetime.
18:45Pagkatapos ng 24 oras, tinututukan na ng maraming kapuso
18:50ang makapangyarihang mundo ng hit kapuso fantasy series
18:53na Encantadio Chronicles Sangre.
18:56Mula July 25 hanggang August 8,
18:58nakakuha ng 12.8% na average combined people rating ang serie
19:03base sa datos ng Nielsen TV audience measurement.
19:07Di nagtatapos sa kwento ng mga bagong sangre na Sinatera,
19:11Flamara, Dea at Adamos ang aksyon
19:13dahil kasunod niya na ang action-light drama series
19:17na Sanggang Dikit for Real
19:18na pinagbibidahan ni nakapuso drama king
19:21Dennis Trillo at ultimate star Jeneline Mercado.
19:25Ang kanilang on- at off-screen chemistry
19:27patok sa mga mananood dahilan
19:29para manatili itong most-watched program on its time slot
19:33na nakakuha ng 7.9%
19:35average combined people rating in total Philippines
19:38at 8.6% sa urban Philippines.
19:41On top of its game rin ang revenge drama series na Beauty Empire.
19:46Mula sa pilot week nito,
19:47hindi bumibitiw ang mga mananood
19:49sa kwento ng mga character nina Barbie Forteza,
19:52Kailene Alcantara at Rupa Gutierrez.
19:55Nakapagtala ang series ng average combined people rating
19:58na 4.1% in total Philippines
20:00at 4.6% sa urban Philippines
20:03mula July 7 hanggang August 7.
20:07Nanalatili rin itong number one series sa View Philippines.
20:11Ang tagumpay na ito,
20:12patunay ng commitment ng GMA Network
20:15sa paghahatid ng di-kalidad na content
20:18para sa mga mananood.
20:19Teka muna, tapusin natin
20:27sa isang pangmalakasang good news
20:30ang araw ng Martes.
20:33Pangmalakasan dahil isang batang Pinoy
20:35ang nag-uwi ng karangalan
20:37para po sa bansa, mga kapuso.
20:39Abay, swabbing moves lang naman
20:41ang kanyang ipinakita sa dance floor.
20:43na nangalatili rin ito.
20:45Wow!
20:50Meet Aydhen, Benny, Dick, Lomio, Atienza.
20:57Pangalam po yun, napakaaba.
20:59Ang 12 years old at tubong Oriental Mindoro
21:02na pambato ng Pilipinas
21:04sa kakatapos lang
21:06na Merl Lion Open Dance
21:08for Championship 2025
21:10sa Singapore
21:11nitong August 3.
21:13Mga kapuso,
21:14hindi lang isa,
21:15dalawa o tatlo,
21:17kundi sampung gintong medalya
21:19ang kanyang inuwi.
21:21Ilan lang sa mga sayaw
21:22na dinomina ni Aydhen
21:24sa solo events
21:25ng Modern Standard category
21:27ang tango,
21:29waltz,
21:30slow foxgat
21:31at,
21:32ano ba ito?
21:32Quick step.
21:34Tanungin natin si Tita.
21:35Pero hindi lang
21:36sampung gintong medalya
21:38ang kanyang inuwi.
21:40May dalawa pa siyang
21:41special awards
21:42na nakuha
21:43ng talunin
21:44ang mga pambato
21:45ng Malaysia,
21:46Indonesia at China.
21:48Congratulations sa'yo Aydhen.
21:50Dapat partnerin mo
21:51si Tita Mel.
21:52Ilalaban ko ito
21:53sa mga contest.
21:54Hindi ko alam.
21:55Ay, magandang.
21:56Walang bugi dito, ma'am.
21:58Dapat makita niya
21:59si Tita magbugi.
22:00Ay, tanong muna.
22:02Bakit ko siya
22:02tinawag na Aydhen
22:03sa tansya mo?
22:05Ikaw sabi mo Aydhen.
22:07Kasi Aydhen, di ba?
22:08Bakit?
22:08Kakakaibang pangalan, di ba?
22:10Ngayon mula natin,
22:10gano'n.
22:12Puhulaan ko kung bakit.
22:13Bakit, ma'am?
22:14Sige nga ako.
22:14Parinig dati sa ating mga piso.
22:15Ang nanay niya,
22:17Aydah.
22:18Ang lalaki?
22:18Ang tatay niya,
22:19Henry.
22:20At yan na,
22:21mga balita ngayong martes.
22:22Ako po si Mel Tiyanco.
22:25Ako loon po si Vicky Morales
22:26para sa mas malaking misyon.
22:28Nadali mo doon.
22:29Nadali mo kami doon, ma'am.
22:30Para sa mas malamok na
22:31pagbilingkod sa bayan.
22:32Ako po si Emil Suwangi.
22:34Mula sa GMA Integrated News,
22:36ang News Authority ng Pilipino.
22:38Nakatoto kami.
22:3924 oras.
22:40O, di ba tama?
22:41Outro.
22:4520.
22:4622.
22:4623.
22:4720.
22:4823.
22:4822.
22:4922.
22:4923.
22:4923.
22:5023.
22:5024.
22:5023.
22:5124.
22:5124.
22:5225.
22:5225.
22:54Da mgos promoting IRI להratit place
22:56instead of the chance.
22:56In all the dream world.
22:5624.
22:5826.
22:59Day one rs.
23:0025.
23:0126.
23:0232.
23:0225.
23:0325.
23:0426.
23:0527.
23:0587.
23:06gay.
23:0629.
23:0775.
23:0885.
23:0865.
23:0922.
23:0921.
23:1046.
23:1125.
Be the first to comment